26.1.12

Marami akong problema, dinagdagan mo pa.

Tanga ka ba? Nakita mo nang badtrip, ininis mo pa. Tapos pag nasabihan ka ng hindi maganda, magagalit ka.

Mga tao nga naman.Nakakainis talaga. Ayokong umasa. Pero ayoko din ng may tinatarandatong tao. Lalo na ako. Kung gagawa ka ng kasinungalingan, gagawa ka ng katarantaduhan sa likod ko, sisiguraduhin mong hindi ko malalaman. Nakakainis kase. Mukang hindi talaga uso sayo yung salitang RESPETO. Kahit kanino hindi uso yon.

Hindi ka naman pinipigilan e. Kaso parang habbit mo na yang ganyan. Hindi na ko masyadong magtataka. Makakahanap ka din ng babaeng sisira sayo. Oy hindi ako mangkukulam. Kahit hindi naniniwala si joys sa mga sinasabe ko, basta ang paniniwala ko, balanse dapat ang mundo. Kung peyborit mong mangolekta ng babae, may mahahanap ka din na isasama ka lang sa koleksyon nya.

Er nakakainis. Ang stupid. Hindi ka naman babaero e. Peyborit mo lang talaga. Ewan. Tapos magagalit. Sapakin kita e. Kapag yang isa na yan umiyak ng dahil sayo, ay ewan ko. Hmmmm tama na nga. Pinutol nila DSL namin dahil sa 100php na kulang sa bayad. Tapos may mga spanish calls pa na nakacharge samin. ANG BOBO NG PLDT!!! MAMAMATAY DIN KAYO. PAKYU!!!

22.1.12

Kasal kasalan tayo :D

San ba nagsisimula ang lahat? Sa unang halik? Unang salitang lumabas sa labi ng bawat isa? Hindi. Sa araw na hindi mo inaasahan na sya na-- yung araw na una mong nakita ang mga mata nya. Yung unang araw na nabighani ka sa ganda nya, sa gaan ng pakiramdam mo pag kasama mo sya. Yung ibang heartbeat pag paparating ka na. Yan ang tinatawag na Love at first sight. Masarap sa pakiramdam. May iba naman, nagsisimula sa pagiging aso't pusa ang drama. Away bati habang hindi pa sila. Tapos may isang aamin. Keme keme. Ang dameng echos.

Tapos magiging magjowa. Sweet-sweet-an sa simula, pag tumagal ng konte, nagiging mejo malamig, magaaway, break/ cool off, marerealize ng isa na hindi kaya ang wala ang isa, magbabalikan, after ilang taon/ bwan, magpapakasal. TEN TEN TENEN... TEN TEN TENEN... *sabog confetti!* Kasal kasalan, tapos reception, may magtatalo kung baket kulang ng isang carrot yung handa. May batang iiyak kase ninang ng kasal si mommy. May maiinis na nanay kase ang amos ni baby. Maraming aberya, pero ang ending, honeymoon. Pagdating sa honeymoon, sweet-sweet-an, chukchakan, gawa baby. Pagkapanganak kay baby, pipicturan, maraming arte. Syempre may bahay na, pwedeng nabili, niregalo pag mayaman asawa mo, o kaya inuupahan. Tapos magtatrabaho si mister, uuwi ng late, magagalit si misis, mag-aaway, magsasapakan, hiwalayan. Sira ang pamilya.

Hindi naman sa pagiging negative, pero madalas nangyayare yan. Pero hindi sa pamilya namin, Paulit ulit kong sasabihin na iba ang tatay ko, mabaet yun. Kaya nakakatakot na mag-asawa ngayon. Sa dami ng palabas na napapanuod ko na ganyan ang nangyayare, ay di bale na muna. Ayoko muna. Okay na ko ng singol ako. Pero may mga masaya naman ang kinakalabasan. Depende sa ugali.

May ibang sitwasyon naman, mabubuntis ng maaga yung babae, mapipilitang magsama o kaya magpakasal. Tapos pag nagsasama na, magiiba na ugali. Si lalake, nagbubuhay binata pa din, syempre dadaldal si babae. Mag-aaway. Sasabihin ng lalake, nasasakal na sya, nagiiba na si jowa. Maghahanap ng iba, iiwas si asawa. May bagong jowa, aawayin ng ex, sasabihan ng kung ano anong masasakit na salita. Kesyo nakakasira daw ng pamilya, ek ek ek ek. Tapos maiinis iiwan ng bagong jowa, mawawala ang issue. Makakamove on si ex wife. Si lalake maghahanap na ulit ng bago. Balik sa pagiging buhay binata. Nakabuntis ng isa pa, pipiliting pakasalan, nakalimutan kung sino mga ninang ng unang panganay, may ibang mauulit sa pangalawang panganay. Sira buhay ng parehong tao.

Tapos may isa pa. Masayang pamilya. May mga anak. Enjoy lang, kalmado lang. Tapos iisipin ng mag-asawa ang future ng mga bata, mag-aabroad si lalake. Nasanay na sa life apart. Makakahanap ng bago, hiwalay. Hati na sustento sa pamilya kase may bago na. Buhay binatang may jowa ulit. Si babae, maghahanap din ng bago. Tapos ang sama na ng tingin sa kanya kase dalawa na inasawa. Yung mga bata, magkakatrust issues kase broken family na. Yung isang anak, magrerebelde, mabubuntis *repeat reading the last paragraph*

Malabo mangyare samin yan. Good boy si papa. Ako ang bunso. Bawal madagdagan. *selfish ako sorry ka*

Minsan naman, mag-aasawa. Tapos hindi gusto ng pamilya ng isa ang asawa. May ibang lalayo sa pamilya at uunahin ang asawa kase mas importante ang bagong henerasyon, may iba naman, loyal sa pamilya. Kahit masaktan ang asawa, wag lang mga kamag anak nya, keri boom boom lang. Ikakatwiran, pinakasalan kita, mahalin mo sila, tanggapin mo.

