3.1.12

Baka sakaling may mabait talaga kong side :D

Hindi ako nagyayabang no. Gusto ko lang isipin yung magagandang bagay na nagawa ko kahit may pagkatarantado talaga ugali ko. *Sorry sa mga kamaganak kong nagbabasa ng blog ko. Makikilala lang nyo ang tunay na ako*

Minsan kase nakakatakot din na palageng masama ang ugali. Hindi naman kase talaga ko ganun. Mas madalas pa din yung mabait ako kahit maldita.

Kanina sa LRT, pagupo ko sa tren. Syempre konti lang tao kase tanghali pasok ko. Dun ako umupo sa may malapit sa hagdan pagbaba ko ng pureza station. Sa tagal ko nang sumasakay ng tren, alam ko na kung san sumasakay ang mga gwapo at kung san banda malapit ang hagdan ng bawat station. Iba kase sa santolan e. Malayo yung lalake sakin. Isang pinto pa yung pagitan namin. Nakaupo ako, sya nakatayo. Tapos sa may kabilang pinto, may mga gwapong bedista. May katabi akong geek na singkit saka sa tabi nya, yung matabang bedista. Edi ayun nga. Napansin kong bukas yung bag nung lalakeng tinutukoy ko kanina. As in bukas. Bukas kung bukas. Kala mo naglabas ng laptop at nakalimutang isara. Pagdating sa katipunan, may mga pumasok. Pero hindi siksikan. Sakto lang. Naghihintay ako ng pwedeng paupuin kahit ang sakit sakit ng binti ko sa pagwowork out kunyare. De joke lang. Nagjump rope kase ko. Sumakit binti ko kaya ako umupo. Nagmasid masid akong konte. Walang pumapansin sa bag ni kuya. May katabe syang lalakeng long hair tapos tinitignan lang sya. Yung mga nasa likod nya, wapakels lang.

Anonas station, may pumasok ulit. Walang pumansin. Naiinis na ko. Bulag ba yung mga tao? Hindi ba nila nakikita na halos kita na ultimo yung ilalim ng bag ni kuya? Pagsara ng tren, nagisip na ko.

"Tatayo o hindi?" syempre sa isip ko lang. Ayokong magmukang tanga. Binalikan ko yung binabasa kong ebook. Dedma lang.

Pagka andar ng tren, hindi na ko nakatiis. Mauga ng konti yung tren pero wapakels. Si kuyang geek saka si fat bedista napatingin sakin. Siguro iniisip nila buwis buhay ang paglalakad ko sa gitna ng tren ng walang kinakapitang iba. Cellphone lang saka panyo. Paglapit ko kay kuyang bukas ang bag, huminga muna ako ng malalim. Sabay harap ng bigla sa kanya. "Bukas bag mo." sabay talikod. Hindi ko na alam kung nag-thank you pa ba sya o hindi na. Malakas sounds ng phone ko e. Wala na kong pake. Basta nagawa ko na yung pinuputok ng buchi ko mula nung umiwas ako ng tingin sa gwapong bedista.

Napatingin ulit ako sa inupuan ko, may umupong lalake. Hindi man lang pinaupo yung babae sa harap ko bago ko umalis. Napatingin ako sa mga katabe ko kanina. Nakatingin sila sakin. Siguro naisip nila, "parang tanga si ate. Iika ikang naglakad para tumayo". Oo iika ika pa ko. Ang sakit talaga ng maskels ko.

Pag dating sa cubao, bumaba si kuya. Hindi ko sya nakita ng maayos. Malabo mata ko sa malayo. Maraming sumakay, maraming bumaba. Kalmado lang.

Naiinis talaga ko sa mga taong abno. Hindi mo naman kelangan hintayin na magthank you sya sayo. Yun man lang sabihin mo yung tama, okay na. Hindi yung pinagmumuka mong tanga yung isa.

Nung minsan pa, natatawa ko. Tae. Eto na.

