31.12.11

Marami akong sama ng loob ngayong bagong taon

Bukod sa hindi uuwi ang tatay ko ngayong taon -_- madame talaga kong sama ng loob. Ambigat ng boobs ko sa sama ng loob. Sobra na e. Hindi marunong magbayad si kebin at jasper. Tapos malamig pa panahon. Wag tanga. Dinadaan ko na lang lahat sa tawa. Pero nabuburyo na talaga ko. Ewan ko kung ano problema sa utak ko. Pero ni minsan hindi pumalya to. Sana magbago pa. Ewan. Magulong utak para sa bagong taon -_- Happy new year everyone :D

28.12.11

Iba't ibang klase ng babae

O magrereact ka kaagad. Opinion ko lang naman to. Wag kang epal. No offense meant, guys. Eto lang yung mga karaniwan kong nakikita/napapansin. Kung may mga mali or hindi man maganda akong masasabi dito, ipagpaumanhin nyo na. Bobo ko sa pagsasalita at pagsusulat.


  1. Banal saka Mabaet- Madameng babaeng ganyan. Kadalasan, mga madre kasali jan, mga nagpipreach sa mga Christian, at mga babaeng may mahahabang buhok at lageng nakapalda (Hindi ko alam religion nila sorry). Hindi ko alam, pero sila yung mga madalas kong naririnig na nagsasalita tungkol sa salita ng Diyos, o kaya yung mga halos takot gumawa ng kasalanan. Palage silang sumusunod sa mga magulang nila. Saka mabaet sila :D
  2. Batang Ina- Hindi lang si Angelito at si Nene ang batang magulang. Madame nyan sa ibang mundo. Hindi ako naiinis dito sa mga taong to. Kadalasan, hanga pa ko sa kanila (lalo na kay joys) kase hindi nila pinaabort yung anak nila kahit alam nilang halos papatayin na sila ng mga magulang nila pag nalaman na buntis sila. Saludo ako. Pero ayokong maging batang ina. Syempre mahal ko tatay ko. Madidisappoint yun.
  3.  "Dead Kid" o "Patay na Bata"- Sila yung mga babaeng walang pakealam masyado sa mundo. Sinusunod kung ano ang trip nila at walang masyadong friends. Kung meron man, mga kapwa nya dead kid yun.
  4. Nerd- Masyadong addict sa pagpapataas ng grades. Natatakot pag nakakakita ng 1.25 sa grades nila. Best friend: Text books. May mga ganyan akong kilala >:P hindi ko sasabihin kung sino. Mahilig manuod sa Discovery Channel saka kung ano anong cable show na puro general information ang laman. Ganito si lance pero hindi masyadong nagbabasa ng text book. Pero babae usapan kaya labas sya dun. Sila yung mga taong kilala na ata lahat ng naging leader ng lahat ng bansa at kahit anong itanong mo, kayang sagutin. Pwera na lang kung itatanong mo sa kanila kung kelan ka ulit magkakaron. Pakelam nila sayo? HAHA
  5. Bookworm- Hindi naman text books ang binabasa pero lageng may kaharap na libro. Madalas novel saka kung ano anong libro hawak basta hindi text book. Katwiran sa buhay: Hindi lahat napagaaralan sa school at text books. May pagka-weird na yung iba sa kanila kase nasobrahan na sa imagination kakabasa ng sci fi books.
  6. Paberjin- Sila yung masyadong maarteng babae na kapag ang usapan na e sex, nandidiri na. Pero yun pala, buntis na. 
  7. Snakes a.k.a Semi-Bits-  Mejo bitchy ang ugali. Matapang or palaban ang madalas na ugali nila. They're not war freaks but they bite when provoked. Mahilig din sa make up. Pero hindi naman yung tipong kala mo everyday prom ang datingan. Casualan lang. Maporma minsan. este madalas pala. 
  8. Super Bits- Sila yung tipong, tinitignan mo pa lang, e sasampalin ka na. HAHA may mga ganyan. At pag nasa bar, didikit dikit sa mga puge, kinikiskis ang mga pwet nila sa mga tao sa likod nila habang kinikiskis din ng nasa likod nya yung pwet nya. Madame nang naging boyfriend. May mga semi boyfriend pa.
  9. Hardcore- Heavy eyeliners, gothic looks, black stuffs; sila yon. Rakista, emo, scene kids ang madalas na tawag sa kanila. Mahilig maglaslas, kumanta ng pasigaw, basta madaming trip na hindi naiintindihan ng mga ibang tao.
  10. Model- Model. Model sila. Tapos. HAHA sila ang mga babaeng kumikita sa bawat ngiti, simangot, o kahit poker face sa harap ng camera. Minsan pang print, minsan pang commercial, minsan pang extra. Hindi kelangan maganda ka, basta marunong pumroject, umarte, maganda kutis, matangkad. Basta ganun.
  11. Awesome- Gusto ko ganto ko. Eto yung mga babaeng kakaiba trip pero hahangaan mo. Mahilig sa extreme sports, yung tipong basta na lang makasport. Basta lahat ng trip nila, extreme. Astig, sila yun. Hindi maarte. Hindi mahilig tumili. Boyish kumaga. Pero hindi tomboy. Mamaya na yun.
  12. Awesome-awesome-an- Hmmm, kunyare gusto talaga yung mga extreme stuffs. For publicity purposes lang pala. No comment. May arista kong kilalang ganto. Model ata sya. HAHAHA
  13. Laspag- O wag magreact. Sila yung mga babaeng hobby ata ang makipagsex sa kung sino sino. Madalang sa kanila ang mabuntis. Magaling e. Kung mabuntis man, e, iba iba ang tatay.
  14. Saktuhan lang- Eto yung mga babaeng go with the flow lang. Casualan lang ang trip. Kung ano bet nya, yun na yun. Mahirap ispelengin. Minsan halo halo sila ng mga klase ng babaeng nakalagay sa taas at sa baba.
  15. Tagite- Ke moken ko lang narinig to. Sabe nya, eto daw yung mga babaeng ayaw sa pogi. Na ang pogi para sa kanila, e yung ang suot ay mga loose na damit, naka cap, high socks, hip-hop-ka-dung. HAHA madalas pinipilahan. Kala mo box office lage ang pila sa baba nya pag nakahiga na sya.
  16. Fan- Lahat tayo fan ng kahit ano. Pero pag sinabe kong fan, iba to. Sila yung super makapeyborit. Madameng memorabilia ng idol nila, mahilig pumunta sa mga concerts at tumitili ng bongga. Halos lahat ng post nila sa mga social networking sites, e tungkol sa mga idol nila. Mapa-kpop, p-pop, j-pop, o kahit ano. Basta naadik ka ng bongga sa idol mo, fan ka.
  17. Hater- Halos lahat ng bagay na nakikita nila, nagrereact sila. Lageng  may "She's a filthy slut who sucks everybody's dick everynight" sa mga post nila. HAHA hindi naman kelangan eksaktong yan ang sasabihin. Mahilig silang manira, maglabas ng baho, at sumira ng pagkatao.
  18. Tomboy- Lesbiana, pusong lalake, sila yon. Alam mo na yan. Madalas papalit palit ng girlfriend. Karaniwang mataba, pero may magagandang tomboy. Sila yung mas chick girl pa sa mga chick boy. Habulin ng magaganda pag rich kid. Pero pag saktong pilipino lang, e yung mga matataba ang jowa. Eto yung madalas kong nakikita ah. Wag epal.
  19. Kunyare sikat- Sila yung mga babaeng kala mo artista. May fan page, ultimo pagtae, tinitweet pa. 
  20. Blogger- Hiniwalay ko ang mga uri ko. Iba kase trip namin. Madalas kameng nasa harap ng computer at nagpopost ng kung ano ano, pero may matino kameng social life. Hindi kame kagaya ng kasunod na type.
  21. Computer geek- Sila ang mga taong ang social life ay umiikot na lang sa harap ng computer.
  22. Jowapers- Jowa first. Tanga. Sila yung mga taong willing buhayin ang jowa kahit malnourished na sya, wag lang syang iwan. Mga babaeng willing i-give up ang lahat ng nasa kanya para sa jowa.
  23. Jejemon- Nakakalungkot mang isipin, nageexist pa din sila. Karaniwang may Misz Mhalditua Acqou sa pangalan sa facebook. O kaya may mga code name na mahirap basahin kagaya ng LhaDie Fhantazticqa, PreEnzsezsa Ni Bhabie at kung anek anek pang kaartehan. Hindi ba gamitin ang tunay na pangalan. Tae. Mahilig makipagfriends online. Nakakakuha ng jowa online. Nakikipag eyeball sa facebook friends, nirerape, pinapatay. De joke lang. Basta mahilig makipag eyeball yan.
  24. Manang- Sila yung mga aabot na ng kwarenta, single pa din. Masyadong mataas ang standards sa buhay kaya madalas matandang dalaga. Late bloomer sila. O kaya may mapait na nakaraan kaya naging manang.
  25. Good Samaritan- Mahilig tumulong. Tapos. HAHA basta sila yung present sa lahat ng relief operations. Open lang daw ang pinto nya for those who needs her help. Wala atang pamilya tong mga taong to. Okay lang tumulong, basta naasikaso mo yung priorities mo. Nanay ko ganto. Ibang tao muna bago pamilya. HAHA chos lang.
  26. Hindi artista pero madameng fans- Sila yung tipong, nagpost ng wacky na picture, 500 na likes. Pag ako nagpost ng pinakamaganda kong muka, tatay ko lang naglalike. Lalaitin pa ko. Hindi ko talaga maintindihan kung baket. Ang dameng friends, ang dameng likers, ang dameng fans. Hindi naman artista. Effortless ang pagiging maganda nila. Naiinggit ako.
  27. Adik/lasinggera-  Meron nyan. HAHA yung mga taong hindi matatapos ang isang araw ng hindi nakakaubos ng isang tea bag. o kaya hindi nakakasinghot ng kung anek anek. Ginagawang tubig ang alak sa bawat gamot na iniinom nila. Katwiran sa buhay: Parehong liquid yan. Sila yung mga taong hindi kayang tanggapin ang realidad ng buhay nila kaya gumagawa sila ng sarili nilang mundo na masaya lahat ng tao.
  28. Taong bar- Mga babaeng gabe gabe sa mga club at bar. Hindi matatapos ang linggo ng hindi sumasayaw sa gitna ng dance floor. Sila yung mga club promoters. Trabaho nila yan. Model din yung iba sa kanila. Magaganda sila. Basta.
  29. Call Center agents- Nocturnal ang karamihan sa kanila. Sanay maginom pagsikat ng araw. Tumataba ng biglaan. Nahihilig sa kape at sigarilyo. Hindi mo na makakausap kung isa kang normal na tao na may normal na body clock. Ganyan si prinses >:)
  30. Tambay- Sila yung mga babaeng gabe gabeng umiinom sa tamabayan kasama lahat ng tropa. Kung ano anong kalokohan ang alam gawin. Madalas naglalaro ng mga pambatang laro pag nasa kalsada kase wala na silang magawang iba. Masayang kasama. Walang tinitignang problema. O madalas problemado para tumakas sa problema.
Yan na lang muna. Ang dame na nila. Dudugtungan ko na lang pag may naisip na ko ulit.