Maraming sitwasyon kung pano mo bubuuin yung pangarap mong pamilya. Diskarte mo kung san at pano mo huhubugin ang mga magiging anak mo. Depende sayo kung magtitino ka at makokontento sa kung anong meron ka. May mga panahong dadating ang problema, nasa sayo yun kung bibitaw ka o lalo mong hihigpitan ang hawak mo sa pamilya mo.

Walang perpektong tao. Wala ding perpektong pamilya. May nagmamahalan, may nanlalamig. Kung anong klaseng pamilya man ang meron ka, tanggapin mo. Kung hindi maganda ang kinalakihan mo, wag kang magrebelde. Sikapin mong balang araw, masasabi mo sa sarili mong kaya mong baguhin ang nakasanayan mo. Pwede kang bumuo ng mas maayos na pamilya, o sumira ng iba. Bahala ka, karma mo yan.

Basta ako, takot ako sa pwedeng mangyare sa mga susunod na kabanata ng buhay ko. Hihintayin ko na lang kung sino ang para sakin. Ayoko magmadali. Kung may dadating para iwanan ako, sige lang. Tatanggapin kita ng buong buo. Kung pinanganak ka para sirain at durugin ang puso ko, bahala ka. Kapalaran mo yan. Hindi kita pipigilan hindi kita gagantihan, bahala na si bathala. Kung may dadating man na taong papainitin ang malamig kong puso, *Tokwa!* painitin mo. Hindi din kita pipigilan. Tatanggapin ko ng buong puso kung ano man ang ibigay Nya sakin. Magrereklamo ako ng konte kung hindi maganda. Pero wala na kong magagawa.

Ayokong gawin sa iba yung mga bagay na kinakatakutan kong dumating sakin. Takot ako sa karma. Takot akong baka ako yung masira ng tuluyan. Minsan ko nang nagawa, hindi ko na uulitin. Maulit man ang pagkakkamali, sisiguraduhin kong hindi "Kase mahal ko sya" ang dahilan.

Naniniwala ako sa love. Ayoko lang na dun lang iikot ang mundo ko. Hindi ako mapapakaen ng pagmamahal ng mapapangasawa ko. Mapapakaen ako ng sipag at tyaga ng taong mahal ako. Magkaibang bagay yan. Hindi ko sinabing okay lang sakin ang may kaya pero hindi ko mahal. Kelangan balanse ang buhay, may masaya, may malungkot. Hindi pwedeng lahat nasayo.

Kung ano man ang mangyayare sayo bukas, hindi na yon dahil sa nagblog ako. Hindi ako si Zenaida Seva para sabihin kung suswertehin ka mamaya o madadapa ka. Kung anong ginawa mo noon, babalikan ka ngayon. Magingat ka, mahirap na.

Malabo man akong kausap pagdating sa blog ko, sigurado naman akong may natutunan ka at napangiti ko ang taong nagbabasa nito :D

21.1.12

Single

Ayan ang tawag sa mga taong walang ka-relasyon. Madami nyan ngayon. Madami kase kong napapansing nagbebreak before and after new year. Ewan ko kung baket. Siguro kase nagpasko, lumamig, nanlamig din yung feelings. Ay pukyina! Ako ba to? HAHA hindi. Ayoko muna ng issue sa buhay ko. Bagong taon na, tama na. Punong puno na nyan ang 2011 ko.

O sige, balik sa pagiging single. Baket ba may mga taong single? Syempre wala silang jowa! Alangan naman single sila e tatlo ang jowa? Bober. Pero madaming dahilan ang mga tao kung baket sila single. Isa-isahin natin :D

  1. Masyadong strict ang parents- HAHA syempre jan ako. Bawal pa hanggang hindi nakakagraduate. Yung iba, may age limit. Pag gantong keme ka na, magjowa ka na. Mga ganun? Kung anek anek. Okay din, kaso minsan, pag pinaghihigpitan, nagpupumiglas.
  2. Busy ako- Mga taong walang panahon sa pagiisip ng buhay pagibig nila. Madalas, sila yung mga taong kayod kabayo para buhayin ang mga kapatid dahil ang parents e tamad pa sa pagong o kaya naman, mahirap lang talaga buhay. Minsan din, sa sobrang sipag ng magulang, e ang dami nila. Bunton ke ate o ke kuya ang lahat ng trabaho. Nakalimutan ang puso.
  3. Playing safe- Takot magmahal kaya wag na lang. O kaya nadala na sa past relationships kaya wag na lang. Takot na baka makasakit lang sya at makarma. O sige wag na lang magjowa. Masaya naman kasama friends e.
  4. My friends are better to hangout with- E pano pag puro nagsijowa na ang friends mo? Isa isa na silang mawawala at ikaw na lang ang maiiwan sa single community. Bahala ka sa buhay mo. Hindi pa ata nararanasan magmahal, at buong buhay tropa lang ang kasama. Ewan ko sayo.
  5. Ayaw ng commitment- Ha! Masyadong malandi yan for sure. Puro fling, one night stand, two nights stand, tapos wala na. MU-MU lang. Pag tinanong mo kung ano na estado ng relasyon, lageng sagot friends lang kame. Nagsasawa na ko jan. Dun na lang ako sa 1,2,&3 >:))
  6. Player- Enjoy sya sa pakikipaglaro sa mga babae/ lalakeng game din sa laro. Walang balak magseryoso. Bahala ka, makarma ka sana. HAHA madalas malabong kausap.
  7. Shonget- Sila yung mga taong hindi mo matitiis... hindi mo matitiis na tignan ng sobrang tagal. STOOOOP! Tama na. Nagiging bad na ko.
  8. Last but not the least, Mga madre at pari- Alangan naman magjowaan sila diba? Syempre hindi pde.
Hindi ko alam kung anong klase pa ng single ang naiisip mo. Basta ko, bawal magboyfriend, ayaw masaktan, at busy sa thesis. Hindi na ko naga-accept ng manliligaw requests. Panget na ko ngayon, mataba, hindi nakakatuwa ang ichura ko. Tigilan nyo ko.

