22.1.12

Kasal kasalan tayo :D

San ba nagsisimula ang lahat? Sa unang halik? Unang salitang lumabas sa labi ng bawat isa? Hindi. Sa araw na hindi mo inaasahan na sya na-- yung araw na una mong nakita ang mga mata nya. Yung unang araw na nabighani ka sa ganda nya, sa gaan ng pakiramdam mo pag kasama mo sya. Yung ibang heartbeat pag paparating ka na. Yan ang tinatawag na Love at first sight. Masarap sa pakiramdam. May iba naman, nagsisimula sa pagiging aso't pusa ang drama. Away bati habang hindi pa sila. Tapos may isang aamin. Keme keme. Ang dameng echos.

Tapos magiging magjowa. Sweet-sweet-an sa simula, pag tumagal ng konte, nagiging mejo malamig, magaaway, break/ cool off, marerealize ng isa na hindi kaya ang wala ang isa, magbabalikan, after ilang taon/ bwan, magpapakasal. TEN TEN TENEN... TEN TEN TENEN... *sabog confetti!* Kasal kasalan, tapos reception, may magtatalo kung baket kulang ng isang carrot yung handa. May batang iiyak kase ninang ng kasal si mommy. May maiinis na nanay kase ang amos ni baby. Maraming aberya, pero ang ending, honeymoon. Pagdating sa honeymoon, sweet-sweet-an, chukchakan, gawa baby. Pagkapanganak kay baby, pipicturan, maraming arte. Syempre may bahay na, pwedeng nabili, niregalo pag mayaman asawa mo, o kaya inuupahan. Tapos magtatrabaho si mister, uuwi ng late, magagalit si misis, mag-aaway, magsasapakan, hiwalayan. Sira ang pamilya.

Hindi naman sa pagiging negative, pero madalas nangyayare yan. Pero hindi sa pamilya namin, Paulit ulit kong sasabihin na iba ang tatay ko, mabaet yun. Kaya nakakatakot na mag-asawa ngayon. Sa dami ng palabas na napapanuod ko na ganyan ang nangyayare, ay di bale na muna. Ayoko muna. Okay na ko ng singol ako. Pero may mga masaya naman ang kinakalabasan. Depende sa ugali.

May ibang sitwasyon naman, mabubuntis ng maaga yung babae, mapipilitang magsama o kaya magpakasal. Tapos pag nagsasama na, magiiba na ugali. Si lalake, nagbubuhay binata pa din, syempre dadaldal si babae. Mag-aaway. Sasabihin ng lalake, nasasakal na sya, nagiiba na si jowa. Maghahanap ng iba, iiwas si asawa. May bagong jowa, aawayin ng ex, sasabihan ng kung ano anong masasakit na salita. Kesyo nakakasira daw ng pamilya, ek ek ek ek. Tapos maiinis iiwan ng bagong jowa, mawawala ang issue. Makakamove on si ex wife. Si lalake maghahanap na ulit ng bago. Balik sa pagiging buhay binata. Nakabuntis ng isa pa, pipiliting pakasalan, nakalimutan kung sino mga ninang ng unang panganay, may ibang mauulit sa pangalawang panganay. Sira buhay ng parehong tao.

Tapos may isa pa. Masayang pamilya. May mga anak. Enjoy lang, kalmado lang. Tapos iisipin ng mag-asawa ang future ng mga bata, mag-aabroad si lalake. Nasanay na sa life apart. Makakahanap ng bago, hiwalay. Hati na sustento sa pamilya kase may bago na. Buhay binatang may jowa ulit. Si babae, maghahanap din ng bago. Tapos ang sama na ng tingin sa kanya kase dalawa na inasawa. Yung mga bata, magkakatrust issues kase broken family na. Yung isang anak, magrerebelde, mabubuntis *repeat reading the last paragraph*

Malabo mangyare samin yan. Good boy si papa. Ako ang bunso. Bawal madagdagan. *selfish ako sorry ka*

Minsan naman, mag-aasawa. Tapos hindi gusto ng pamilya ng isa ang asawa. May ibang lalayo sa pamilya at uunahin ang asawa kase mas importante ang bagong henerasyon, may iba naman, loyal sa pamilya. Kahit masaktan ang asawa, wag lang mga kamag anak nya, keri boom boom lang. Ikakatwiran, pinakasalan kita, mahalin mo sila, tanggapin mo.

Maraming sitwasyon kung pano mo bubuuin yung pangarap mong pamilya. Diskarte mo kung san at pano mo huhubugin ang mga magiging anak mo. Depende sayo kung magtitino ka at makokontento sa kung anong meron ka. May mga panahong dadating ang problema, nasa sayo yun kung bibitaw ka o lalo mong hihigpitan ang hawak mo sa pamilya mo.

Walang perpektong tao. Wala ding perpektong pamilya. May nagmamahalan, may nanlalamig. Kung anong klaseng pamilya man ang meron ka, tanggapin mo. Kung hindi maganda ang kinalakihan mo, wag kang magrebelde. Sikapin mong balang araw, masasabi mo sa sarili mong kaya mong baguhin ang nakasanayan mo. Pwede kang bumuo ng mas maayos na pamilya, o sumira ng iba. Bahala ka, karma mo yan.

Basta ako, takot ako sa pwedeng mangyare sa mga susunod na kabanata ng buhay ko. Hihintayin ko na lang kung sino ang para sakin. Ayoko magmadali. Kung may dadating para iwanan ako, sige lang. Tatanggapin kita ng buong buo. Kung pinanganak ka para sirain at durugin ang puso ko, bahala ka. Kapalaran mo yan. Hindi kita pipigilan hindi kita gagantihan, bahala na si bathala. Kung may dadating man na taong papainitin ang malamig kong puso, *Tokwa!* painitin mo. Hindi din kita pipigilan. Tatanggapin ko ng buong puso kung ano man ang ibigay Nya sakin. Magrereklamo ako ng konte kung hindi maganda. Pero wala na kong magagawa.

Ayokong gawin sa iba yung mga bagay na kinakatakutan kong dumating sakin. Takot ako sa karma. Takot akong baka ako yung masira ng tuluyan. Minsan ko nang nagawa, hindi ko na uulitin. Maulit man ang pagkakkamali, sisiguraduhin kong hindi "Kase mahal ko sya" ang dahilan.

Naniniwala ako sa love. Ayoko lang na dun lang iikot ang mundo ko. Hindi ako mapapakaen ng pagmamahal ng mapapangasawa ko. Mapapakaen ako ng sipag at tyaga ng taong mahal ako. Magkaibang bagay yan. Hindi ko sinabing okay lang sakin ang may kaya pero hindi ko mahal. Kelangan balanse ang buhay, may masaya, may malungkot. Hindi pwedeng lahat nasayo.

Kung ano man ang mangyayare sayo bukas, hindi na yon dahil sa nagblog ako. Hindi ako si Zenaida Seva para sabihin kung suswertehin ka mamaya o madadapa ka. Kung anong ginawa mo noon, babalikan ka ngayon. Magingat ka, mahirap na.

Malabo man akong kausap pagdating sa blog ko, sigurado naman akong may natutunan ka at napangiti ko ang taong nagbabasa nito :D

No comments:

Post a Comment