27.12.11

If I were a boy... (Hindi to yung kay Beyonce)

Hindi ko alam kung pano sisimulan tong post na to ng walang sinisirang pagkatao, ng walang magagalit na kahit na sino. Gusto ko kaseng magsalita tungkol sa mga lalake sa mundo.

(Wala akong galit sa mga lalake. Mahal ko tatay ko. Iba yun. Hindi kagaya ng kahit na sino)

O game. Hindi na lang ako magbabanggit ng pangalan para okay.

(Sorry sa mga taong nasa post ko >.<)

Kase kanina, dumaan yung pinsan ko. Mabaet yun. Loko loko lang. Mejo may galit syang matindi sa tatay nya. Naiintidihan ko sya. Kilala ko tatay nya. Nagtrabaho sa abroad ng ilang taon. Pabalik balik. Pero walang naipundar na maayos. Nung tatay ko nagabroad, kung ano ano na yung nabili nya. Pero yung tito ko, low class na cellphone, de-remote na laruan sasakyan, saka konte lang. As in konte lang. Ni hindi nga nya napagaral yung mga anak nya. Ibang tao gumagastos para sa pamilya nya. Nakakainis lang talagang isipin. Kase may alam sya. Sa dame ng trabaho nya dati, ang dame din nyang natutunan kahit hindi sya nakagraduate. Pero hindi nya ginagamit sa tama. Lima anak nya. Apat yung sa una, tapos may isa sa labas. Bata pa yun. May leukemia. Oo, may sakit pa. Tapos sya may hika. Hindi ko naman sya masisisi don. Nangyare na e. Ang sakin lang, kung sana dati nakapagipon sya, edi kahit papano, may mapaghuhugutan. Kaso wala. Ang masaklap pa nito, yung anak nya sa labas, iniwan na nung nanay, yung original nyang asawa ngayon yung kinikilalang anak. Okay naman. Kaso yung kairesponsablehan nya, pinasa na nya sa asawa nya. Wala naman syang trabaho e. Hinihika pa. Yung tita ko ngayon yung namomroblema sa hindi naman nya anak. Good samaritan e. Okay lang naman kaseng gumawa ng mabuti. Nakakainis lang talaga yung mga tamad.

Naiinis talaga ko sa mga taong walang sense of responsibility. Gagawa ng kaabnormalan tapos iba mamomroblema. Madalas magulang pa. Marameng gantong klaseng tao. May isa pa kong kilala. Yung asawang babae, nagtatrabaho sa abroad. Tapos yung lalake, nambababae. Yung mga anak, iba nag aalaga. May isa pa, wala ngang pamilya, kaso umaasa lang madalas sa pension ng nanay saka sa padala ng mga kapatid sa abroad.

Wala namang problema kung tinutulungan ka ng mga kamag anak mo sa abroad, o yung mas may kaya sayo. Kaso dapat tinutulungan mo din yung sarili mo. Hindi pwedeng aasa ka na lang habang buhay. Na ultimo pang bisyo mo, e iba pa ang magsusustento. Na porque may tumutulong, e umaabuso. Hindi na ko natutuwa.

Kakatapos lang ng pasko. Paniguradong maraming kamay ang nakasahod. May ibang nagbabakasyon sa bahay ng mga kamag anak. Kaso pati naman pamasahe nila pauwi, e hihingin pa. Hindi ko talaga maintindihan minsan ang mga tao. Binibigyan mo na ng chance na ayusin yung buhay, kaso ayaw tanggapin. Gusto lang nila masarap buhay nila. Hindi nila alam mas masarap ang buhay pag galing sa pawis mo yung kinakaen at pinangluluho mo.

Ngayon baka nagtataka ka kung baket If I were a boy ang title ng post ko. Simple lang, kase mas madalas na problema sa lalake tong mga bagay na sinasabe ko. Pano ko nasabe? Kase nakikita ko. Hindi ako biased. Hindi ko din nilalahat ang lalake. Pero kase, kung sino pa yung problema dito, sila pa yung mas demanding at choosy.

Nung pasko, kumaen kame sa Tokyo Tokyo. Kasama lahat ng nasa bahay. Ako nagenjoy kas peyborit kong kumaen ng japanese food. Kaso yung iba, gusto sa Mang inasal. Kase pagkaeng pinoy daw. Mas sanay sila sa ganun. Hindi ba nila gustong makatikim ng iba? Mas marame pa yung nireklamo nila kesa dun sa extra rice na hiningi nila. Naiinis ako. Hindi kase dapat ganun. Pinakaen ka, nilibre ka, maging thankful ka. Hindi yung puro pa reklamo makikita mo. Tapos sisimangutan ka pa. Oo masama loob ko. May pinaghuhugutan ako. Nakakairita kase.

May iba pa, mag aanak ng marame, tapos aasa sa kung sino sino. Alam mong mahirap ang buhay, dapat konte lang ianak mo. Hindi pwedeng lageng papairalin ang kati. Eto ang madalas na problema sa mga Pilipino.  Kaya dapat matagal nang pinasa yung RH Bill. Tapos pag wala nang makain, naghihirap na, isisisi sa gobyerno ang lahat. Kesyo hindi daw nagbibigay ng trabaho, hindi daw tumutulong. Dapat kase, nagaral ka muna bago ka lumandi. Kung ikakatwiran mo sakin na mahirap lang kayo at hindi ka kayang pag aralin ng magulang mo, jan ka humingi ng tulong galing sa gobyerno. Gamitin mo utak mo. Hindi yang nakanganga ka lang sa kawalan. NASA DIYOS ANG AWA, NASA TAO ANG GAWA. E pano kung gumagawa nga, inaaksaya naman? Problema mo na yan. Hindi na dapat tinutulungan yang mga ganyan. Walang kwenta.

Problema din to sa mga babae. Pero may pinaghuhugutan ako kaya sa lalake.

Sana lahat ng lalake parang tatay ko. Ewan ko. Idol ko tatay ko e. Masipag. Hindi babaero. Gwapo (charing! HAHA) Naiinis pa din ako. Konte lang itatawa ko.