19.1.12

Kase mahal ko ang tatay ko :D

Mabaet ang tatay ko. Mapagmahal. Kahit minsan naiinis sya sa mga ginagawa kong kalokohan, hindi nya ko iniiwan. Mahal ko sya. Bukod sa kanya, wala nang iba.
Ibang klase magmahal ang tatay ko. Lage syang nangungulit, mula pag gising ko sa umaga, hanggang sa pagtulog nya. Kaso ngayon, hindi na masyado kase nasa Saudi na sya. Namimiss ko na sya ng sobra.
Naalala ko dati nung bata pa ko, palage nya kong pinapagalitan pag mali yung ginagawa ko. Pero hindi masyado. Kase ayaw nyang masanay ako ng lage syang galit at mawala ang takot ko sa kanya. Hindi ako takot sa tatay ko kase namamalo sya, takot ako na baka isang araw, wala na syang pakealam sakin. Ayokong mangyare yon.
Abnormal man ako sa paningin ng iba, sa tatay ko sakto lang. Makulit na anak minsan pasaway. Magkamuka daw kame kahit hindi masyado. Gusto lang namin magkamuka kame.
Naiinis ako nung umalis sya. Kase wala nang mangungulit sakin sa umaga, wala nang magbubuhat sakin pababa sa kama. Wala nang magluluto ng sinigang pag sunday.
Hindi ako marunong magluto. Tanga ko pag dating sa kusina. Pero may isa syang tinuro sakin. Magluto ng ginisang kangkong na may oyste sauce. Yun lang talaga ang masasabe kong "ulam" na kaya kong lutuin. Kahit anong turo ng nanay ko sakin na lutong matino, walang naiiwan sa utak ko. Ewan ko kung baket yung kangkong, naalala ko. Kahit minsan sobra sa alat yung luto ko, basta sa panlasa ng tatay ko, masarap na. Masaya na ko ng ganun.
Pareho kameng mahilig sa kape. Sya ang sisihin nyo kung baket ang pait ko magtimpla. Kase sabe nya sakin dati, ang kape, pag nilagyan mo ng asukal, arnibal na. Kaya natuto akong uminom ng kapeng walang asukal.
Proud akong maitim ang tatay ko. Kase pinapakita lang non kung gano sya kasipag na buhayin kame. Hindi yon babaero. Hindi din lasinggero. Isang bote lang beer, tulog na yun.
Kahit maitim ang tatay ko, hindi ko pinagdudahang anak ako ng iba. Kase maputi nanay ko. Hindi ako nagsisisi don. Kase ayokong umitim. Haha ewan ko.
Pasaway man akong anak, alam kong mahal ako ng tatay ko ;D

14.1.12

Litrato

Galing sa selpown ko lang
Galing sa kamera ko
Galing sa isa kong lumang phone.
May tatlong litrato. Isa panget ichura kase 2mp lang gamit ko. Yung isa, mejo matino. Hindi ko masabeng maganda. Ayokong magfeeling. 8mp gamit e. Yung isa pa, VGA lang. HAHA ano ba trip ko?

Bata pa lang ako, hilig ko na yan. Hindi ako fan ng pagpapakuha ng litrato. Mas gusto kong ako yung kumukuha. Nung nang beses akong nakakuha ng picture, de-film pa yung camera ng tita ko non. Masaya ko. Sobrang proud. Kelan ba yon? Elementary? Hindi ako sigurado. Basta alam ko, masaya ko nung nakita ko yung resulta.

Hanggang sa lumaki ako, natutong makialam ng settings ng camera, hanggang sa unang beses akong nakahawak ako ng DSLR. Masaya ko sa bawat litratong lumalabas. Kahit hindi maganda yung resolution, basta maganda yung ichura, yung subject, yung mga ganun? Ewan. Parang heaven yung feeling.

Nung nauso yung pag gamit ng DSLR sa mga bata, nainis ako. Parang angry birds. Epidemic. Mabilis kumalat. Maraming natuwa. Maganda resolution e. Astig pamporma. Sikat ka pag meron ka. Astig ka pag meron ka. Pag may DSLR ka, photography pangalan ng album mo sa facebook. Pag may DSLR ka, instant photographer ka.