Nasa jeep ako. Saktuhan lang. Papasok sa school e. May katapat akong mag asawa. Si kuya tamang akbay sa asawa. Dedma. Napatingin ako sa pantalon ni kuya. Tinitigan ko lang. Nakabukas kase. Hindi ko alam kung pano sasabihin. Layo ng tingin. Baka sabihin binobosohan ko. Napatingin ako sa asawa. Ang sama ng tingin sakin. Ouch. Akala siguro bet kong landiin yung asawa nya. Sorry but he's not my type. Dedma. Naalala ko yung pakay ko. Tingin ulit kay kuya. Sabay sabe, "Kuya bukas zipper mo". Nagkatinginan sila. Nagtawanan. Pahiya onti si ate.

Yan ang mga favorite kong ginagawa pag may napapansin ako. Yan ang mga bagay na dapat mong pansinin. Hindi yung panget sa katabe mo.

Hindi lang yung zipper at bukas na bag ng mga tao ang pinapansin ko.

Pag may nakikita akong matanda, tinutulungan ko. Lalo na pag may buhat saka pag tatawid. Hindi ako plastic. Naaawa lang talaga ko.

Nung birthday ko last year, edi naglaboy kame ng best friends ko. Tatlo lang kame. Nagkita kita kame sa SM Manila. Binigyan kase ko ng tatay ko ng pera. Saktong pang laboy lang. Nung naglalakad ako sa overpass patawid sa santolan station, may babaeng bulag. Lage ko syang nakikita. Normal na sa paningin ko yung muka nya dun. Nakaupo sa sahig, may baso sa tabi. Bigla kong naisip, ano kaya ginagawa ng mga taga sindikato sa kanila pag wala silang nabibigay? Pano kung binubugbog sila? Pano pag may quota pala dapat sila sa isang araw. Dapat maka singkwenta sa isang upuan. Pag kulang, isang sapak. Shit! Balik balik. Paatras kong nilakad yung distansya namin. Muka na naman akong tanga. Tapos naglagay ako ng limang piso sa baso nya. Kahit papano, nakafeel ako ng konting relief sa ginawa ko. 45 na lang kulang sa baso nya. Lakad ulit. Mas magaan na pakiramdam ko. Pagbaba ng recto station, sakay jeep na lang papuntang City Hall. Bandang P.Faura, may lalakeng sumakay. Muka syang nanlulumo. May hawak na clear envelope. May picture ng bata. Anak daw nya. Pambili lang daw ng gamot kelangan nya. Wise man instinct: ayoko. Baka nang gu-good time lang. Pang drugs. Kaso hindi e. Pilay sya. Parang hindi pa nakakainom ng tubig mula nung lumabas ng ospital. Good samaritan instinct: binigyan ako ng tatay ko ng sobrang pera. Magsheshare akong konti. Birthday ko naman e. Nagbigay akong sampung piso.

Minsan sinasapian ako ng anghel. Ayokong pag namatay ako, pabalikin ako ni san pedro at ipagawa sakin yung ginawa nya kay Ana Manalastas. O kaya, makasalubong ko sa purgatoryo yung anak ni manong sa jeep. Tapos sabihin sakin, sampung piso na lang kulang sa pambili nya ng gamot. Pinagkait ko pa. Libo libo hawak kong pera, para sa sampung piso, may namatay pa. Ayoko. Erase, erase >_<

Baka isipin mo ang plastic ko talaga. Ang galing kong mamburaot sa school tapos bait baitan sa labas. Hindi ako nagiipon ng priviledge points para vip ako sa langit. Hindi uso palakasan kay San Pedro. Hindi din paramihan ng magandang ginawa. Nasa malinis na puso yun. 30% clear na yung puso ko. Para pag pumutok yung sasakyan kong bus mamaya, e pwede na din ako kahit tumambay lang sa gate ng langit. Wala pa naman akong napapatay o muntik nang mapatay. Siguro naman pwede din ako sa langit.

Kape kape ulit :) Sana kahit konte may natutunan ka sakin ngayong araw na to. Kahit nagkamali ka lang ng click kase abnormal yang mouse sa computer shop, pwede na din. At least nadiscover mo yung blog ko :)

No comments:

Post a Comment