Kapag talaga ko yumaman, tutulungan ko lang kung sino talaga yung may kaylangan ng tulong. Hindi ako tutulong sa mga lasinggero, batugan, nambubugbog at lahat ng walang kwentang tao. Bastrip talaga >.<

26.12.11

Mga Opinyon KO sa mga Problema ng Pilipinas

I said opinion. Don't be stupid. HAHA madame kaseng problema Pilipinas. Tignan mo na lang yang muka mo, baka sakaling kasama na yan sa dapat problemahin ni Pnoy. Nako, edi dinagdagan mo pa. Tsk.

Naalala ko dati pag nagdadrive kame ng tatay ko, napagkukwentuhan namin yung mga panahon ni Marcos. Syempre hindi pa ko buhay non. Sabe ng tatay ko, maganda daw buhay nung panahon na yun. Sa tingin ko may sa abnormal ang mga Pilipino. Kesyo sawa na daw silang magpasakop, magaalsa na sila. Ending? Bagsak ang ekonomiya ng Pilipinas. Kung ako sa kanila, hinayaan ko na lang. Kesa naman sa malaya ka nga, gutom ka naman. Tapos ano? Pinalitan ng mga presidenteng kurap at mejo walang utak. May utak man, nasobrahan naman. Nakakainis. O kaya, nung sana pinaalis nila si Marcos, yung pinalit nila, yung kayang higitan yung mga pagbabagong ginawa ng dating presidente. E kaso mahilig kayo sa kalayaan. Bagay sainyo yung kantang "Anak". Isipin mo kung baket. Wag tanong ng tanong. Kaya madameng bobong Pilipino e.

Kung iniisip mong gusto kong tapatan ang BobongPinoy.com, nagkakamali ka. Hindi ko pa nakikita yun kase wala na. May utak din akong marunong magisip.

Hindi ko naman sinasabe na hindi ako kasama sa mga problema ng Pilipinas. Oo kasama ko dun. Pero at least ako, nagiisip. Tamad nga lang. Balang araw, pagkagraduate ko (sana), saka na ko kikilos. Mahirap kayang gumawa ng thesis, magblog, maging mabaet na anak, at baguhin ang bansa ng sabay sabay.

Naalala mo pa yung Usapang Banal? Diba kinwento ko yung tito ko na hindi naniniwala sa Bible? Kase, writer yun. Kung anek anek mga sinusulat nya. Kapag nakita ko, ipopost ko dito isa isa.

May sinulat kase sya dati. Pinabasa pa sa kin ng tita ko (yung asawa nya). Basta tula tunkol sa pagbabago ng problema ng mundo. Sabe nya, bata pa lang sya, gusto na nyang baguhin ang mundo. Pero naisip nya mahirap, bansa na lang muna. Tapos paliit ng paliit yung babaguhin nya, hanggang sa umabot sa sa sarili nya muna yung babaguhin nya bago yung mundo. Tama naman kase. Kaya tignan mo ko, ang baet baet ko na. HAHA charing lang. Saka na ko magbabago. Pag malaki na ko. O kaya kapag mejo maimpluwensyang tao na ko. Mas madali yon.

Nung nabasa ko yung tula na yon, naisip ko agad, "Nabasa na kaya ng presidente to"? Baket yun yung tinanong ko? Kase para alam nya sa sarili nyang kelangan muna nyang magbago bago yung bayan nya. Ang dame na masyadong proposal, balak, sinusubukang gawin at kung anek anek pang kalokohan ng mga naging presidente ng Pilipinas. Para daw sa pag babago. Pero, wala namang nagbabago. Kase kung titignan mo, isa lang si Pnoy. Pero madame syang galamay. Baket hindi nya itry pukpukin yung mga tauhan nya para kumilos at baguhin yung mga taong hawak nila. Diba ang bobo? Nakakainis. Hindi nya naisip yon.

Kapag ako naging presidente ng Pilipinas, eto mga plano ko:

  1. Walang sweldo ang tamad.
  2. Hindi pwede ang mga tauhan ng gobyerno sa mga casino
  3. Foreigners lang ang pwedeng magcasino
  4. Bawal ang sugal.
  5. Ipapatupad ko ang RH Bill (Saka ko na iba-blog to)
  6. Bawal ang prostitute.
  7. Lahat ng lalakeng may kabit ng hindi pa annulled ang kasal, puputulan ng chenes nila
  8. Kapag ang babae may kabit ng hindi pa annulled ang kasal, Ipapatahi ko ang butas ng chenes nila
  9. Lahat ng nasa squatter's area, papatirahin sa isang building.
  10. Mag iisip ng maraming trabaho.
  11. Lahat ng pwedeng pagtrabahuhin sa ibang bansa, papaalisin na
  12. ONE CHILD POLICY para sa mga below minimum ang sinesweldo
  13. TWO CHILD POLICY sa sakto lang sa minimum ang sinesweldo
  14. Pag sobra anak mo, Ipapaampon ang sobra sa mga baog
  15. Libre ang pagaaral ng hanggang Grade3
  16. Bawal na ang hindi marunong magbasa, magsulat, at magbilang
  17. Lahat ng magnanakaw, ipapakain sa buwaya.
  18. Lahat ng pulis na mali ang hinuling kriminal, ipapakaen sa buwaya.
  19. Lahat ng criminal, magtatrabaho ng walang sweldo habang buhay (or depende sa kasalanan)
  20. Lahat ng mga landlord, sobrang laki ng babayaran na tax (Para ibenta nila yung ibang lupa nila)
  21. Lahat ng landlord, required na bigay ng lote ang lahat ng tauhan nya.
  22. Sa bawat sampung ektaryang lupang taniman, dapat may at least tatlong pamilyang nakatira
  23. Bawal ang gahaman.
  24. May limit lang ang pwede mong bilin na lupa
  25. Bawal ang batang nagtatrabaho
  26. Lahat ng magulang na pinagtatrabaho ang mga anak, ipapakulong tapos yung bata dadalin sa dswd
  27. Lahat ng bata sa ampunan, pagaaralin ng libre
  28. Lahat ng batang hindi napaampon, may trabaho agad paglabas ng ampunan.
  29. Libre ang gamot sa mga Senior Citizen
  30. Hindi lang mga call center agents ang may malalaking sweldo
  31. Mas mataas na sahod para sa blue collar jobs
  32. Bawal gawing trabaho ang blow job.
  33. Lahat ng kabit, ibibitin ng patiwarik sa edsa ng 36hours
  34. Libre na lang ang condom
  35. Dapat may trabaho muna na may minumum na sweldo ang pwedeng mag anak.
  36. Bawal na ang namamalimos sa kalsada.
  37. May sariling shop ang sampaguita at basahan para hindi sila nakakalat sa edsa
  38. Lahat ng bayan / city na madumi ay gagawin dumpsite
  39. Lahat ng ilog dapat malinis.
  40. Gagawin opisyal na trabaho ang paglilinis ng ilog at dagat.
  41. Bawal manguha ng endagered species
  42. Lahat ng illegal loggers, babagsakan ng troso ang bahay
  43. Hanggang dalawang bahay lang ang pwede sa isang pamilya
  44. Lahat ng sobrang bahay ay kukunin ng gobyerno at gagawin apartment
  45. Lahat required mag college
  46. Mas mababang tuition para sa mga public schools
  47. Bawal na magrally kase pinakamaganda na ang Pilipinas sa buong mundo
  48. Babawasan ang mga golf course
  49. Bibigyan ng ibang pagkakalibangan ang mga matatanda para hindi sila nag gogolf
  50. Lahat ng tamad at walang trabaho ay ipapakain sa buwaya sa mga zoo
  51. Magbibreed ng sandamakmak na endangered species para dumami na sila
  52. Lahat ng papatay ng hayop na bawal patayin ay papatayin din
  53. Lahat ng kriminal, pulitikong abno, at mga taong may kasalanang masyado nang malaki ay ipapakain sa mga carnivore sa zoo
  54. Required lahat maging fluent sa English pagkagraduate ng grade school
  55. Dapat may alam na at least isang foreign language ang lahat ng Pilipino (Kahit hindi fluent basta alam ang basic phrases)
  56. Bawal ang hindi marunong magconstruct ng essay
  57. Lahat ay required na magbasa ng at least isang fiction at isang self-help book sa isang taon.
  58. Bawal ang walang alam sa lite.
  59. Bawal ang utak na literal magisip, ipapakain din sa zoo
  60. Limitado lang ang cartoons na pwedeng panuorin ng mga bata.
  61. Bawal nang ipalabas ang mga corny na pelikula at tv show
  62. Ipopromote ang mga indie films
  63. Bawal ang wala pang nababasang kahit isang Filipino book
  64. Lahat ng undergrad ay irerequire na magtapos ng pagaaral. Kapag ayaw, ipapakain sa zoo
  65. Lahat ng manyak ay puputulan ng chenes.
Madame pa kong naiisip. kaso baka tinatamad ka nang magbasa. Ayan na lang muna. Masyado kong ambisyosa kaya yan ang mga sinulat ko. E blog ko to e, baket ba?