Baket photography? Baket photographer? Baket sikat? Ewan ko. Pangarap ko yan. Kumuha lang ng kumuha ng litrato. Mga taong kalye, sasakyang makakasalubong mo sa EDSA, nagtitinda ng kwek kwek, palakang nasa putik, bulaklak na nabubulok, at kung ano ano pa. Ayoko ng litratong masyadong pang commercial. Ayoko ng high fashion. Gusto ko may kwento. Bawat subject, may gustong sabihin, may gustong iparating. Korni kun korni. Ayan ako e. Wala ka nang magagawa.

Meron akong album sa facebook. photographs yung title. Maiba lang. E puro naman kase photographs yung laman non. Litrato lang. Puro halaman. Ewan ko kung baket. Fascinated ako sa macro photography e. Gusto ko din ng landscape saka portrait. Pero ayoko ng mga nagpapacute sa pictures na kinukuha ko. Ang dame kong arte.

Hindi ako magaling kumuha ng litrato. Point and shoot lang ako. Focus focus din. Hindi ko kabisado ang settings ng DSLR. Hindi lang ako ang may ari ng camera na ginagamit ko. Wala akong sariling pera e. Pero pangarap ko yun. Sabe ko sa sarili ko, pag may matinong trabaho na ko, yung mejo malaking sahod, bibili ako ng sarili kong camera. Tapos kotse, para pag may free time, magroroad trip ako sabay kuha ng litrato. Saka na yung bahay. Ieenjoy ko muna buhay ko. Ayokong maging studio photographer. Ayokong nasa maliit na kwarto lang ako. Ayoko ng limitado imagination ko. Gusto ko maraming background. Pwedeng magexpariment. Kahit kwarenta na ko makahanap ng asawa, basta gusto kong mag gala, kumuha ng litrato. Kahit magisa okay lang. Kung gustong sumama ni papaw, pwede din. Bibili din ako ng aso. Labrador o kaya K9. Basta gusto ko malaking aso. Isasama ko sya sa gala ko. Sya lang ang sikat sa bawat litrato ko. Gusto kong makakita ng iba't ibang lugar, iba't ibang bagay. I want to see the world.

Malabo ng konti mata ko. Parang camerang sira ang focus. Minsan okay, minsan hindi. Kung mawawala man paningin ko, gusto kong makuhanan ng litrato lahat ng bagay na matapatan ng lente ng pinakamamahal kong camera. Tapos gagawin kong libro. Pero ayokong mabulag. Nagdrama lang ng konte. Nanunuod kase ko ng MMK e.

Marami akong plano sa bawat bakasyon na gagawin ko pag may trabaho na ko. Kahit magisa, basta may dalang camera, solb na ko. Paran pag nagka-anak o nagkapamilya na ko, pwede kong ipakita sa kanila yung mga kabulastugang pinag gagawa ko ng mga panahong wala pa sila sa buhay ko. Gusto ko yung mga apo ko, makikita nila lahat ng mga lugar na napuntahan ko. Tapos papangarapin nila na sana pareho kame. Hanggang sa apo ko sa talampakan pareho ng hilig ko. Kahit isa lang sa bawat generation. Masaya na ko nun. Ngingiti na ko sa langit. O sa impyerno. Basta kung san man ako itatapon ni San Pedro.

Masyado na kong naging madaldal. Tama na. Sana may napala ka. Wag mong kopyahin yung pangarap ko. Akin yan. Hindi ko nilagay lahat. Kase may mga taong, favorite ko kaya favorite na din nila. Tapos ang labas, ako yung gaya gaya >.< Uy may tinamaan. Blind item yan.

13.1.12

Iba't ibang klase ng tao.

Pang apat na palit ko na to. Ano ba talaga gusto kong sabihin? Sa dame ng napagusapan namin ng kaklase ko sa National Library, ang dame ko nang gustong iblog. Last na to pramis.

Nung dati, nagpost ako about sa iba't ibang uri ng babae. Ngayon naman, lahat na. kase may mga klase ng babae na meron din sa lalake. Basta yon. Eto naman e base lang sa nakikita ko. Wag kang umepal kung ayaw mo.

