27.12.11

If I were a boy... (Hindi to yung kay Beyonce)

Hindi ko alam kung pano sisimulan tong post na to ng walang sinisirang pagkatao, ng walang magagalit na kahit na sino. Gusto ko kaseng magsalita tungkol sa mga lalake sa mundo.

(Wala akong galit sa mga lalake. Mahal ko tatay ko. Iba yun. Hindi kagaya ng kahit na sino)

O game. Hindi na lang ako magbabanggit ng pangalan para okay.

(Sorry sa mga taong nasa post ko >.<)

Kase kanina, dumaan yung pinsan ko. Mabaet yun. Loko loko lang. Mejo may galit syang matindi sa tatay nya. Naiintidihan ko sya. Kilala ko tatay nya. Nagtrabaho sa abroad ng ilang taon. Pabalik balik. Pero walang naipundar na maayos. Nung tatay ko nagabroad, kung ano ano na yung nabili nya. Pero yung tito ko, low class na cellphone, de-remote na laruan sasakyan, saka konte lang. As in konte lang. Ni hindi nga nya napagaral yung mga anak nya. Ibang tao gumagastos para sa pamilya nya. Nakakainis lang talagang isipin. Kase may alam sya. Sa dame ng trabaho nya dati, ang dame din nyang natutunan kahit hindi sya nakagraduate. Pero hindi nya ginagamit sa tama. Lima anak nya. Apat yung sa una, tapos may isa sa labas. Bata pa yun. May leukemia. Oo, may sakit pa. Tapos sya may hika. Hindi ko naman sya masisisi don. Nangyare na e. Ang sakin lang, kung sana dati nakapagipon sya, edi kahit papano, may mapaghuhugutan. Kaso wala. Ang masaklap pa nito, yung anak nya sa labas, iniwan na nung nanay, yung original nyang asawa ngayon yung kinikilalang anak. Okay naman. Kaso yung kairesponsablehan nya, pinasa na nya sa asawa nya. Wala naman syang trabaho e. Hinihika pa. Yung tita ko ngayon yung namomroblema sa hindi naman nya anak. Good samaritan e. Okay lang naman kaseng gumawa ng mabuti. Nakakainis lang talaga yung mga tamad.

Naiinis talaga ko sa mga taong walang sense of responsibility. Gagawa ng kaabnormalan tapos iba mamomroblema. Madalas magulang pa. Marameng gantong klaseng tao. May isa pa kong kilala. Yung asawang babae, nagtatrabaho sa abroad. Tapos yung lalake, nambababae. Yung mga anak, iba nag aalaga. May isa pa, wala ngang pamilya, kaso umaasa lang madalas sa pension ng nanay saka sa padala ng mga kapatid sa abroad.

Wala namang problema kung tinutulungan ka ng mga kamag anak mo sa abroad, o yung mas may kaya sayo. Kaso dapat tinutulungan mo din yung sarili mo. Hindi pwedeng aasa ka na lang habang buhay. Na ultimo pang bisyo mo, e iba pa ang magsusustento. Na porque may tumutulong, e umaabuso. Hindi na ko natutuwa.

Kakatapos lang ng pasko. Paniguradong maraming kamay ang nakasahod. May ibang nagbabakasyon sa bahay ng mga kamag anak. Kaso pati naman pamasahe nila pauwi, e hihingin pa. Hindi ko talaga maintindihan minsan ang mga tao. Binibigyan mo na ng chance na ayusin yung buhay, kaso ayaw tanggapin. Gusto lang nila masarap buhay nila. Hindi nila alam mas masarap ang buhay pag galing sa pawis mo yung kinakaen at pinangluluho mo.

Ngayon baka nagtataka ka kung baket If I were a boy ang title ng post ko. Simple lang, kase mas madalas na problema sa lalake tong mga bagay na sinasabe ko. Pano ko nasabe? Kase nakikita ko. Hindi ako biased. Hindi ko din nilalahat ang lalake. Pero kase, kung sino pa yung problema dito, sila pa yung mas demanding at choosy.

Nung pasko, kumaen kame sa Tokyo Tokyo. Kasama lahat ng nasa bahay. Ako nagenjoy kas peyborit kong kumaen ng japanese food. Kaso yung iba, gusto sa Mang inasal. Kase pagkaeng pinoy daw. Mas sanay sila sa ganun. Hindi ba nila gustong makatikim ng iba? Mas marame pa yung nireklamo nila kesa dun sa extra rice na hiningi nila. Naiinis ako. Hindi kase dapat ganun. Pinakaen ka, nilibre ka, maging thankful ka. Hindi yung puro pa reklamo makikita mo. Tapos sisimangutan ka pa. Oo masama loob ko. May pinaghuhugutan ako. Nakakairita kase.

May iba pa, mag aanak ng marame, tapos aasa sa kung sino sino. Alam mong mahirap ang buhay, dapat konte lang ianak mo. Hindi pwedeng lageng papairalin ang kati. Eto ang madalas na problema sa mga Pilipino.  Kaya dapat matagal nang pinasa yung RH Bill. Tapos pag wala nang makain, naghihirap na, isisisi sa gobyerno ang lahat. Kesyo hindi daw nagbibigay ng trabaho, hindi daw tumutulong. Dapat kase, nagaral ka muna bago ka lumandi. Kung ikakatwiran mo sakin na mahirap lang kayo at hindi ka kayang pag aralin ng magulang mo, jan ka humingi ng tulong galing sa gobyerno. Gamitin mo utak mo. Hindi yang nakanganga ka lang sa kawalan. NASA DIYOS ANG AWA, NASA TAO ANG GAWA. E pano kung gumagawa nga, inaaksaya naman? Problema mo na yan. Hindi na dapat tinutulungan yang mga ganyan. Walang kwenta.

Problema din to sa mga babae. Pero may pinaghuhugutan ako kaya sa lalake.

Sana lahat ng lalake parang tatay ko. Ewan ko. Idol ko tatay ko e. Masipag. Hindi babaero. Gwapo (charing! HAHA) Naiinis pa din ako. Konte lang itatawa ko.

Kapag talaga ko yumaman, tutulungan ko lang kung sino talaga yung may kaylangan ng tulong. Hindi ako tutulong sa mga lasinggero, batugan, nambubugbog at lahat ng walang kwentang tao. Bastrip talaga >.<

No comments:

Post a Comment