20.12.11

Usapang Banal

Alam ko mejo wala akong karapatang magsalita sa mga gantong bagay. Gusto ko lang ishare yun alam ko kase may utak at pang unawa ako :D

Twice na kong nagenroll sa Catholic school. Nung una, pre school pa ko. Mejo walang alam sa mundo. Gorabells lang sa trip ng mga teacher ko. Kapag first Friday naka puti kame. Tapos required magdala ng pang offer na nakabalot sa cellophane. Madameng chuchu non. Pero hindi ko yun naiintindihan.

Nung lumipat ako ng iba't ibang school, private at public, halo halo na, nawala yung pagsisimba. Minsan lang. Noong communtion saka recollection nung grade six. Hindi ko alam kung wala talaga kong pake, o hindi lang nabantayan. Aminado ako na hindi din nagsisimba dati mga magulang ko. Tatay ko, pag sunday, tinutulungan namin maglaba. Ganun lage. Si mama, busy. Madaming dahilan. Madaming katwiran.

Pagdating ng highschool, nilipat ako ulit sa Catholic school. Kase nagkaproblema sa dating school. Tapos kelangan nakabuntot ako sa kuya ko sa lilipatan nyang school. Nagbakasakali ata nanay ko na titino kame kung dun kame magaaral. Kaso parang hindi. Apat na taon ako don. Buong high school. Nagkaron ng madameng tropa, natutong maglakwatsa. Hindi ko naman to sinisisi sa school ko. Desisyon ko yun e. Edi ayun nga. Natuto akong magrosaryo, nalaman ko lahat ng response kapag sa misa. Kaso english gamit namin. Wala din akong masyadong natutunan.

Katoliko ako pero hindi ako halos umaattend ng misa. Mas gusto ko yung nagdadasal na lang ako. Hindi naman sa sinisiraan ko ang relihiyong katoliko. Pero hindi ako masyadong natutuwa. Paulit ulit. Puro basic. Siguro hindi lang talaga ko kuntento sa mga naririnig ko. Baka sakaling naghahanap lang ako ng bago. Kumbaga, reminder lang yung mga nasasabe sa misa. O baka hindi lang talaga ko nakikinig sa mga sinasabe ng pari.

Ayoko naman magpalit ng relihiyon. Ganto na ko pinanganak e. Lalawakan ko na lang pangunawa ko. Gagawin ko kung ano yung tama.

Para kase sakin, hindi ko kaylangang magsimba linggo linggo. Makinig sa literal na pangunawa ng ibang taong nagsasalita sa harap ng altar. Oo, literal. Nafeel ko lang. Sabe ko nga, hindi ako kontento sa naririnig ko. Ang kelangan ko lang naman kase e yung matino ? hindi e. Basta yung alam kong hindi ako gagawa ng panget sa paningin ng Diyos. Hindi ko alam kung pano sasabihin.

May best friend kase ko. Tatlo sila, yung dalawa, mula grade school kabatak ko na. Yung isa, nung high school na. Dun tayo sa dalawa kong bestfriend: si begs saka si babs. Mabaet sila sobra. Sila yung mga best friend ko na pinapagalitan ako kase abnormal ako. Palage silang nagsisimba. Christian kase sila. Muka naman masaya sila don. Ako din masaya para sa kanila. Si begs, sobrang bait. May group sya sa mapua tapos nagpi-preach sya don. Natutuwa ako kapag nakikinig ako sa kanya. Madame kong nalalaman. Pero ayoko talaga magconvert. Kapag siguro buong pamilya ko nagconvert, saka na lang ako. Kame ni babs, madalas nakikinig sa sermon ni mommy begs. Para kase namin syang nanay minsan. Lage kameng may homily kapag may ginawa kameng kalokohan.

May isa pa kong kwento. Nung isang beses kase, kumakaen kame sa KFC ng mga kaklase ko sa PUP. Tapos bago kumaen, sabe ni beks magpray daw kame. Gusto nya hawak hawak kamay. Okay lang ako dun. Edi ayun pray pray din. Tapos si bitch nagreact. Ayaw ata nya ng ganung set up. Sa totoo lang, hindi ko alam kung may gusto syang patunayan, o ganun talaga sya. Hindi ako masyadong nagreact. Tapos si daga biglang nagsalita. Nakalimutan ko yung sinabe nya. Basta tungkol kay bitch. Na parang gusto lang nya, lageng maiba. Tapos napunta yung topic sa pasko. Kase mag ki-christmas vacation na non. Tapos sabe ni bitch parang hindi ata sya angse-celebrate ng pasko. Kase daw hindi naman daw sinabe sa bible na Dec. 25 yung pasko. Na yung mga tao lang daw nagdeclare non. Totoo naman. Kumbaga sa language, arbitrary. Hindi naman kelangan ng exact date para icelebrate yon. Sabe nga sa kanta: "Sana araw araw ay magiging pasko lage". So hindi mo kelangan ng date. Kelangan yun, araw araw. Araw araw kang magiging generous. Mga ganung bagay. Nairita ko ng onte sa naging usapan namin. Walang pinupunto. Puro pagtatalo. Ganun kame. Lahat bida, lahat tama. Nainis ako sa ibang sinabe nila. Pero ayoko na lang magsalita.

Last na tong kwentong to. May tita kase ko, yung panganay nila mama. Si tita Paz (amen). Patay na kase sya. First year ako nung namatay sya. 53 na sya non. May asawa sya. Pero mas naunang namatay sa kanya. Si tito Louie(amen) yon. Tito din sya ni Carmina Villaruel. Pero pangatlong asawa na ata nya yung tita ko. Wala silang anak. Kase nung kinasal sila, nagkacancer sa ovary tita ko. May dalawa silang aso, si Jarod saka si Gorge. Walang koneksyon yung mga aso sa kwento ko. Sila lang yung nagsilbing anak ng tita saka tito ko. Matagal din silang nagsama. Meloy pa nga tawag sakin ni tito. Muka daw kase kong lalake. Lageng dora bangs. Matalinong tao tito ko. Madame syang kaybigan na sikat. Si Ernie Baron kaclose nya. Tapos basta madame pa. Hindi sya naniniwala sa religion. Sa sobrang talino nya, lahat ata ng bagay, kine-kwestyon nya. Madame kong natutunan sa kanya. Mahilig din syang magsulat. Nainggit ako kaya ginaya ko. Madame syang mga tula saka essay na nilagay sa mga dyaryo sa Pilipinas. Halos nalibot na din nya yung buong mundo. Madame syang naging trabaho. Kaso nagreresign sya kase mas matalino pa ata sya sa mga boss nya. Ganun sya katalino. Wala syang pinapaniwalaan bukod sa sarili nya. Lage nyang sinasabe, "What if the Bible itself is not true?" Naalala ko lang. May point sya. Pero ayokong gumaya. Basta ko papaniwalaan ko kung ano yung sa tingin kong tama.

Hindi ako sobrang talino para kwestyunin pati ang Bible. Pero hindi ako tanga para paniwalaan ang lahat ng sinasabe ng mga taong nagsasabeng alam nila ang totoo. Hindi ko sila papakelaman sa paniniwala nila. Wag lang din nila kong pakelaman. Masyado na kong madameng sinabe. Okay na to. Gusto ko lang magkwento. Tulog lahat ng kasama ko e. Tinatamad din akong manuod ng show time.

(Wala pa kong nagagawa sa project ko sa Pop Lite. Patay. Pano na ko. Bibigyan kaya ko ng extension ni sir joey? Sana oo. Pero malabo)

No comments:

Post a Comment