  1. MALDITA- Ayan ako. Aminado naman ako e. Wala kameng magagawa kung pinanganak kameng maldita. Natural na samin yon. Wag mo kameng pakelaman kase mang-aaway kame.
  2. PLASTIK- Marami nyan sa tindahan. May matibay, may madaling masira.
  3. GOMA- Uuuy napaisip kung baket goma. HAHA sila yung mga taong pag sinunog, mas mabaho pa sa mga plastik. Kilala din sa tawag na "Nasa loob ang kulo".
  4. PIPI- Hindi yan bastos. Sila yung mga ayaw magsalita. Walang pake sa mundo. Kahit magsuicide ka sa harap nyan dadalin ka lang sa ospital. As in dadalin ka lang. Iiwan ka don basta.
  5. MADALDAL- Dalawang klase yan. Isa may sense ang sinasabe. May matututunan ka. Yung isa, mababadtrip ka lang. Masarap plasteran ang bibig sa sobrang daldal ng walang kwenta. Minsan ganyan ako. Minsan hindi.
  6. MATALINO- Ayoko sa kanila. Hindi ko naiintindihan mga sinasabe nila. Ayoko. HAHAHA
  7. NAKATINGALA- Sila yung mga taong ang tingin sa sarili e tila kutong pwedeng tirisin ng kahit na sino. O kaya lamok na pwedeng hampasin pag nainis. Hindi nila naiintindihan na importante ang exsistence nila sa earth.
  8. NAKAYUKO- Sila ang mga taong ang tingin sa sarili ay Diyos. Sila ang batayan ng lahat ng bagay. Sila lang ang tama. Bawal silang magkamali. Magugunaw ang mundo. Sila lang ang bida. Sila ang sikat. Sila na! Tokwa!!!! Hindi ba obvious ang inis ko? HAHA Sila lang ang may karapatan sa lahat ng bagay. In short, they are the only exemption for every rule -_-
  9. FEELING CLOSE- Naiinis ako. Sila yung kala mo lahat ng tao e ka-close. Hindi uso sa kanila ang salitang acquaintance. Lahat best friend nila.
  10. KUNYARE SIKAT- Eto na namaaan. Janjararan. "Hey! Like my page. I saw myself on TV last night. Therefore, I'm a model". Ulerl pakyu ka! Kunyare lang sikat. Trip maging celebrity. Gagawa ng eksena para sumikat. Eto ka ..|..
  11. TOTOONG SIKAT- Effortless. Mahal ng tao. There's no drama needed. Sila na! Them already!
  12. MALANDER- Hindi kontento sa isang jowa. Kelangan tatlo. Kelangan tatlo ang kakamot pag makati. Minsan sabay sabay. Minsan nagooverlap. Minsan hindi na alam kung sino si baby at sino si honey.
  13. FEELINGERA- Maganda daw sila e. Kahit hindi naman. Feeling celeb minsan. Feeling maganda o gwapo minsan. Masaklap sa lahat, feeling perpekto.
  14. DEAD KID- Sinabe ko na to dati.
  15. HABULIN- Kahit takluban mo ng kumot, hinahabol ng chicks.
  16. HIPON- Kain katawan tapon ulo.
  17. OSAM- Uy napaisip. HAHA it's awesome. Kahit hindi gwapo o maganda. Basta maraming gusto syang makilala kase astig sya.
  18. JEJEMON- Hindi na bago to. Dhivba pfoewszxhc?
  19. ANGELITO AT NENE- Maagang sinuko ang bataan at maagang nagpaputok ng kanyon. Nagkamali ng tinamaan kaya nagkalaman.
  20. MANANG AT MANONG- Late nilang narealize na masaya palang maging abnormal. Madalas tayong tawaging immature at isip bata. Hindi nila alam, isip matanda sila.
  21. BADING- Hindi mo kelangang maging bakla para maging bading. Kame yung mas gustong maging third sex kahit hindi talaga kase mas masaya.
  22. PATWEETUMS- Ay nako. I dunno what it's like kase to be fucked. It has to be done after marriage daw. Ano ba yan? Baket kayo nanunuod ng porn? Oh my gosh! Kita ko ung cleavage nya. Baket sya ganyan? (After two years...) Mom, I'm pregnant TT_TT WHATEVER!
  23. CONYO- Rich kids. Mayaman. May iMac Macbook iPad iPhone iPod iCar iHouse iGirlfriend. Lahat na! You already!
  24. ADIK/LASINGGERA- Nagdadrugs at nagiinom syempre. HAHA
  25. SPORTY- Lageng may dalang sports bag kase kakatapos lang mag gym or maglaro ng kung anong klaseng laro man yan. HAHA
  26. COMPUTER ADDICT- Hindi inaalis ang mata sa computer. Either naglalaro ng online or offline games, social networking, or kung ano anong technical stuffs na kelangan ng computer. Yan ang forte nila. Sila na!
  27. TALENTADO- Hindi ako to. Wala kong talent e. HAHAHA
  28. MAYABANG- Ang sarap sungalngalin. Lahat meron daw sya. Yun pala sa panaginip lang. O kaya lahat ng meron binobroadcast. Muntanga.
  29. TANGA- Tanga sa pagibig, school, buhay. Kahit ano pa yan. Basta may katangahang taglay ka, tanga ka. Ikaw na yan e!
  30. ---- Iiwanan ko tong 30 para sa naiisip mong pwede pang isama sa listahan ko xP
Wala na kong maisip. Inaantok talaga ko. HAHA sa isang araw ulit. Sa phone ko na itatype para ready. Masakit na mata ko. Nahawakan ko habang kumakaen ng sili. Mahapdi. Bobo kase e.

9.1.12

Hindi ko alam kung pano ko magrereact -_-

<Insert poker face here>

Pano ba? Hindi ko kase alam. As in I have no idea. Ngingiti o iiyak? Tatawa na lang muna ko. Para kase kong tanga. Hindi naman ako nagsisisi. Pero kase masakit. Akala ko bato na ko. Tapang tapangan konti. Tigas muka kunyare. Hindi ko alam babagsak din pala ko. Wala naman akong mapagsabihan ng lahat. Dito na lang. Kahit walang pumansin okay lang. Kaya to. AJA!

O sige magkukwento ko ng konte. Pareho kame ng trip. Nagjoin force ng konte. Dikit lang. Hindi na kumapit. Ayaw e. Ay nako. Hindi ako magaling magkwento. Ayoko na. Masama lang loob ko. Kase kala ko yun na.

Makakahanap ka ng bagay na magtatagal, tapos mabibitawan mo sa jeep. BOOM! Nawala na yung parker ko. Shit! Wag yong parker pen ko. Utang na loob! Papatayin ako ng nanay ko ng sampung ulit. Pamanang malupit yon. 120 isang refill tapos mawawala. Sige, yung panyo na lang. Hindi halata pag nawala. Kaso halata e. Kabisado nya ata kung ilan ang panyo sa bahay.