Malamang mejo naiinis ka na sa mga pinag lalagay ko dito. Pero ang punto ko lang naman kase, ang daming batas na walang kwenta. Maraming batas na hindi sinusunod. Siguro nagtataka ka kung baket ipapakaen ko sila sa mga carnivore sa zoo. Isa lang sagot dyan, para hindi na chicken ang ipapakaen sa kanila. Baka allergic din sila don kagaya ko. Kawawa naman. HAHA

Siguro napansin mo din na required ka nang magbasa ng libro kapag ako na ang presidente. Kung sa PUP ka nagaaral, malamang kilala mo si Sir Cuenca. Yung prof na mukang Rock Star kase mahaba yung buhok nya na kulot kulot tapos lageng nakashades saka yosi. Prof ko sya nung summer sa Phil Lite. Sabe nya, dapat lahat ng leader ng bansa ay nagbabasa ng literary pieces. Marami silang matututunan sa pagbabasa. Natutuwa ako kapag nagkukwento sya. Puro kase kalokohan.

Naalala ko lang bigla yung balita about sa mga Pilipino na bibitayin sa China. Baket ba humihingi pa ng tulong yung mga kapamilya nila sa gobyerno? Tinanggap nila yung trabaho na yun kahit alam nilang mali tapos hihingi ng tulog para makalaya. Ano yun? Joke? Edi sana lahat ng kriminal tinulungan na lang din lumaya. Dapat kase, wag kang gagawa ng katangahan para hindi ka patayin. O teka, opinyon ko lang to. Wag kang magalit. Pero mali talaga kung tutulungan pa sila. Kriminal na silang maituturing kase gumawa sila ng bawal. Alam nila na drugs yung dala nila tapos gusto nilang lumaya. Saka batas ng mga inchik yon. Wala ka nang magagawa kase Pilipino ka.

Osya, tama na muna to. Gusto kong gumawa ng part two kase madame pa kong sasabihin :D

23.12.11

Iba't ibang kwento ng mga bagay na LIBRE

Nakakita ka lang ng libre tinignan mo agad. Napaghahalataan kung sino ang Pilipino. Dyan tayo mahilig e. HAHA teka magtitimpla lang ako ng juice. Ayan bumalik na ulit ako. Tuloy ang daldal.

Bata pa lang ako, kuripot na talaga ko. Asa sa libre, asa sa kaklase (minsan sa kung sino na lang nasa tabe). Pero hindi pagdating sa pagkaen. Bukod kay begs, babs, saka kay chabi, yan ang isa ko pang best friend: Pagkaen.

Pag pumupuntang mall, lahat ng libre: free taste, tester, libreng tissue, at kung ano anong libre, pinapatos ko. Pero hindi masyado sa free taste, depende sa pagkaen. Pag kape, ayoko. May asukal yun. Hindi ako nagaasukal sa kape e. May kwento yan pero tinatamad ako. Balik sa topic.

Masarap lahat ng libre. Libreng kiss, libreng manyak, libreng pagkaen, libreng papel, libreng ballpen, libreng oras, kahit binuraot mo lang yan, libre pa din yan kase wala kang ginastos. O diba masarap? Alam mo yan!

Kanina may ad tungkol sa libreng load para sa globe o tm. Dahil kuripot ako, saka kulang na yung pangload ko (Hindi ko na matetext si moken :\). Tinry ko sya. Mejo nadala na ko sa mga site na ibibigay mo number mo, tapos kakainin lahat ng load mo. Badtrip yan. Pero dahil mukang totoo, sinubukan ko. May three free spins ako. Unang spin: 5php load. Second spin: Samsung chenes chenes (locked). Maarte. Kelangan pa ng gold chuchu. Edi talo. Third spin: Xbox chenes chenes(locked). Ganun ulit. Edi nabadtrip lang ako. Yung ate ko nakuha na yung load nya. Ako hindi pa. Sinasabe ko na nga ba peke to e. Hindi ko na uulitin to. Ayoko na.
***********
Isa pang kwento. Nasa grocery kame ni moken, ate meann, mark, paul, ate kim, saka yung isa pang ate. *Naghahanap ng Free Taste* Nakita yung sa hunts pork and beans chuchu. "Ate penge kame". Edi nagbigay si ate. Isang cup, may pork ang beans, tapos may kanin, saka kutsara. *om nom nom nom nom* *burp* Busog kame ni Paul. HAHAHA tapos nakakita ng libreng kape. E kaso sweet and mild. Ayoko. Edi ayun. Busog na din kahit papano.
************
Kung sa Ubelt ka nagaaral at sumasakay ka ng tren papasok, malamang alam mo to. Madameng libre sa LRT at MRT. Madalas madame yan pag umaga. Isa sa mga libreng binibigay ng mga tren, e yung Libre na dyaryo. Wag kang tanga, Libre yung pangalan ng dyaryo e. Masayang basahin yun. Isang section lang tinitignan ko dun tuwing kukuha ako: yung comics saka horoscope. Mahilig akong magbasa nyan. Pero minsanan lang. Kase madalas libro binabasa ko sa tren. Hindi ako kunyare matalino, nagbasa lang ng libro, matalino agad? Hindi ba pwedeng novel muna binabasa ko? Okay balik, balik << Edi kukuha ko nung dyaryo, tapos direcho sa bandang likod or gitna. Horoscope :D Ang corny ng horoscope don. Puro kalokohan lang. Tapos comics naman. Tawa lang, ganun. Pagkatapos nun, since libre naman yung Libre, drecho na sya sa kung san sang kanto, basurahan, eskinita, minsan sinisingit sa tricycle pag papasok sa school. Ganyan ako kawalanghiya minsan. Bukod sa Libre, madame pang libre sa train station. Patok jan ang libreng inumin. Dati may namimigay ng Coke Zero in can. Tapos may minute maid na nasa baso. Ganun lang ang libre jan.

Pero hindi lang pagkaen ang pwedeng malibre mo sa isang pagbyahe mo sa tren na to (lalo na pag papasok na mga studyante ng Ubelt). Alam mo kung ano? LIBRENG SILAY SA BEDISTANG CRUSH MO. Madalas nangyayare sakin to nung first year pa lang ako. May mga crush ako sa San Beda kase. Tapos madaming gwapong taga iba ibang school. Sabe nga nila, dito na nauso ang saksakan, SAKSAKAN NG GWAPO. Haha tama na banat. Minsan pa, hindi lang libreng silay ang makukuha mo sa tren, may libreng paba-ho din pag may pumasok na hindi naligo. Libreng amoy sa katabe mong mabango. Libreng chansing sa seksing babae sa harap mo. Libreng boso sa babaeng mababa ang neck line. Libreng anak ng tokwang babadtripin ka sa kakasiksik sayo pag may bagong papasok. Libreng apak sa paa mula kay ateng naka heels.  Minsan matutuwa ka, minsan hindi. Hindi lahat ng bagay na libre, masarap. Edi ngayon naintindihan mo na.
***************
May isa pa kong gustong sabihin tungkol sa mga bagay na libre. Siguro naman pumupunta kang mall. Sa may bandang department store. Alam mo na siguro kung ano tinutukoy mo. Nung minsan kase, nasa SM Masinag ako. Kasama ko si Diana saka si Nok. Laboy laboy, bagong kuha sila ng 13th month pay nila e. Tapos puntang watson. Naghahanap lang ng gel liner kase. Edi ayun nga. Natatawa lang ako. Baket ka ba. Teka. Ayan okay na. Sabe kase ni Diana, full pack na daw sya. Tumambay lang kame sa kung saan saang store na may make up, pag labas nya, pwede na syang ikasal sa kung ano anong kulay ng muka nya. Hindi naman masagwa. Mejo sobra lang kung magkakape ka lang sa Starbucks at kakaen ng maki sa labas.

Kung hindi mo pa din naiintindihan yung gusto kong ikwento, eto yun.

