14.1.12

Litrato

Galing sa selpown ko lang
Galing sa kamera ko
Galing sa isa kong lumang phone.
May tatlong litrato. Isa panget ichura kase 2mp lang gamit ko. Yung isa, mejo matino. Hindi ko masabeng maganda. Ayokong magfeeling. 8mp gamit e. Yung isa pa, VGA lang. HAHA ano ba trip ko?

Bata pa lang ako, hilig ko na yan. Hindi ako fan ng pagpapakuha ng litrato. Mas gusto kong ako yung kumukuha. Nung nang beses akong nakakuha ng picture, de-film pa yung camera ng tita ko non. Masaya ko. Sobrang proud. Kelan ba yon? Elementary? Hindi ako sigurado. Basta alam ko, masaya ko nung nakita ko yung resulta.

Hanggang sa lumaki ako, natutong makialam ng settings ng camera, hanggang sa unang beses akong nakahawak ako ng DSLR. Masaya ko sa bawat litratong lumalabas. Kahit hindi maganda yung resolution, basta maganda yung ichura, yung subject, yung mga ganun? Ewan. Parang heaven yung feeling.

Nung nauso yung pag gamit ng DSLR sa mga bata, nainis ako. Parang angry birds. Epidemic. Mabilis kumalat. Maraming natuwa. Maganda resolution e. Astig pamporma. Sikat ka pag meron ka. Astig ka pag meron ka. Pag may DSLR ka, photography pangalan ng album mo sa facebook. Pag may DSLR ka, instant photographer ka.

Baket photography? Baket photographer? Baket sikat? Ewan ko. Pangarap ko yan. Kumuha lang ng kumuha ng litrato. Mga taong kalye, sasakyang makakasalubong mo sa EDSA, nagtitinda ng kwek kwek, palakang nasa putik, bulaklak na nabubulok, at kung ano ano pa. Ayoko ng litratong masyadong pang commercial. Ayoko ng high fashion. Gusto ko may kwento. Bawat subject, may gustong sabihin, may gustong iparating. Korni kun korni. Ayan ako e. Wala ka nang magagawa.

Meron akong album sa facebook. photographs yung title. Maiba lang. E puro naman kase photographs yung laman non. Litrato lang. Puro halaman. Ewan ko kung baket. Fascinated ako sa macro photography e. Gusto ko din ng landscape saka portrait. Pero ayoko ng mga nagpapacute sa pictures na kinukuha ko. Ang dame kong arte.

Hindi ako magaling kumuha ng litrato. Point and shoot lang ako. Focus focus din. Hindi ko kabisado ang settings ng DSLR. Hindi lang ako ang may ari ng camera na ginagamit ko. Wala akong sariling pera e. Pero pangarap ko yun. Sabe ko sa sarili ko, pag may matinong trabaho na ko, yung mejo malaking sahod, bibili ako ng sarili kong camera. Tapos kotse, para pag may free time, magroroad trip ako sabay kuha ng litrato. Saka na yung bahay. Ieenjoy ko muna buhay ko. Ayokong maging studio photographer. Ayokong nasa maliit na kwarto lang ako. Ayoko ng limitado imagination ko. Gusto ko maraming background. Pwedeng magexpariment. Kahit kwarenta na ko makahanap ng asawa, basta gusto kong mag gala, kumuha ng litrato. Kahit magisa okay lang. Kung gustong sumama ni papaw, pwede din. Bibili din ako ng aso. Labrador o kaya K9. Basta gusto ko malaking aso. Isasama ko sya sa gala ko. Sya lang ang sikat sa bawat litrato ko. Gusto kong makakita ng iba't ibang lugar, iba't ibang bagay. I want to see the world.

Malabo ng konti mata ko. Parang camerang sira ang focus. Minsan okay, minsan hindi. Kung mawawala man paningin ko, gusto kong makuhanan ng litrato lahat ng bagay na matapatan ng lente ng pinakamamahal kong camera. Tapos gagawin kong libro. Pero ayokong mabulag. Nagdrama lang ng konte. Nanunuod kase ko ng MMK e.

Marami akong plano sa bawat bakasyon na gagawin ko pag may trabaho na ko. Kahit magisa, basta may dalang camera, solb na ko. Paran pag nagka-anak o nagkapamilya na ko, pwede kong ipakita sa kanila yung mga kabulastugang pinag gagawa ko ng mga panahong wala pa sila sa buhay ko. Gusto ko yung mga apo ko, makikita nila lahat ng mga lugar na napuntahan ko. Tapos papangarapin nila na sana pareho kame. Hanggang sa apo ko sa talampakan pareho ng hilig ko. Kahit isa lang sa bawat generation. Masaya na ko nun. Ngingiti na ko sa langit. O sa impyerno. Basta kung san man ako itatapon ni San Pedro.

Masyado na kong naging madaldal. Tama na. Sana may napala ka. Wag mong kopyahin yung pangarap ko. Akin yan. Hindi ko nilagay lahat. Kase may mga taong, favorite ko kaya favorite na din nila. Tapos ang labas, ako yung gaya gaya >.< Uy may tinamaan. Blind item yan.

No comments:

Post a Comment