29.2.12

Trending

Hindi lang sa twitter may trending. Pati sa mga bagay na makikita mo sa paligid mo. Hindi mo alam kung ano ibig kong sabihin? Basahin mo na lang.

Hindi naman sa madamot ako sa mga bagay na naririnig at nakikita ko. Minsan kase nakakabadtrip na yung tipong ultimo sa pangangampanya e makikita/ maririnig mo yung mga bagay na dati konte lang kayong may alam. O ano? Nagkaka-idea ka na sa sinasabe ko? Eto kase yun.

Naalala ko nung dating dati pa. Fan kase kapatid ko ng mga singkit na alien a.k.a "asians". Sorry po. Alien tawag ko sa kanila kase di ko maintindihan sinasabe nila. Wala kong inaaway. Basta yun yun. Pucha mukang madameng magrereact ah? O balik ulit. Edi ayun nga. Lage kong naririnig sa kanya yung "Nobody" ng SNSD. Tapos sakto lang. Napapasayaw ka. Tapos after ilang months ata yun, ginawan ng video ng mga preso sa cebu? Cebu ba yon? O basta edi don! Tapos hanggang sa tindahan ng yosi, kampanya ni mayor, ads sa kung sansan, e Nobody na ang tugtog. Diba nakakainis? Okay na sana e. Kaso pati sila mayor, congressman, brgy tanod, nakiki-nobody na. May napanuod akong vid sa korea ng about sa reaction nila sa pag-gamit ng Pilipinas sa Nobody as their campaign song. Hindi nakakatuwa yung reaction nila. Naiinis ako. Minsan sa buhay ko, nahiya ako kase Pilipino ako.
++++
Change topic. Kung naka-iphone ka, naalala mo pa ba yung mga panahon na ang angry birds ay app pa lang? Tapos sumikat, ultimo sa tsinelas ng barker sa teresa, e angry birds ang tatak. Okay lang sana yung mga laruan e. Kaso pati ballpen, panty, brief, medyas, pucha angry birds pa din? Nakakarindi. Dati maku-cute-an ka pa sa kanila, tapos pag sumikat/ naging trending/ ultimo batang himuhithit ng solvent, e naka-angry birds, hindi ka na matutuwa. Hindi sa madamot ako. Masyado kaseng nakaka-suffocate ang mga bagay sa pinas pag sumikat. Nagiging-oa. Mukang tanga.
++++
E eto, naalala mo pa ba nung nagta-tumblr ka pa. Na don mo lang makikita ang makakapal na baller at mustache rings? Tapos hindi mo alam kung sinong hayop ang nagkalat non sa mga bangketa at saka sya sumikat sa kung sansan? Ni hindi nga nila alam kung bat mustache, na-cute-an lang sila, ayan na naman. Dinaig pa ang tsunami sa bilis ng pagkalat. Parang epidemia.
+++
Pasensya sa mga taong "favorite" daw ang superman. Hindi ko maintindihan kung baket ngayon lang. E bata pa ko, may superman na. Na tipong suot mo ang 1000 peso-worth superman shirt mo, e lumingon ka lang sa kanan, makikita mo ang isang takatat boy, nakasuperman shirt din. Lumingon ka sa kanan kase maybbatang kumalabit sayo at nanghihingi ng piso, e nakasuperman shirt din. Gusto mo na tuloy itapon yung Tshirt mo. Biktima ko nyan. Nagustuhan ko lang si superman dahil sa lalake tapos ayun na. Kumalat na syang parang epidemia. Yung iba pa, gagawin, ibang superhero isusuot. Ganon din yon! Kasama ka na din sa superhero fever.
(May naisip akong bago pero di ko dito ilalagay, baka unahan mo pa kong gawin yon)
+++
Ano pa ba yung mga bagay na nagtrend? Ayoko nang gumawa ng listahan. Hahaba. Hahaha mainis ka na kung maiinis ka. Hindi ko alam kung baket pa ba ko nagsusulat. Wala naman akong talent e.
++
+
Osya, spread the love not your legs!
xoxo
B

23.2.12

Dreamboy :P


Minsan, naiisip ko, sino kaya mapapangasawa ko? Ano kaya ginagawa nya ngayon? Naiisip nya kaya na yung mga katangian ko yung gusto nya talagang mapangasawa? Mga ganung bagay. Sino kaya sya? Pilipino kaya? Kakilala ko na kaya sya? O bukas pa kame magkikita?

