19.1.12

Kase mahal ko ang tatay ko :D

Mabaet ang tatay ko. Mapagmahal. Kahit minsan naiinis sya sa mga ginagawa kong kalokohan, hindi nya ko iniiwan. Mahal ko sya. Bukod sa kanya, wala nang iba.
Ibang klase magmahal ang tatay ko. Lage syang nangungulit, mula pag gising ko sa umaga, hanggang sa pagtulog nya. Kaso ngayon, hindi na masyado kase nasa Saudi na sya. Namimiss ko na sya ng sobra.
Naalala ko dati nung bata pa ko, palage nya kong pinapagalitan pag mali yung ginagawa ko. Pero hindi masyado. Kase ayaw nyang masanay ako ng lage syang galit at mawala ang takot ko sa kanya. Hindi ako takot sa tatay ko kase namamalo sya, takot ako na baka isang araw, wala na syang pakealam sakin. Ayokong mangyare yon.
Abnormal man ako sa paningin ng iba, sa tatay ko sakto lang. Makulit na anak minsan pasaway. Magkamuka daw kame kahit hindi masyado. Gusto lang namin magkamuka kame.
Naiinis ako nung umalis sya. Kase wala nang mangungulit sakin sa umaga, wala nang magbubuhat sakin pababa sa kama. Wala nang magluluto ng sinigang pag sunday.
Hindi ako marunong magluto. Tanga ko pag dating sa kusina. Pero may isa syang tinuro sakin. Magluto ng ginisang kangkong na may oyste sauce. Yun lang talaga ang masasabe kong "ulam" na kaya kong lutuin. Kahit anong turo ng nanay ko sakin na lutong matino, walang naiiwan sa utak ko. Ewan ko kung baket yung kangkong, naalala ko. Kahit minsan sobra sa alat yung luto ko, basta sa panlasa ng tatay ko, masarap na. Masaya na ko ng ganun.
Pareho kameng mahilig sa kape. Sya ang sisihin nyo kung baket ang pait ko magtimpla. Kase sabe nya sakin dati, ang kape, pag nilagyan mo ng asukal, arnibal na. Kaya natuto akong uminom ng kapeng walang asukal.
Proud akong maitim ang tatay ko. Kase pinapakita lang non kung gano sya kasipag na buhayin kame. Hindi yon babaero. Hindi din lasinggero. Isang bote lang beer, tulog na yun.
Kahit maitim ang tatay ko, hindi ko pinagdudahang anak ako ng iba. Kase maputi nanay ko. Hindi ako nagsisisi don. Kase ayokong umitim. Haha ewan ko.
Pasaway man akong anak, alam kong mahal ako ng tatay ko ;D

No comments:

Post a Comment