21.1.12

Single

Ayan ang tawag sa mga taong walang ka-relasyon. Madami nyan ngayon. Madami kase kong napapansing nagbebreak before and after new year. Ewan ko kung baket. Siguro kase nagpasko, lumamig, nanlamig din yung feelings. Ay pukyina! Ako ba to? HAHA hindi. Ayoko muna ng issue sa buhay ko. Bagong taon na, tama na. Punong puno na nyan ang 2011 ko.

O sige, balik sa pagiging single. Baket ba may mga taong single? Syempre wala silang jowa! Alangan naman single sila e tatlo ang jowa? Bober. Pero madaming dahilan ang mga tao kung baket sila single. Isa-isahin natin :D

  1. Masyadong strict ang parents- HAHA syempre jan ako. Bawal pa hanggang hindi nakakagraduate. Yung iba, may age limit. Pag gantong keme ka na, magjowa ka na. Mga ganun? Kung anek anek. Okay din, kaso minsan, pag pinaghihigpitan, nagpupumiglas.
  2. Busy ako- Mga taong walang panahon sa pagiisip ng buhay pagibig nila. Madalas, sila yung mga taong kayod kabayo para buhayin ang mga kapatid dahil ang parents e tamad pa sa pagong o kaya naman, mahirap lang talaga buhay. Minsan din, sa sobrang sipag ng magulang, e ang dami nila. Bunton ke ate o ke kuya ang lahat ng trabaho. Nakalimutan ang puso.
  3. Playing safe- Takot magmahal kaya wag na lang. O kaya nadala na sa past relationships kaya wag na lang. Takot na baka makasakit lang sya at makarma. O sige wag na lang magjowa. Masaya naman kasama friends e.
  4. My friends are better to hangout with- E pano pag puro nagsijowa na ang friends mo? Isa isa na silang mawawala at ikaw na lang ang maiiwan sa single community. Bahala ka sa buhay mo. Hindi pa ata nararanasan magmahal, at buong buhay tropa lang ang kasama. Ewan ko sayo.
  5. Ayaw ng commitment- Ha! Masyadong malandi yan for sure. Puro fling, one night stand, two nights stand, tapos wala na. MU-MU lang. Pag tinanong mo kung ano na estado ng relasyon, lageng sagot friends lang kame. Nagsasawa na ko jan. Dun na lang ako sa 1,2,&3 >:))
  6. Player- Enjoy sya sa pakikipaglaro sa mga babae/ lalakeng game din sa laro. Walang balak magseryoso. Bahala ka, makarma ka sana. HAHA madalas malabong kausap.
  7. Shonget- Sila yung mga taong hindi mo matitiis... hindi mo matitiis na tignan ng sobrang tagal. STOOOOP! Tama na. Nagiging bad na ko.
  8. Last but not the least, Mga madre at pari- Alangan naman magjowaan sila diba? Syempre hindi pde.
Hindi ko alam kung anong klase pa ng single ang naiisip mo. Basta ko, bawal magboyfriend, ayaw masaktan, at busy sa thesis. Hindi na ko naga-accept ng manliligaw requests. Panget na ko ngayon, mataba, hindi nakakatuwa ang ichura ko. Tigilan nyo ko.

2 comments:

  1. haha mabuting sundin ang magulang. tama yan :D

    ReplyDelete