Lage ko kaseng iniimagine. Gusto kong mapangasawa, mabaet syempre. Ayoko ng lasinggero. Ayoko ng nangbubugbog. Tapos gusto ko half spanish, quarter filipino, quarter japanese. Ang gwapo nun siguro? Haha ewan ko. Basta ganun gusto ko. Pero kung hindi, okay lang din. Wag lang yung tipong pag hinarap ko sa tatay ko e magugulat sya. Yung tipong gulantang talaga. Ayoko nun. Di ko kelangan ng gwapo. Basta maayos. Mukang mabango. Malinis sa katawan. Walang putok. Walang tartar. Maputi yung ngipin. Ayoko ng kala mo kakatapos lang kumaen ng piatos na cheese. Basta maayos. Ayoko naman nung tipong pag katabe ko, e muka pang mas maganda sakin. Ayoko nun. Ayoko ng sobrang puti. Fair skinned lang. O kaya moreno :3 ayoko ng negro. Pero crush ko si Usher saka si Neyo. Gusto ko yung lalakeng hindi aware na gwapo sya. Yung humble. Pero may ipagmamalaki. Ayoko ng sobrang talino. Badtrip yun. Gusto ko pareho kame ng trip. O kaya, kayang sabayan yung trip ko. Ayoko ng masyadong mature. Ayoko din ng immature. Yung kahit papano naman e gumagana yung imagination. Tapos sabay kameng mantitrip. Tapos sweet ng konti. Pero ayoko ng cheesy. Gusto ko yung tipong kahit hindi sya dumikit ng kala mo linta, e sweet pa din kameng tignan. Pero ayoko talaga ng cheesy. Eww -___- Tapos dapat may sarili akong pera. Dapat pag magpapakasal na kame, yung hindi lang sya yung may pera. Dapat ako din. Ayoko ng papatigilin nya ko sa bahay. Kadiri. Boring pag sa bahay lang. O kaya yung trabaho ko, sa bahay lang. Pero ayoko maging housewife. Taga laba? Huh, nevermind.

Ano ba yung ideal husband? Kase iba trip ko e. May mga babaeng gusto mayaman yung mapapangasawa, tapos sya buhay prinsesa. Yung iba naman gusto yung mas matalino sya. Yung iba martir.

Naalala ko tuloy tita ko. Deads na silang mag-asawa. Anyway, ayun. Matanda na tita ko nung nag-asawa sya. E panganay yun. Tapos ang gusto nya, ang asawa nya, yung ikokontrol yung buhay nya. Tapos ayun. Napangasawa nya, sobrang kontrolado buhay nya. Tipong ultimo lola ko di makapasok sya bahay nya. Ganun ka-bossy tito ko. Half spanish sya. Tito sya ni Carmina Villaroel. Pero pang huling asawa na yung tita ko. Pero wala silang naging anak kase may cancer sya sa ovary. Tapos ang sweet kase dalawang chowchow yung anak nila :3 si jarod saka si george. Cute yun. Wala naman nakwento ko lang.

Ibang kwento naman. Yung nanay saka tatay ko? Hmmm ano ba? Ganto kase yun. Magkatrabaho daw sila. Nanay ko accountant. Tapos tatay ko, pahinante? Ano ba yun? Basta yun daw trabaho ni papa. Tapos ayaw ni mama kay papa kase ang itim daw tapos ang payat. Muka daw paniki. (ang sama ng nanay ko. Tsss :P pogi kaya tatay ko. Kamuka ko yun e) Tapos napanaginipan ni mama si papa, isang gabi. Tapos pagpasok nya sa trabaho, nakita nya si papa, napangiti sya. Tapos akala ata ng tatay ko, may gusto si mama kay papa. Tapos ayun dun na nagstart labsturi nila. Ewan.

Madame akong alam na love story ng kung sino sino. Ewan ko kung baket. Naririnig ko lang. Chinichismis ko lang sayo.

Teka, baket ba ganto pinagsasasabe ko? Tama na nga. Pasensya na ah? Ganto ata talaga siguro pag single at hindi pwedeng makipag-mingle? Haha. E kase lahat ng friends ko may jowa. Ako lang ata wala :P ang ganda ko daw e. Hahaha

Osya. Spread the love not your legs ;)
xoxo,
B

22.2.12

Pag ako namatay... Hmmm

Pano kaya pag hanggang bukas na lang ang buhay ko?

Muka kaseng tanga. Ilang araw nang masakit ulo ko. Parang inuukit sa sentido ko yung noli me tangere. Masakit. Sobra. Muka talagang tanga. Tapos, edi ayun, gabi na. Nakahiga na ko sa kama. Matutulog na e. Tapos naalala ko nung isang araw na kinagat ako ni bubbles. Ewan ko. Baka kase me rabbies. Dumugo yung sugat. Pero di ko pinansin. Pano kung umakyat na sa ulo ko yung rabbies? Pano pag bukas na ko mamatay? Tokwa! Ayoko pa muna. Di ko pa ulit nakikita tatay ko.