SITUATION: Aattend ka ng debut/ party/ or gigimik. Hindi kumpleto ang make up mo sa vanity kit mo. May malapit na mall. Wag ka munang magbihis ng pang debut. Yung saktuhan lang. Pang tambay, ganun. Dumirecho ka sa department store, o sa etude house kung trip mo ang koreana look, pwede din sa watson. Pero mas masaya sa department store. Alam mo kung baket? Mas madame kaseng botique dun. May maybeline, loreal, max factor, chuchu. Hindi ako sigurado sa spelling. Laboy laboy ka lang. Tingin tingin. Samahan mo na ng tanong kay ateng nagbabantay. Tanungin mo yung presyo, kung pano ginagamit. Lalagyan ka nya ng make up. Wag kang maghanap ng sponsor. Bawat make up, dapat ibang store. Para pag tinanong ka ng kasama mo sa party, "Uy ang ganda ng lipstick mo. Anong brand?" Edi syempre mayabang ka, sasabihin mo "Oh, I got it from Max Factor. Isn't it fabulous?" Conyo style~ ;D

Take it from the expert. Pero hindi ko to ginagawa. Kase hindi kung ano lang kelangan ko, yun yung nasa vanity kit ko.

Wala na kong masyadong ikkwento. Malaki na masyado kuryente namin kakablog ko. HAHA Merry Christmas guys. There are a lot of free stuffs around. Ask for it. Don't steal. Spread the love this season. Me loves you everyone *kisses*

21.12.11

Iba't-ibang "P" tuwing malapit na ang Pasko

Ilang araw na lang pasko na. O diba ang saya. Pero joke lang yon. Wala tatay ko kaya sakto lang. Dahil madameng nakatanggap ng panyo sa mga Christmas party, naisip kong gumawa ng listahan ng iba't ibang bagay na nagsisimula sa letter P na lageng kadikit ng salitang Pasko.

  1. Pasko- syempre. HAHAHA abno -_-
  2. Parol- uso yan. Pang decorate. May umiilaw, may nakasabit. Alam mo naman yan e -_-
  3. Parties- Madame nyan. Minsan gimik lang, minsan chuchung party.
  4. Pagkaen- Pag noche buena madame nyan. 
  5. Pera- ehem. Mga ninang at ninong ko. Ubuhin sana hindi magbigay. HAHAHA
  6. Patawad- Kapag kuripot ka, alam mo to
  7. Panyo- Pinangreregalo, minsan pamunas lang kapag nag gagala.
  8. Patago- Ginagawa to ng mga ninang at ninong na kuripot. Nagpapatago sa bahay ng kung sino sino. Ganto ata gagawin namin ngayong pasko :))
  9. Patigasan- Hindi ng ano -_- patigasan ng muka yan. Kagaya ko.
  10. Paborito- Paboritong anak, pamangkin, inaanak, apo, kaibigan, kaaway. Lahat ng paboritong tao na gusto mong pansinin at hindi pansinin kapag pasko.
  11. Pasta- Lageng may ganto sa mesa namin. Kayo ba?
  12. Pansit- Pampahaba daw ng buhay. Walang koneksyon sa pasko pero present pag pasko.
  13. Peras- Uso prutas. Hanggang bagong taon na to. Bawal galawin hanggang media noche.
  14. Presents- :3 regalo. Ano ba yan hindi naintindihan -_-
  15. Papansin- ako to. HAHAHA sa mga may utang na pamasko sakin last year, aatake ulit ako.
  16. Porma- Dati lageng bago pag pasko. Pero ngayon, ako hindi na masyado. Mga bata, oo.
  17. Puyat- Kapag simbang gabe madalas to. Hindi ka pa tapos magblog kelangan mo nang maligo kase magsisimba ng madaling araw. Tinitigyawat tuloy ako ngayon :|
  18. Pari- Tuwing simbang gabe sya nagsasalita. HAHA
  19. Picture- Sandamakmak na litrato para sa vain na pinsan mo. Puro stolen sa supladong kapitbahay mo. Pacute at epal na pose sa jejemon na kaaway mo. At isang pang ID picture kase sabe ng nanay mo >:))
  20. Puto bumbong- Peyborit kong tikman at titigan. Ayokong ubusin kase may asukal.
Wala kong maisip. Dadagdagan ko na lang pag naisip pa ko :3

20.12.11

Usapang Banal

Alam ko mejo wala akong karapatang magsalita sa mga gantong bagay. Gusto ko lang ishare yun alam ko kase may utak at pang unawa ako :D

Twice na kong nagenroll sa Catholic school. Nung una, pre school pa ko. Mejo walang alam sa mundo. Gorabells lang sa trip ng mga teacher ko. Kapag first Friday naka puti kame. Tapos required magdala ng pang offer na nakabalot sa cellophane. Madameng chuchu non. Pero hindi ko yun naiintindihan.

Nung lumipat ako ng iba't ibang school, private at public, halo halo na, nawala yung pagsisimba. Minsan lang. Noong communtion saka recollection nung grade six. Hindi ko alam kung wala talaga kong pake, o hindi lang nabantayan. Aminado ako na hindi din nagsisimba dati mga magulang ko. Tatay ko, pag sunday, tinutulungan namin maglaba. Ganun lage. Si mama, busy. Madaming dahilan. Madaming katwiran.

Pagdating ng highschool, nilipat ako ulit sa Catholic school. Kase nagkaproblema sa dating school. Tapos kelangan nakabuntot ako sa kuya ko sa lilipatan nyang school. Nagbakasakali ata nanay ko na titino kame kung dun kame magaaral. Kaso parang hindi. Apat na taon ako don. Buong high school. Nagkaron ng madameng tropa, natutong maglakwatsa. Hindi ko naman to sinisisi sa school ko. Desisyon ko yun e. Edi ayun nga. Natuto akong magrosaryo, nalaman ko lahat ng response kapag sa misa. Kaso english gamit namin. Wala din akong masyadong natutunan.

Katoliko ako pero hindi ako halos umaattend ng misa. Mas gusto ko yung nagdadasal na lang ako. Hindi naman sa sinisiraan ko ang relihiyong katoliko. Pero hindi ako masyadong natutuwa. Paulit ulit. Puro basic. Siguro hindi lang talaga ko kuntento sa mga naririnig ko. Baka sakaling naghahanap lang ako ng bago. Kumbaga, reminder lang yung mga nasasabe sa misa. O baka hindi lang talaga ko nakikinig sa mga sinasabe ng pari.

Ayoko naman magpalit ng relihiyon. Ganto na ko pinanganak e. Lalawakan ko na lang pangunawa ko. Gagawin ko kung ano yung tama.

Para kase sakin, hindi ko kaylangang magsimba linggo linggo. Makinig sa literal na pangunawa ng ibang taong nagsasalita sa harap ng altar. Oo, literal. Nafeel ko lang. Sabe ko nga, hindi ako kontento sa naririnig ko. Ang kelangan ko lang naman kase e yung matino ? hindi e. Basta yung alam kong hindi ako gagawa ng panget sa paningin ng Diyos. Hindi ko alam kung pano sasabihin.

May best friend kase ko. Tatlo sila, yung dalawa, mula grade school kabatak ko na. Yung isa, nung high school na. Dun tayo sa dalawa kong bestfriend: si begs saka si babs. Mabaet sila sobra. Sila yung mga best friend ko na pinapagalitan ako kase abnormal ako. Palage silang nagsisimba. Christian kase sila. Muka naman masaya sila don. Ako din masaya para sa kanila. Si begs, sobrang bait. May group sya sa mapua tapos nagpi-preach sya don. Natutuwa ako kapag nakikinig ako sa kanya. Madame kong nalalaman. Pero ayoko talaga magconvert. Kapag siguro buong pamilya ko nagconvert, saka na lang ako. Kame ni babs, madalas nakikinig sa sermon ni mommy begs. Para kase namin syang nanay minsan. Lage kameng may homily kapag may ginawa kameng kalokohan.

May isa pa kong kwento. Nung isang beses kase, kumakaen kame sa KFC ng mga kaklase ko sa PUP. Tapos bago kumaen, sabe ni beks magpray daw kame. Gusto nya hawak hawak kamay. Okay lang ako dun. Edi ayun pray pray din. Tapos si bitch nagreact. Ayaw ata nya ng ganung set up. Sa totoo lang, hindi ko alam kung may gusto syang patunayan, o ganun talaga sya. Hindi ako masyadong nagreact. Tapos si daga biglang nagsalita. Nakalimutan ko yung sinabe nya. Basta tungkol kay bitch. Na parang gusto lang nya, lageng maiba. Tapos napunta yung topic sa pasko. Kase mag ki-christmas vacation na non. Tapos sabe ni bitch parang hindi ata sya angse-celebrate ng pasko. Kase daw hindi naman daw sinabe sa bible na Dec. 25 yung pasko. Na yung mga tao lang daw nagdeclare non. Totoo naman. Kumbaga sa language, arbitrary. Hindi naman kelangan ng exact date para icelebrate yon. Sabe nga sa kanta: "Sana araw araw ay magiging pasko lage". So hindi mo kelangan ng date. Kelangan yun, araw araw. Araw araw kang magiging generous. Mga ganung bagay. Nairita ko ng onte sa naging usapan namin. Walang pinupunto. Puro pagtatalo. Ganun kame. Lahat bida, lahat tama. Nainis ako sa ibang sinabe nila. Pero ayoko na lang magsalita.