May ikekwento ako. May nawala kase kong singsing. Mahalaga yun. Walang nakakaalam. Si bato lang. Sya nakapansin e. Nawala ko yun sa CR sa PUP. Tanga e. Hanggang ngayon walang nakakaalam kung nasan yon. Kunyare hindi na nageexist.

Tumutulo, teka. Ayaw tumigil. Pumutok kanina yung pigsa ko sa muka. Masakit. Sana yun na lang.

Sorry ah? Nagiging walang kwenta mga sinasabe ko sa blog ko pag problema kinekwento ko. After na ng book review ako ulit dadaldal. Eto na muna. Malabo na e. Kelangan ko lang maglabas ng sama ng loob.

Sana kasing dali ng pagtae ng may iniinom na pampatae ang paglabas ng problema.

ISMAAAAYL <ngiting aso>

3.1.12

Baka sakaling may mabait talaga kong side :D

Hindi ako nagyayabang no. Gusto ko lang isipin yung magagandang bagay na nagawa ko kahit may pagkatarantado talaga ugali ko. *Sorry sa mga kamaganak kong nagbabasa ng blog ko. Makikilala lang nyo ang tunay na ako*

Minsan kase nakakatakot din na palageng masama ang ugali. Hindi naman kase talaga ko ganun. Mas madalas pa din yung mabait ako kahit maldita.

Kanina sa LRT, pagupo ko sa tren. Syempre konti lang tao kase tanghali pasok ko. Dun ako umupo sa may malapit sa hagdan pagbaba ko ng pureza station. Sa tagal ko nang sumasakay ng tren, alam ko na kung san sumasakay ang mga gwapo at kung san banda malapit ang hagdan ng bawat station. Iba kase sa santolan e. Malayo yung lalake sakin. Isang pinto pa yung pagitan namin. Nakaupo ako, sya nakatayo. Tapos sa may kabilang pinto, may mga gwapong bedista. May katabi akong geek na singkit saka sa tabi nya, yung matabang bedista. Edi ayun nga. Napansin kong bukas yung bag nung lalakeng tinutukoy ko kanina. As in bukas. Bukas kung bukas. Kala mo naglabas ng laptop at nakalimutang isara. Pagdating sa katipunan, may mga pumasok. Pero hindi siksikan. Sakto lang. Naghihintay ako ng pwedeng paupuin kahit ang sakit sakit ng binti ko sa pagwowork out kunyare. De joke lang. Nagjump rope kase ko. Sumakit binti ko kaya ako umupo. Nagmasid masid akong konte. Walang pumapansin sa bag ni kuya. May katabe syang lalakeng long hair tapos tinitignan lang sya. Yung mga nasa likod nya, wapakels lang.

Anonas station, may pumasok ulit. Walang pumansin. Naiinis na ko. Bulag ba yung mga tao? Hindi ba nila nakikita na halos kita na ultimo yung ilalim ng bag ni kuya? Pagsara ng tren, nagisip na ko.

"Tatayo o hindi?" syempre sa isip ko lang. Ayokong magmukang tanga. Binalikan ko yung binabasa kong ebook. Dedma lang.

Pagka andar ng tren, hindi na ko nakatiis. Mauga ng konti yung tren pero wapakels. Si kuyang geek saka si fat bedista napatingin sakin. Siguro iniisip nila buwis buhay ang paglalakad ko sa gitna ng tren ng walang kinakapitang iba. Cellphone lang saka panyo. Paglapit ko kay kuyang bukas ang bag, huminga muna ako ng malalim. Sabay harap ng bigla sa kanya. "Bukas bag mo." sabay talikod. Hindi ko na alam kung nag-thank you pa ba sya o hindi na. Malakas sounds ng phone ko e. Wala na kong pake. Basta nagawa ko na yung pinuputok ng buchi ko mula nung umiwas ako ng tingin sa gwapong bedista.

Napatingin ulit ako sa inupuan ko, may umupong lalake. Hindi man lang pinaupo yung babae sa harap ko bago ko umalis. Napatingin ako sa mga katabe ko kanina. Nakatingin sila sakin. Siguro naisip nila, "parang tanga si ate. Iika ikang naglakad para tumayo". Oo iika ika pa ko. Ang sakit talaga ng maskels ko.

Pag dating sa cubao, bumaba si kuya. Hindi ko sya nakita ng maayos. Malabo mata ko sa malayo. Maraming sumakay, maraming bumaba. Kalmado lang.

Naiinis talaga ko sa mga taong abno. Hindi mo naman kelangan hintayin na magthank you sya sayo. Yun man lang sabihin mo yung tama, okay na. Hindi yung pinagmumuka mong tanga yung isa.

Nung minsan pa, natatawa ko. Tae. Eto na.

Nasa jeep ako. Saktuhan lang. Papasok sa school e. May katapat akong mag asawa. Si kuya tamang akbay sa asawa. Dedma. Napatingin ako sa pantalon ni kuya. Tinitigan ko lang. Nakabukas kase. Hindi ko alam kung pano sasabihin. Layo ng tingin. Baka sabihin binobosohan ko. Napatingin ako sa asawa. Ang sama ng tingin sakin. Ouch. Akala siguro bet kong landiin yung asawa nya. Sorry but he's not my type. Dedma. Naalala ko yung pakay ko. Tingin ulit kay kuya. Sabay sabe, "Kuya bukas zipper mo". Nagkatinginan sila. Nagtawanan. Pahiya onti si ate.