E pano nga kaya kung ganun na yung mangyayare? Pano kung hindi na ko aabutin bukas kase pinasok na ng rabbies utak ko? Hmmmmmm

Madame pa kase kong balak gawin sa buhay ko. Gusto ko pang magracing. Mag gala kung san san. Pano ko gagawin yon ngayon kung wala nang bukas? Pano kung last na to? Na binigyan na lang ako ng isang araw para gawin lahat ng kaya kong gawin?

Teka, may naisip ako. Dahil namiss kong gumawa ng listahan, gagawa na ko ngayon ng mga bagay na gusto kong gawin bago ko mamatay :)

1. Kumaen ng madame. Pupunuin ko ng kape yung tyan ko para kung last na to, shit! Ang sarap ng kape e. Hahaha

2. Tatalon sa falls. Sabay swimming. Kelangan kong matuto bago mawala sa earth.

3. Magsha-shoplift. Kahit isang lollipop lang. Maranasan ko lang kahit isang beses lang sa buhay ko.

4. Kikissan ko yung pinaka gwapong makikita ko.

5. Magpapaturo magdrive.

6. Pag wala pa din tatay ko, tatawagan ko sya. Pero kung nandito sya, isasama ko sya sa lakad ko.

7. Kakainin lahat ng bawal sakin :3 wala nang allergy pag namatay na ko. Haha

8. Kukunan ng picture ang sunset. Last na e.

9. Manunuod ng movies. Mejo madame.

10. Magpapagupit. Maikli lang. Gusto ko matry bago ko mawala.

Okay na yan. Isang araw lang palugit ko. Baka madisappoint ako pag di ko magawa lahat kaya okay na ko sa sampu.

Ang lungkot talaga isipin pag mamamatay ka na. Ewan ko ba. Naabno lang ata ako ngayon kaya ko naisip.

18.2.12

Conyo~

Saming mga English Majors, code switching at code mixing ang tawag sa paghahalo mo sa dalawang lengwahe. Hindi ko pa alam pag kakaiba nilang dalawa kaya pinagsama ko na. Eto kase yung topic namin sa thesis kaya naisipan kong gawan ng blog.

Ano ba silbi ng post ko na to? Hindi to makakatulong sa mga gustong magresearch about the subject. Gusto ko lang magbigay ng OPINYON tungkol sa mga taong madalas gawin to. Code switching and code mixing is done unconsciously by majority (based on my observation) pero may mga taong sinasadya tong gawin katulad ng mga Conyo.



Conyo86 up63 down
The Spanish vulgar word for vagina.

Also used in the Philippines as a semi-derogatory term for people who seem to be high-class and vain or conscious about their social status and speak in Taglish or broken-Tagalog mixed with English.
Wow, you're so conyo, you don't even know what dilis is! That's fried fish!

Hindi ako naiinis sa kanila. Minsan lang kase ang OA na. Madalas ko tong mapansin sa LRT. Lalo na sa mga studyante ng Ubelt. Hindi ko maintindihan kung baket to naging talamak sa kanila. Nako, lalo na pag may chicks o gwapong kalapet, Taglish-an na ng taglish-an ang mga pukyinang studyanteng to.

Naalala ko nun yung sabe ng prof ko (nakalimutan ko kung sino) hindi ko alam kung totoo to o kathang isip o bunga lang ng malawak na imahinasyon ng english professor na to.. Ipaalala mo na lang sakin kung kaklase kita at binabasa mo tong post ko), ang taglish ala conyo daw, e nagsimula sa mga katulong ng mga english spoken-ing dollar fucking shitty people of the world. Kase daw, yung mga katulong, syempre common sa mga katulong na hindi magaling magenglish. Lalo na pag sa Pilipinas ka nangangatulong. Edi ayun nga, tapos syempre yung inaalagaan nilang mga bata, english speaking, tapos sila hindi, edi ayun naghahalo halo na yung language. (Hmmm, oo nga no? HAHA)

Ano ba nakakainis sa pagiging conyo? Wala naman. Saming mga saktuhan lang ang buhay, nakakainis yon (ng konte) lalo na pag kausap kita at ganyan ka magsalita. Alam mo kung baket? Parang pinapamuka mo sakin na mas mayaman ka! Putang ina! Marunong din akong magenglish! Di lang ikaw. At least ako marunong din managalog (kahit pang tambay at pangbeki ang tagalog ko, tagalog pa din yun). Talamak yan sa mga maarteng biset e.