Last na tong kwentong to. May tita kase ko, yung panganay nila mama. Si tita Paz (amen). Patay na kase sya. First year ako nung namatay sya. 53 na sya non. May asawa sya. Pero mas naunang namatay sa kanya. Si tito Louie(amen) yon. Tito din sya ni Carmina Villaruel. Pero pangatlong asawa na ata nya yung tita ko. Wala silang anak. Kase nung kinasal sila, nagkacancer sa ovary tita ko. May dalawa silang aso, si Jarod saka si Gorge. Walang koneksyon yung mga aso sa kwento ko. Sila lang yung nagsilbing anak ng tita saka tito ko. Matagal din silang nagsama. Meloy pa nga tawag sakin ni tito. Muka daw kase kong lalake. Lageng dora bangs. Matalinong tao tito ko. Madame syang kaybigan na sikat. Si Ernie Baron kaclose nya. Tapos basta madame pa. Hindi sya naniniwala sa religion. Sa sobrang talino nya, lahat ata ng bagay, kine-kwestyon nya. Madame kong natutunan sa kanya. Mahilig din syang magsulat. Nainggit ako kaya ginaya ko. Madame syang mga tula saka essay na nilagay sa mga dyaryo sa Pilipinas. Halos nalibot na din nya yung buong mundo. Madame syang naging trabaho. Kaso nagreresign sya kase mas matalino pa ata sya sa mga boss nya. Ganun sya katalino. Wala syang pinapaniwalaan bukod sa sarili nya. Lage nyang sinasabe, "What if the Bible itself is not true?" Naalala ko lang. May point sya. Pero ayokong gumaya. Basta ko papaniwalaan ko kung ano yung sa tingin kong tama.

Hindi ako sobrang talino para kwestyunin pati ang Bible. Pero hindi ako tanga para paniwalaan ang lahat ng sinasabe ng mga taong nagsasabeng alam nila ang totoo. Hindi ko sila papakelaman sa paniniwala nila. Wag lang din nila kong pakelaman. Masyado na kong madameng sinabe. Okay na to. Gusto ko lang magkwento. Tulog lahat ng kasama ko e. Tinatamad din akong manuod ng show time.

(Wala pa kong nagagawa sa project ko sa Pop Lite. Patay. Pano na ko. Bibigyan kaya ko ng extension ni sir joey? Sana oo. Pero malabo)

Ano regalo sayo ngayong pasko?

Dalawang christmas party yung pinuntahan ko nong nakaraang linggo. Akala ko pa naman matutuwa ako. Hindi pala. Minsan kase yung mga exchange gift, kelangan unisex. Tapos lalagyan nila ng mga number yung regalo saka ka bubunot ng number. Mahirap magisip ng regalong pang unisex. Okay pa yung bunutan ng pangalan. Pwede mo pang ibigay yung mga gusto nya or ayaw nya pag bet mo. Naalala ko nung bata pa ko.

<<32x

Madame kase kong school na pinasukan. Nagsimula ako sa private school tapos nag three years sa public school. Madameng pag kakaiba pag dating sa christmas party. Nung nasa private pa ko, kelangan bubunot ka ng pangalan ng reregaluhan mo. Casualan lang. Bibilin mo yung sa tingin mo magugustuhan ng nabunot mo. Pag babae, manika. Pag lalake, robot. HAHAHA mahirap magregalo ng damit nung bata pa ko. Malabo kase kong kausap. Mahihirapan pumili ng size nanay ko. Magaaway lang kame nun. Saka madalas pag sa private, mejo may kamahalan dapat yung regalo. Nung lumipat ako ng public school, (grade2-4) nagiba bigla mundo ko. Dun ko unang naexperience yung bubunot ng number at kelangan unisex ang regalong bibilin mo. Madalas sa palengke mo makikita yung mga nasa loob ng pambalot. Nakakainis lang kase hindi ka pwedeng magrequest. Hindi mo masasabe na hindi ka mahilig sa pink at green ang tanging kulay na gusto mo. (Oo. Bata pa lang ako green na mga gamit ko. May konteng blue kase sapphire ang birth stone ko)

Balik tayo sa kasalukuyan. Ano ano ba yung madalas na nireregalo sa mga christmas party? Madame yan. Lalo na pag sinabeng 100php ang price ng gift. HAHAHA


  • Towel- Baket eto una sa listahan ko? Kase dalawang beses ko syang natanggap ngayong linggong to. OO DALAWANG BESES. Bastos na mga tao to. Unisex kase sya. Lalake't babae, gumagamit ng twalya pagkaligo. Pag hindi ka gumagamit neto, ewan ko sayo. Unisex na kulay madalas. Puti. HAHAHA baket mo ko reregaluhan ng twalya? Muka ba kong hindi marunong gumamit neto? Muka ba kong walang kakayahang bumili ng sarili kong twalya? Anak ng tokwa! Kahit hindi ako mayaman, maganda ginagamit kong twalya. Tigtatatlo pa kame sa bahay. Alam mo yung nakakabadtrip don? Yung tipong hindi mo maeenjoy yung regalo. Hindi ako natutuwa sa twalya.
  • Mug/Baso/Tasa/Tasa na cute- Basta iniinuman. Lahat kase ng tao ginagamit yan. Pwera na lang sa mga tindahan kase nakaplastic.
  • Unan/Stuffed Toys- Gasgas nang regalo ang unan tuwing pasko. Madalas yan galing blue magic. Pero hindi ako fan ng mga bagay na malambot. Pwera na lang kung si spongebob yan. Pero dahil unisex ang usapan, labas sya don.
  • Panyo- Dapat to pangalawa. Nakalimutan ko lang. Minsan isang set ang ibibigay sayo ng pekeng armando caruso. Masaklap lang pag tig tatatlo sampu ang makukuha mo. Madameng ganun sa bangketa.
  • Key chain- Mejo madalang na ang nagreregalo ng key chain pero patok to sa mga unisex na exchange gifts.
  • Picture frame- HAHA natatawa ko sa mga gantong regalo. Ewan ko ba. Hanggang ngayon patok pa to. Nakakainis lang kase mabilis pang masira yung frame na ibibigay sayo. Ilalagay mo pa lang yung litrato, natatanggal na yung stand. HAHA
  • Figurine- Madalas mga holy figures. Minsan mga aso o pusa. Kung ano anong klaseng non sense na matigas na bagay ang ilalagay sa karton para iregalo. Ano napala mo? Wala.
  • Wallet- patok sa pasko ang wallet na balat kapag unisex ang usapan. Kase hindi lahat ng tao, peyborit ang pink katulad mo. Minsan mga cartoon chenes ang nakadrowing. Wag nyo kong regaluhan neto. Hindi ako gumagamit ng wallet. *TRIVIA: nasa bulsa lang madalas lahat ng pera ko. Kahit ilang libo pa yan basta sa bulsa lang.
  • Ilaw/Lampshade/Alarm clock/Wall clock- useful. Kaso mapurol pa sa utak mo yung makina. Wala ding kwenta. Chambahan lang ang makakuha ng matinong ilaw o relo kapag pasko. Malas mo kapag nabasag pa yung regalo.
  • Coin bank- Mga bata lang madalas gumamit neto. Kapag matatanda ang kasale a exchange gift, wag kang bastos. Kung gusto mo, lagyan mo ng barya para masaya.
Wala na kong maisip pang mga patok na unisex na regalo. Pero ang sakin lang, maging creative naman kayo. Hindi porke't unisex ang usapan, e ganyan na lang ireregalo mo. Isipin mo nalang: "Kung ako makakatanggap ng ganto, matutuwa ba ko?" Syempre hindi. 

Nung christmas party ng department namin,bumili ako ng head set na tig 100 sa Galeria. Dapat coin bank yung bibilin ko. Ang cute kase. Pero naisip ko, baka hindi nagiipon yung makakakuha ng reaglo ko. Dapat din sana notebook. Kaso baka mag dalawang isip ako at hindi ko na ibigay kase mahilig akong magsulat. E kung ballpen kaya? Yung mahal para walang reklamo. Kaso masyadong bastos. Kaya ayun yung binili ko. Madameng pwedeng iregalo. Wag ka kase sa tyangge. Puro common na yung nandun. Madameng mura sa mall. Hindi ka lang marunong maghanap.

15.12.11

Sex at iba pa (Part 2)

Naisip ko lang bigla gumawa ng part two. Haha wala lang.