Yan ang mga favorite kong ginagawa pag may napapansin ako. Yan ang mga bagay na dapat mong pansinin. Hindi yung panget sa katabe mo.

Hindi lang yung zipper at bukas na bag ng mga tao ang pinapansin ko.

Pag may nakikita akong matanda, tinutulungan ko. Lalo na pag may buhat saka pag tatawid. Hindi ako plastic. Naaawa lang talaga ko.

Nung birthday ko last year, edi naglaboy kame ng best friends ko. Tatlo lang kame. Nagkita kita kame sa SM Manila. Binigyan kase ko ng tatay ko ng pera. Saktong pang laboy lang. Nung naglalakad ako sa overpass patawid sa santolan station, may babaeng bulag. Lage ko syang nakikita. Normal na sa paningin ko yung muka nya dun. Nakaupo sa sahig, may baso sa tabi. Bigla kong naisip, ano kaya ginagawa ng mga taga sindikato sa kanila pag wala silang nabibigay? Pano kung binubugbog sila? Pano pag may quota pala dapat sila sa isang araw. Dapat maka singkwenta sa isang upuan. Pag kulang, isang sapak. Shit! Balik balik. Paatras kong nilakad yung distansya namin. Muka na naman akong tanga. Tapos naglagay ako ng limang piso sa baso nya. Kahit papano, nakafeel ako ng konting relief sa ginawa ko. 45 na lang kulang sa baso nya. Lakad ulit. Mas magaan na pakiramdam ko. Pagbaba ng recto station, sakay jeep na lang papuntang City Hall. Bandang P.Faura, may lalakeng sumakay. Muka syang nanlulumo. May hawak na clear envelope. May picture ng bata. Anak daw nya. Pambili lang daw ng gamot kelangan nya. Wise man instinct: ayoko. Baka nang gu-good time lang. Pang drugs. Kaso hindi e. Pilay sya. Parang hindi pa nakakainom ng tubig mula nung lumabas ng ospital. Good samaritan instinct: binigyan ako ng tatay ko ng sobrang pera. Magsheshare akong konti. Birthday ko naman e. Nagbigay akong sampung piso.

Minsan sinasapian ako ng anghel. Ayokong pag namatay ako, pabalikin ako ni san pedro at ipagawa sakin yung ginawa nya kay Ana Manalastas. O kaya, makasalubong ko sa purgatoryo yung anak ni manong sa jeep. Tapos sabihin sakin, sampung piso na lang kulang sa pambili nya ng gamot. Pinagkait ko pa. Libo libo hawak kong pera, para sa sampung piso, may namatay pa. Ayoko. Erase, erase >_<

Baka isipin mo ang plastic ko talaga. Ang galing kong mamburaot sa school tapos bait baitan sa labas. Hindi ako nagiipon ng priviledge points para vip ako sa langit. Hindi uso palakasan kay San Pedro. Hindi din paramihan ng magandang ginawa. Nasa malinis na puso yun. 30% clear na yung puso ko. Para pag pumutok yung sasakyan kong bus mamaya, e pwede na din ako kahit tumambay lang sa gate ng langit. Wala pa naman akong napapatay o muntik nang mapatay. Siguro naman pwede din ako sa langit.

Kape kape ulit :) Sana kahit konte may natutunan ka sakin ngayong araw na to. Kahit nagkamali ka lang ng click kase abnormal yang mouse sa computer shop, pwede na din. At least nadiscover mo yung blog ko :)

Mga bagay na hindi mo na dapat pinapansin

Minsan nakakainis din yung react ng react. Hindi ba hayaan na lang. Wala din naman syang magagawa. Hindi talaga nakakatuwa yung sobrang daldal. May mga bagay kase sa mundo na pwedeng wag na lang pakelaman. Kagaya ng panget na katabe mo. Kung masabe mo ba sa kanyang ang panget panget nya, e may mababago? Wala naman e. Nilait mo lang sya. Lalo mo lang pinababa yung self esteem nya. Pinanganak na syang ganyan e. Pakelam mo ba. Pero kung trip nyong dalawang maglaitan, wala na kong magagawa. Pwede mo naman pansinin na lang yung ka-oily-han ng muka nya. O kaya yung kapal ng make up nya. Kase yung mga ganung bagay, pwede pa nyang mabago. Pwede mo din pansinin yung katabaan nya. Para naman kahit papano makapagpapayat sya.

Pero marami pang mga bagay na hindi mo na dapat pinapansin. Kagaya ng utot ng katabe mo sa jeep. Nilabas na nya e. Mababalik mo pa sa pwet nya? Hindi na pwede yun. O kaya yung tigyawat ng katabe mo. Binastos mo lang pagkatao nya. Hintayin mo na lang mawala. O kaya yung maarteng katabe mo. Hindi naman kayo close para pansinin mo sya. O kaya yung bopek na narinig mo sa kanto. Kung masabe mo ba sa kanyang bopek sya, e mababago nya yung boses nya? Hindi naman diba? O kaya yung sungki at sobra kong ngipin. Wala ka nang magagawa dyan. Swerte yan ayon sa feng shui. HAHAHA o kaya yung bulol kong R. Isa pa yan. Anak ng tokwa. Nagkakilala na tayong bulol ako sa R kaya wag kang bastos =_= Nakakainis kaya.

