20.12.11

Ano regalo sayo ngayong pasko?

Dalawang christmas party yung pinuntahan ko nong nakaraang linggo. Akala ko pa naman matutuwa ako. Hindi pala. Minsan kase yung mga exchange gift, kelangan unisex. Tapos lalagyan nila ng mga number yung regalo saka ka bubunot ng number. Mahirap magisip ng regalong pang unisex. Okay pa yung bunutan ng pangalan. Pwede mo pang ibigay yung mga gusto nya or ayaw nya pag bet mo. Naalala ko nung bata pa ko.

<<32x

Madame kase kong school na pinasukan. Nagsimula ako sa private school tapos nag three years sa public school. Madameng pag kakaiba pag dating sa christmas party. Nung nasa private pa ko, kelangan bubunot ka ng pangalan ng reregaluhan mo. Casualan lang. Bibilin mo yung sa tingin mo magugustuhan ng nabunot mo. Pag babae, manika. Pag lalake, robot. HAHAHA mahirap magregalo ng damit nung bata pa ko. Malabo kase kong kausap. Mahihirapan pumili ng size nanay ko. Magaaway lang kame nun. Saka madalas pag sa private, mejo may kamahalan dapat yung regalo. Nung lumipat ako ng public school, (grade2-4) nagiba bigla mundo ko. Dun ko unang naexperience yung bubunot ng number at kelangan unisex ang regalong bibilin mo. Madalas sa palengke mo makikita yung mga nasa loob ng pambalot. Nakakainis lang kase hindi ka pwedeng magrequest. Hindi mo masasabe na hindi ka mahilig sa pink at green ang tanging kulay na gusto mo. (Oo. Bata pa lang ako green na mga gamit ko. May konteng blue kase sapphire ang birth stone ko)

Balik tayo sa kasalukuyan. Ano ano ba yung madalas na nireregalo sa mga christmas party? Madame yan. Lalo na pag sinabeng 100php ang price ng gift. HAHAHA


  • Towel- Baket eto una sa listahan ko? Kase dalawang beses ko syang natanggap ngayong linggong to. OO DALAWANG BESES. Bastos na mga tao to. Unisex kase sya. Lalake't babae, gumagamit ng twalya pagkaligo. Pag hindi ka gumagamit neto, ewan ko sayo. Unisex na kulay madalas. Puti. HAHAHA baket mo ko reregaluhan ng twalya? Muka ba kong hindi marunong gumamit neto? Muka ba kong walang kakayahang bumili ng sarili kong twalya? Anak ng tokwa! Kahit hindi ako mayaman, maganda ginagamit kong twalya. Tigtatatlo pa kame sa bahay. Alam mo yung nakakabadtrip don? Yung tipong hindi mo maeenjoy yung regalo. Hindi ako natutuwa sa twalya.
  • Mug/Baso/Tasa/Tasa na cute- Basta iniinuman. Lahat kase ng tao ginagamit yan. Pwera na lang sa mga tindahan kase nakaplastic.
  • Unan/Stuffed Toys- Gasgas nang regalo ang unan tuwing pasko. Madalas yan galing blue magic. Pero hindi ako fan ng mga bagay na malambot. Pwera na lang kung si spongebob yan. Pero dahil unisex ang usapan, labas sya don.
  • Panyo- Dapat to pangalawa. Nakalimutan ko lang. Minsan isang set ang ibibigay sayo ng pekeng armando caruso. Masaklap lang pag tig tatatlo sampu ang makukuha mo. Madameng ganun sa bangketa.
  • Key chain- Mejo madalang na ang nagreregalo ng key chain pero patok to sa mga unisex na exchange gifts.
  • Picture frame- HAHA natatawa ko sa mga gantong regalo. Ewan ko ba. Hanggang ngayon patok pa to. Nakakainis lang kase mabilis pang masira yung frame na ibibigay sayo. Ilalagay mo pa lang yung litrato, natatanggal na yung stand. HAHA
  • Figurine- Madalas mga holy figures. Minsan mga aso o pusa. Kung ano anong klaseng non sense na matigas na bagay ang ilalagay sa karton para iregalo. Ano napala mo? Wala.
  • Wallet- patok sa pasko ang wallet na balat kapag unisex ang usapan. Kase hindi lahat ng tao, peyborit ang pink katulad mo. Minsan mga cartoon chenes ang nakadrowing. Wag nyo kong regaluhan neto. Hindi ako gumagamit ng wallet. *TRIVIA: nasa bulsa lang madalas lahat ng pera ko. Kahit ilang libo pa yan basta sa bulsa lang.
  • Ilaw/Lampshade/Alarm clock/Wall clock- useful. Kaso mapurol pa sa utak mo yung makina. Wala ding kwenta. Chambahan lang ang makakuha ng matinong ilaw o relo kapag pasko. Malas mo kapag nabasag pa yung regalo.
  • Coin bank- Mga bata lang madalas gumamit neto. Kapag matatanda ang kasale a exchange gift, wag kang bastos. Kung gusto mo, lagyan mo ng barya para masaya.
Wala na kong maisip pang mga patok na unisex na regalo. Pero ang sakin lang, maging creative naman kayo. Hindi porke't unisex ang usapan, e ganyan na lang ireregalo mo. Isipin mo nalang: "Kung ako makakatanggap ng ganto, matutuwa ba ko?" Syempre hindi. 

Nung christmas party ng department namin,bumili ako ng head set na tig 100 sa Galeria. Dapat coin bank yung bibilin ko. Ang cute kase. Pero naisip ko, baka hindi nagiipon yung makakakuha ng reaglo ko. Dapat din sana notebook. Kaso baka mag dalawang isip ako at hindi ko na ibigay kase mahilig akong magsulat. E kung ballpen kaya? Yung mahal para walang reklamo. Kaso masyadong bastos. Kaya ayun yung binili ko. Madameng pwedeng iregalo. Wag ka kase sa tyangge. Puro common na yung nandun. Madameng mura sa mall. Hindi ka lang marunong maghanap.

No comments:

Post a Comment