May mga lalake na syempre may jowa, tapos pag bago pa lang itatanong, "Hon, berjin ka pa?" o kaya "Ilan na nachochorba mo?". Muntanga diba? Hahanap ng virgin, tapos isesex, tapos nagsawa, iiwan, hahanap ng bago. Tapos pag hindi na virgin si girl magtataka. Hindi ba nya naisip, kung hindi nya sinex yung ex nya, edi sana yung mapapangasawa ang una? Para yun sa lahat ng ex. Wala akong pakealam kung hindi mo ko naiintindihan o naguguluhan ka. Blog ko to e. HAHAHA. Edi ayun nga, lilibog libog ka tapos magtataka ka baket yung sunod mong girlfriend hindi na virgin. Pareho lang  kayo ng ginawa ng mga ex nya. Kaya wag kang magtaka. Arte mo. Ano ba mapapala mo kung virgin? Masikip? Try mo wag isex ng isang taon. Tignan natin kung hindi sumikip yan. Sampalin kita e. Naiinis talaga ko sa mga lalakeng makareklamo wagas. Sila din naman. Nagkataon lang na mas pabor sainyo maraming experience kesa saming mga babae.

Lintik naman kase. Imaginin mo babae maging parang lalake. Yung tipong madame nang nakasex. Bang luwag na nyan te. Patahi mo onte. HAHA e pag lalake madameng nakasex, they had nothing to lose but something to gain. Oha? Ansabe ng sinabe ko. Hindi ko naintindihan. Basta ganun. Unfair! Pag babae, sawsawan ang tawag. Pano pag sa lalake? Hmmmm (five hourse later) kutsara? Sinusubo ng madame e. HAHAHA tae ang baboy ng naisip ko ah. Erase erase >.< Tae nyo. Ang dame nyong reklamo pag dating sa sex.

Badtrip pa yung masabihan ng lalake na "Hindi naman marunong sa kama yan e". Teh, hindi kase pinagpapraktisan yan. Making love cannot be perfected through practice. Ansabeeee?! Kaya ayun. Nakakabadtrip talaga. Wag kang magexpect na magaling jowa mo sa kama. Pag sobrang galing nyan, magtaka ka, baka pang 100 ka na nya sa kama. Matakot ka, baka may sakit na sya.

Ano ba tong sinasabe ko? Hindi ko din alam. bahala ka na lang umintindi. Malabo akong kausap e. Pasensya na. Ang punto ko lang naman kase, kung ayaw mo ng babaeng marami nang nakagalaw, wag mong ligawan, o kaya wag mong isex, o kaya maghanap ka ng iba. Pwede din naman kaseng wag ka nang magreklamo. Hindi ka naman kase makakasigurado na hindi na kayo maghihiwalay kung makapagsex kayo e. Tapos pag nabuntis mo, ano gagawin mo? Iiwan mo? Sa simula mo lang naman kase papanindigan e. Tapos sasabihin mo iba na ugali nya, nagiging bungangera, reklamador. Anak ng tokwa, kuya, kung hindi mo pinutok sa loob, edi wala kang problema. HAHAHA

Hindi sa pagiging bitter sa mga lalake. May mga comment din ako sa mga babae. Hindi ko lang maalala. HAHA joke lang. Ano ba. Dalawa lang naman kase ang nakikita kong problema sa mga babae e. Either makati sya, or tanga lang talaga. Kelangan ko pa bang iexplain? Pwede na yan. Tinatamad na kong magtype e.

9.12.11

Sex at iba pa

Wag kang impokrita. Pag sinabeng "sex", wag kang mandiri. Ginawa yan ng magulang mo kaya ka nabuo. Kung nandidiri ka sa sex, aba, mandiri ka sa sarili mo. Gawa ka jan e. Seryoso.

Hindi ko maintindihan yung iba kung baket pag ang usapan e "SEX", instant reaction agad yun "Eeew, ano ba yan ang baboy naman ng pinaguusapan nyo" o kaya "Ano ba yan? Kadiri naman to." minsan pa nga "Ang lilibog nyo talaga". O diba ang arte? Depende kase sa usapan yan.

(REMINDER: Wag kang sisingit sa mga gantong usapan kase wala kameng pake sa kung ano man ang reaksyon mo sa bagay na to)

Madalas kase ganto usapan namin ng mga kaklase ko. Favorite topic e. Kanya kanyang kwento, kanya kanyang tanong. Syempre isa ko sa mga pasimuno. Syempre kwento kwento, ganyan, tapos biglang may makakarinig, sabay react: "Kadiri nyo, ano ba yan". Wow te ha, hindi kame ang magaadjust para sayo. Mundo mo? Badtrip kase, lalapit, makikinig tapos mandidiri. Isusuksok kita pabalik sa ari ni mommy e >.<

Aminado ako na minsan kasalanan din namin. Malakas boses namin, tapos mejo bumababoy na yung topic. Pero diba, minsan normal conversation about sex, tapos yung iba nandidiri? Sampalin kita ng bayag ni Val e. Kung ayaw mong marinig, at kung nandidiri ka, wag mong pansinin. Pag ikaw gumagawa ng chenes mong wala naman talaga kameng pakealam, hindi kame nagrereact. You do the same. We respect you, you respect us. Minsan kase may maririnig ka pang badtrip na salita. Golden rule, dude, golden rule.

Anyway, naiinis lang talaga ko. Konte lang naman :)

Maiba naman tayo. It's the 21st century, guys. I know Philippines is a catholic country with lots of values. We live in a very conservative country. But please, do not over react. Not because we didn't have Sex Ed during our grade school and/or high school days, but that doesn't give us the exemption that teenagers nowadays has a more active sex life than our parents. Look, I'm not saying everyone, but most of us. Don't be a hypocrite. Ask your classmate if she's still a virgin, I'd bet she'd say no. Why? Because she has/had a pervert boyfriend or she is also a pervert. No, I was kidding. Maybe she was horny that time she lost her virginity, or she was drunk enough that she didn't care if she was raped, or maybe, she love her boyfriend so much that she's willing to give everything. We have our own reasons. And I DO NOT CARE. I don't even know you personally. So, whatever.

My point is, don't be surprised if your best friend would tell you that she already had given it up. It's normal. You'd do that when your time comes. And for the nth time, don't over react. You're just making a fool outta yo'self. You can give advice or whatever you want, but acting as if your friend had killed someone? Dude, your parents did that as well. So if you can just shut the f*ck up, I'd be very glad if you do that.

You're disgusting if you're:(this is an OPINION, don't be stupid)

  • If you have four children with different fathers/mothers
  • If you fucked more than 50 guys (That's quite a lot)
  • If your asshole/vagina is now as big as your mouth (eh?)
  • If you don't even know the name of the last person you fucked
  • If you're not raped and yet you don't even know who's the father of your child
Look, I have nothing against teenage pregnancy or whatever. And those shits above are only my opinion. Anyway, this is my blog (read the thingy after my blog title).

So long suckers \m/

4.12.11

Ang weird lang kase >:[

Naiinis ako. Kase habang tumatagal nawawala na yung mga tao sa paligid ko. Hindi naman ako lumalayo. Busy oo. Tinatry kong maging feeling close ulit. Kaso, ewan. Hindi ko kase maintindihan kung baket. Maayos naman akong nakikipagusap. Halos maya't maya akong nangangamusta. Kaso wala e. Ganun talaga siguro. Pag may dumagdag, may mawawala. Masaklap lang neto, yung nawala, yung pinakamahalaga. Pero keri lang. Wala naman na ko magagawa dun. Basta ko, nandito lang ako. Balik lang ng balik.

Kala mo ba sobrang tapang ko? Joke lang to. Pag magisa na ko, mahina na din ako. Kagaya ng mga taong nasa paligid ko. Ayoko lang makita nyo kong nagmumukmok, nagwawala (oo madalas akong ganto. Baliw ako e), umiiyak. Hindi ko kase alam kung anong pano maging mahina sa harap ng maraming tao. Wag mo kong pilosopohin kase more than one is many. Kasama ko lage sa bilang. Kaya kahit isa ka lang, dalawa tayo sa paningin ko kaya marami tayo. Siguro nga baliw talaga ko. Pero wala akong magagawa.

Hindi ko kayang salungatin ang pagbabagong nangyayare sa mundo. Wag nyo kong asahan na maging kagaya pa din ng dati. Kahit naman ikaw nagbago ka na, ako, wala ba kong karapatan? Oo naging tarantado, basagulero, lalakero, barbero, sira ulo at kung ano ano pang -ro ako. Wala akong magagawa don. Tignan mo na lang din yung mga taong nasa paligid ko, baka sakaling maintindihan mo ko. Kase ikaw naindintihan ko.