Pero minsan, pwede mo ding pansinin yung mga bagay na sa tingin mo e hindi na dapat pansinin. Ilagay mo lang sa tamang lugar. At wag mong iGM sa lugar na maraming tao. Wag tanga. Pag sinabe kong wag iGM, ibig sabihin, wag mong isigaw. Hay nako ang hirap kumausap sa hindi naman nagsasalita.

May mga bagay din na dapat lang pagusapan paminsan minsan. Uso yan sa pagibig. May problema pero ayaw pagusapan kase natatakot sa pwedeng mangyare. Minsan trip nyo lang na wag pagusapan. Pero pag ayaw talagang pagusapan, wag mo nang ipagsabe sa iba. Bastos ka pag ginawa mo yun.

Isa pa yang mga nagpapasali sa networking. Sorry bigla kaseng may nag PM sakin. Sinasali ako. E ayoko nga. Tatlo na silang angpapasali sakin. AYOKO. Unang una: Wala akong pera para magbayad. Pangalawa: Dalang dala na ko. Pangatlo: Kung sumali man ako, wala akong kakilalang interesado. May koneksyon ba to sa mga sinasabe ko? Wala. Halo halo na kase. Badtrip ako ngayon. Kelangan kong umalis ng bahay. Buti may pasok.

Wag ka na lang magreact. Yun kase yun. Kung badtrip ako at hindi mo trip ang ginagawa ko, wag mo kong pakelaman :D Hindi ako galit. Wala kong pinaparinggan. Alam kong mamaya may MGA magppm na naman sakin at tatanungin ako kung may pinapatamaan ako sa post ko.Pero wala. Trip ko lang. Kunyare may kaaway. HAHAHA osya andito na ate ko. Eepal na naman.

BYIEEEEE :D

Baket ka biglang mawawala?

Nakakainis talaga yung feeling na naghihintay ka sa wala. Nagmumuka ka nang tanga, ikaw pa yung mali. Hay nako. Pwede naman magsabe. Ang daming paraan. Ewan ko. Abnormal ata talaga mga tao sa mundo. Conservative ako kunyare. Hindi na lang ako magsasalita. Hindi naman ako naghahabol no. Basta kalmado lang :D

Eto na. Kahit papano may sense na yung sasabihin ko. Kung gusto mong mawala ng parang bula, sana nagwish ka sa genie. Hindi yung kala mo may super powers ka na gawing bula yang sarili saka mo puputukin. Matuto kang rumespeto. Kase hindi sa lahat ng oras, yung mga tao sa paligid mo, kaya kang intindihin. Nakakainis lang kase talaga. Wala naman akong ibang mapagsabihan. Dito na lang :D Pagbigyan nyo na ko. Hindi naman ako ganto kadrama sa totoong buhay e. Saktuhan lang.

Basta eto tandaan mo, lahat ng ginagawa mo ngayon, babalik sayo. Ako sakto lang. Kaya kong tanggapin kahit ano. Basta pag ayan binalikan ka, ay nako. Wag kang lalapit sakin ng luhaan. Kase tatawanan lang kita. De joke lang. Hindi naman ako tunay na tarantado para iwan ka sa ere. Papakinggan lang kita. Para naman hindi mo sabihin na gumaganti ako. Pasalamat kayo mabait ako. Hindi naman kase talaga dapat ako ganto. Ewan. Nagiba simoy ng hangin. Good girl na daw kunyare xP

2.1.12

Pasukan na mamaya

O hihingi ka na naman ng baon sa nanay mo? Jan ka naman magaling e. Kala mo naman nagaaral ka talaga. Minsan mahirap magpanggap na sa school ka talaga pumupunta. Minsan mahirap magpanggap na hindi ka inaantok pag mataray prof mo. Pero pinakamahirap na pagpapanggap, e yung nagpapanggap ka na natutunan mo yung pinagaaralan nyo. Kahit anong titig ang gawin mo sa black board, e wala talagang pumapasok sa utak mo. Tama na pagpapanggap. Sabihin mo na sa nanay mo na hindi mo talaga kaya. HAHAHA pumili ka ng course na hindi mo naman talaga gusto tapos ngayon iiyak ka sa bestfriend mo. Maglalasing ka sa kanto kase binagsak mo yung prelims (wala kame sa PUP non xP) mo at hindi mo alam kung pano sasabihin sa nanay mo. Mahirap yan dre! Kung ako sayo, dun ka sa harap ng nanay mo umiyak at sabihin mong titigil ka na. Sayang tuition. Akala ng nanay mo sa sa Far Eastern University ka nagenroll, yun pala sa Fire Exit ka lang nakatambay. Tapos minsan sasabihin mo may project, yung pala magcha-char ni boyfriend. Ay teh! Ingat ingat. Gamit gamit din ng proteksyon. Baka matapos nyo yang project mo 9months after. Hmmmmm. Wala kong pinaparinggan ah? Saktong kwento at paalala lamang to para sa mga studyanteng hindi naman talaga nagaaral. Bahala ka. Pagdating ng board exam, wala na yung nerd na katabi mo para pakopyahin ka ng quiz. Hindi ka na din tuturuan ng favorite professor mo. Ikaw na ang bahala sa sarili mo. Ciao friends. Dito na lang muna ang ending ng kadaldalan ko. Pasok pasok din :D