Minsan nangtitrip ako, conyo conyohan, pero echos lang. Saglit lang. Tama na yung isang sentence. Hindi kase nakakatuwa.

Pero alam mo yung, pukyina! Masyadong nagiinarte? Yung kala mo hindi Pilipino. Pati yung mga alam nya binabago nya. Kagaya ng sa example. Muka talagang tanga. Naiirita tuloy ako. Buti sana kung foreigner e. Kase sila, nageeffort matutunan yung tagalog. E ikaw? Tangna, e muka pa nga kong may kaya sayo tapos magiinarte ka? Yung muka mo parang ni hindi nakatikim ng sabon tapos pa-taglish taglish ka pa? Ano ka abnormal? Umayos ka nga.

Ops teka wala kong pinapatamaan. Nadala lang ng emosyon. Sorry naman. Wala na kong masyadong maisip na pwedeng sabihin sa mga conyo out thur. HANG YOURSELF! Nakakainis kayo.

REMEMBER: Hindi nakakatuwa ang bagay na sobra na. Masama sa katawan yan.

O pano? Goodbye na. Always remember, spread the love not the legs ;D
xoxo,
B~

15.2.12

To the next bastard who will break my heart,

I'm not as weak as the other girls you fooled. I'm not really patient, so stop fooling around. I'm not looking for a long term relationship, but I always look forward to Mr. Right (if he still exists). I won't believe in your promises, just do whatever's in your mind, I don't care.
I won't like it if you would ask me to or not to do stuff I like to do (my dad doesn't do that, so neither should you). I hate being bossed around. REMEMBER: I won't do it if I don't like it. I'm stubborn, okay? I'm not a chic, so don't give me stuffed bears and flowers. A car would do, no I was just kidding. Surprise me. And when you do, make sure I'd be pleased. Don't worry, I'm not choosy, just make sure it's nothing cheesy (I'm not a rat, so I won't like it).
I'm not special, but I'm important. Maybe not to you, but to somebody else. I'm not a sex maniac, so don't make me horny on public places, it's gross. I'm not into PDA anymore. Be happy with my hands when we walk, but don't complain because it's not as soft as your ex's. I don't shave my legs and it's not really pretty. Don't say anything about it because I can dump you as soon as possible. I don't like it also when you stare at my boobs like it's a bone and you're a dog. I don't always wear a Tshirt, so be casual about it when you see a little skin. I'm gonna wear whatever I want even if you don't like it.
I'm not possessive and neither am I stupid. I can sense it when you cheat. I don't really like to make a fuss about non-sense stuff, I don't like dramas. So stop whining. I won't like it too, when a girl would slap me and tell me she's your girlfriend. Go to hell with her, I won't care.
I won't like everything about you. I'm gonna tell you whether you look ugly today, or you look nice. I don't expect you to tell me how pretty, beautiful, or hot I look, just as long as you don't compare me to anyone especially to your slutty ex. I might just kick your ass when you do, you might even loose a girlfriend in just a blink of an eye.
I won't demand for your time. Just show me your face once a week, or twice a month. I don't have a good memory, I might forget that I have a boyfriend. I get bored easily, do something different. I won't go to a hotel no matter how nice it is. Take me to places I haven't been to. Give me food I haven't tasted yet, but I won't eat your shit. Give me shirts you think I might like. Just don't expect me to give something back. But if you won't, I won't mind. (I'd like it if you would give me a new parker pen with my name on it)
I won't expect much from you. You know your responsibilities as my future boyfriend, do it while you can. If you'd like to break my heart, don't be surprised if you'll go home with a broken leg. If you want some space, all you have to do is ask. If don't like me anymore, all you have to do is tell me. I will accept whatever decision you have.

With lot's of love,
B

PS: Wait until I graduate. My parents are real strict.

Thanks for dropping by :D

14.2.12

Balemtime's Day

Ilang dekada na ba kong walang boyfriend? (ansabee?)

Matigas talaga ulo ko. Bawal pa kong magboyfriend. Pero nagkaron na ko dati. Tapos landi landi onte. Pero matino naman. Tama na nga tayo sa kin. Sa iba na lang.

Pano mo ba masasabeng mahal mo ang isang tao? Pag masaya ka pag kasama mo sya? Pag palage mo syang namimiss? Hindi ko din alam. Basta alam ko masaya magmahal. Sabe nga kanina ni mam paula, masarap ma-in love. Gano ba kasarap yon? Hindi ako sigurado.