Hay nako, ewan ko sainyo. Masyado kase kayong umaasang mabaet akong tao. Hindi naman kase totoo yon. Kagaya din ng isang normal na Pilipino, tarantado din ako. Hindi pwedeng sobrang bait. Hindi din sobrang sama. Kagaya ng lage kong sinasabe: "HINDI PWEDENG LAHAT NASA 'YO." Seryoso ko sa sinasabe ko. Kahit kinopya ko lang yan sa katabi ko. Ewan ko. Masama talaga loob ko. Hindi ako nagpapakaplastic pag magkaharap tayo, pero masaket e. Kayo na lang inaasahan ko tapos naiwan pa ko. Hindi ba pwedeng magkamali? Ginawa ako hindi para maging perpekto. Nandito ko sa mundo, sa Pilipinas, sa Luzon, sa Taytay, sa bahay ko, para magkamali, at itama yung pagkakamali na ginawa ko. Hayaan mo kong magenjoy, makita sa sarili kong mata kung ano yung tama. Hindi pwedeng lahat ng idikta mo, yun lang gagawin ko. Sana binili nyo na lang ako sa nanay ko.

Sabihin nating tama ka, mali ako. Pero gagawin ko kung ano yung gusto ko, kase wala naman akong tinatapakan na tao. Masama ba yon? Hindi naman ako gumawa ng kasalanan. Kahit anong basa at intindi ang gawin ko sa Ten Commandments, hindi ko nakita dun na "Bawal magTOOOOOT-TOOOOOT." Hindi yan kagaya ng iniisip mo. Ayoko na masyadong maraming sinasabe. Masama lang siguro pakiramdam ko. Pasensya sa kadaldalan at aksaya ng oras na dinulot ko sayo. Hanggang dito na lang. Iwanan nyo na ko. Ganyan naman kayo e.


TT3TT

2.12.11

Maskara (This is not my story)

Ayan yung title ng librong gusto kong isulat. May plot na ko. May kwento na. Gumana na yung utak, mata, saka imagination ko. Kamay ko na lang hindi. Tinatamad akong mag type. Saka, kung magawa ko libro ko, ano kasunod? Ipapabasa ko sa tropa ko, sa kung sinong hinayupak na tambay sa kanto namin. Hindi ko na alam kasunod e. Ayokong sabihin yung plot. Baka gayahin mo, maunahan mo pa kong magpapublish. Anyway, ayun nasabe ko lang. Wala lang ako sa mood gumawa ng kahit ano >.<

Facebook sa Pinas ~_~"

OWNLI IN DA PILIPINS \m/

May mga bagay talaga sa facebook na hindi ka matutuwa e...

FANPAGE
Ang dame kong nakikitang mga may Facebook fan page ngayon. Minsan yung mga quotes, gnagawan ng fan page. Yung ibang admins, may sarili na din nilang fan page. Yung iba, bet lang nila. Kase maganda sya, gagawa sya ng sarili nyang fan page. Ewan ko. Nababadtrip talaga ko. Hindi ko maintindihan kung baket kelangan ng fan page.

May mga tropa/kakilala akong may sarili nilang fan page. Naiintindihan ko sila. Kase tignan mo: si Nikki saka si Keshi, mga model/club promoter. Dun sila nagaannounce ng chuchu nila sa club saka gnawa nilang portfolio yung fan page nila; si Jomai, astig yon mag beatbox tapos member pa sya ng human beatbox alliance, basta ang galing non; tapos si Bryan lumalaban ng yoyo sa abroad, basta parang ganun ata; anywa, ayun yun e. Sila, may dahilan kung bat may fan page. E yung iba?

Kase diba dapat may admin ang isang facebook page. Tapos yung mga admin non, may sarili na din na fan page. Ewan ko. Nabadtrip talaga ko dun. Kase gumawa sila ng fan page, para cute lang. Kase itatag mo sa page mo yung post mo sa page na admin ka. Pampachicks lang. Minsan naglalagay ng quotes ganyan. Badtrip kaya. Anong sense? Anong konek? Anong purpose? WALA. 

Tapos may mga quotes na may sariling page. Tapos syempre may admin ulit. Yung mga admin, wala lang. Survey survey din. Plug plug. Tag tag. May mga gantong page na may sense yung mga pinagsasabe ng mga admin e. Kaso yung iba wala. Wala lang, bet lang nila. Yung tipong "Good morning! Kamusta mga tao?" Yung mga gantong post. Kase alam nila, sa isang page, may mga likers, may magko-comment, may magrereact. Baka yung mga post nya sa facebook nya walang pumapansin. Pero may iba bet ko yung pinagsasabe. Madalas lang, yung nakakabadtrip. Ano gusto nilang iparating? WALA.

Tapos meron din akong nakitang fan page ng artista. Pero syempre, mga admin non hindi yung mismong artista. Busy kaya yun. Since fan page ng artista yon, they're suppose to post anything about the artist, mga updates, ganon. E kaso hindi. Nagiging epal na fan page na lang. Yung may mga admin na plug ng plug ng tumblr blog nila, minsan ibang page na admin din sila, minsan kung ano anong walang kwentang bagay mga pinopost. Teh, anong koneksyon nyan sa artistang dapat focus ng page na to? WALA. 

Pero pinakanaiinis ako, yung mga taong gagawa ng fan page ng sarili nila. Tapos ip-PM ka sa chat, sasabihin pa "Uy like mo naman fan page ko." Ang sarap barahin. "Baket? Sikat ka?" HAHAHA diba nakakainis. Tapos anong laman ng page nila? WALA. Ka-ek-ekan lang nila. Magpopost ng quotes, syempre ila-like ng mga naglike ng page na yon. May mga tao pa namang likers. Pero mamaya na sila. Teka lang kase!

Syempre nainiinis talaga ko. Obvious naman diba? Date kase yung mga quotes may sariling like-sites. Ila-like mo yung quote kase bet mo. Walang admin, walang plug, pero tina-tag sila. Keri lang. Chicks e. HAHA edi ayon nga. 

May isa pa kong kinakainisan, yung mga LIKERS.
Sila yung mga tao na lahat ata ng ng makikita nila sa news feed nila, nila-like. Muntanga diba. Aksaya sa oras. Pero minsan talaga, worth it ang nilike mo. Kase benta talaga, or sapul sayo kaya ni-like mo. Pero yung masabe lang, muntanga talaga.

Tapos may mga taong MAY SANDAMAKMAK NA ACCOUNT. Isa ko dito pero may dahilan ako. Sa isa kase hindi ko friend pamilya ko. Pwede akong mang away. kase dun sa isa kong account, friend ko lahat ng kamag anak ko. Bawat galaw ko nakikita nila. Pero yung iba, wala lang. Dito friends lang nila friends talaga. Tapos dadami yung mga taong naaccept na hindi naman kilala, syempre hot sya. Nasa 3k na yung friends nya. Mahirap magdelete. Gagawa ng bago. Tapos syempre ayun na naman tayo. Gagawa ng bago. "Private" account daw. Tapos accept naman ng accept.Gagawa ng bago. "Private" account daw. Tapos accept naman ng accept.Gagawa ng bago. "Private" account daw. Tapos accept naman ng accept.Gagawa ng bago. "Private" account daw. Tapos accept naman ng accept. O diba nabadtrip ka? Ako din nabadtrip. Hindi lang ikaw.

May mga tao din na ANG DAMING SYMBOL SA STATUS. OO NABABADTRIP AKO DUN. Sino ba hindi? Tanginer, puro symbols muna bago yung sasabihin. Tapos mukang jejemon pa. Yung mga emoticon tanggap pa e. Syempre minsan hindi ka na makaisip ng pang describe sa nararamdaman mo, emoticon na lang. Saka hindi nasakit sa mata. Pero yung iba, AY PUTA! Nabadtrip na ko, wala pang letters. HAHAHA

May mga tao din na ip-PM ka pa para maglike ng kung ano ano. Tae! I-share mo. Ila-like ko pag bet ko. Kung kelangan mo ng sandamakmak na likes, edi ilagay mo status mo, share ganun. Hindi yung tipong, hindi nga kita kilala, ni hindi ko alam kung kelan kita inaccept, bigla mo kong ip-PM na ilike ko yang lintik na post, picture o kung ano man yan! Tae malala pa pag status ang ipapalike. Ano meron, teh? WALA.

Masyado nang madame to. Pero yung iba personal na inis na lang >:)) Nakakabadtrip talaga. hindi ako natutuwa. Wala akong nakikitang sense, point, purpose ng mga bagay na to kung bakit pa nageexist. PERO SYEMPRE MAY KANYA KANYA TAYONG DAHILAN SA MGA BAGAY NA TO. E kaso blog ko to. Wala kang pakealam. Kung gusto mo, gumawa ka ng sariling blog mo, saka mo ko tirahin don. Wala kong pakelam. Blog mo yun e. HAHAHA bahala ka don. Sige na.