Pano pag may mahal nang iba yung taong gusto mo? Mali ba pag patuloy mo pa din syang gugustuhin kahit may nagmamay ari na sa kanya? Sa tingin ko, hindi. As long as hindi mo sya inaagaw, okay lang. Pangarapin mo na lang. Baka sakaling isang araw, marealize nya na mas masaya pala pag ikaw na yung mahal nya.

Hindi mo naman kase pwedeng sabihin agad na mahal mo na sya kung ilang linggo pa lang syang gusto. Ang landi mo naman.

May ikukwento ako.  Magbasa ka muna. Intindihin mo.

Madame kong tropang may jowa na. Kaming mga bading lang ata ang walang lablayp sa GLAMORACS. Madami na din akong nagustuhan, hindi ko na sila mabilang. Malandi kase ko sabe ng ate ko. May mga panahon na yung taong gusto ko, e gusto din ako. Minsan naman hindi. Yung iba, gusto lang ng may malalandi kase wala din silang jowa. Yung iba naman, hindi ko maabot. Ambisyosa lang talaga ko. Gusto ko lang may gusto ko. Pero lahat yun, ang ending, wala. Sawi. Walang napala. Oo. Aminado ko jan. Wala ata akong nagustuhan na naging masaya ko ng matagal. Matagal na sakin ang isang bwan akong masaya. Maikli lang ang happiness meter ko. Mabilis magsawa. Hindi ko alam kung baket. Basta ganon.

Dun na tayo sa kwento ko. May lalake akong gusto. Sakto lang. Tropa kame. Pag nakatambay, para kong nasa alapaap. Masaya basta. Tapos nababadtrip ako pag hindi ko sya inaabutan sa VG. Pero syempre hindi pwede. Bukod sa bawal akong magboyfriend, may girlfriend na sya. Hindi ko maintindihan kung baket. Kase sabe ng mga katrabaho nya, hindi naman daw sya madikit sa mga babae. Pero pagdating sakin iba. Pero may girlfriend sya. Pero close kame. Close as in pag magkasama kame, magkadikit kame. Feeling ko tuloy minsan past time nya ko pag wala girlfriend nya. Pero syempre, pampalubag loob, sana hindi. Kunyare na lang hindi. Para every time na kasama ko sya, masaya pa din ako. Wala kong iisiping iba. Kunyare hindi nageexist ang girlfriend. Masisisi ko ba sarili ko? Siguro oo. Kase alam ko naman yun e. Tapos ganto pa din kame. E pano kung dito ko masaya? At least hindi kame? Tama bang katwiran yon? Syempre hindi. Alam kong mali ako. Hindi mo ko kelangan sermunan. Pero, ewan.

Minsan naiimagine ko, ano kaya magiging karma ko pag pinagpatuloy ko tong kalandian na to? Ewan ko. Pero alam ko kung pano tanggapin lahat, gano man kabigat. At least masaya ko ngayon, kahit bukas, baka bumalik si ondoy.

May tanong ako. Hanggang kelan ba dapat magselos ang isang jowa? Ibang kwento na to. Kase may mga tropa ko (hindi na ko magbabanggit ng pangalan) may mga jowa sila. Labing labing, sweet sweetan, kimper keri boom boom. Tapos si babae, syempre hindi lang si boyfriend ang lalake sa mundo, makikipagusap sa iba. Pag nakita/ nalaman/ narinig ni boyfriend, magagalit. Tama ba yon? Kase ang hirap ng nagsasakalan kayo sa isang relasyon. Ang hirap naman ng lahat ng ibang taong kakausapin at lalapitan mo, e pagseselosan ng boyfriend mo. Nako, kung ako yan, iiwan ko na yan. Pero syempre hindi lahat ng babae, kasing tatag ko. Matigas pa kase sa muka ko ang puso ko. Yung iba, ang drama, "Hindi ko kaya ng wala ka, wag mo kong iiwan." LETSE! Ilang taong kang nabuhay ng hindi mo kilala yang lalake na yan tapos sasabihin mo sakin ngayon yan?! Ulol! Dapat kalmado lang lage. Hindi pwedeng lageng selosan. Tapos magtetext ka sa tropa mo, "It's over na daw. Anong gagawin ko?" syempre ako naman si love doctor, "Ganto gawin mo, iwan mo!" Hindi ako kasing sentimental ng ibang tao. Hindi ko alam kung baket. Once na nasakal na ko, ayaw ko na. Pero pinaguusapan yang mga ganyan bagay. Hindi pwede ang disappearing act sa babae. Aasa yan. Pagusapan nyo. Para kayong mga tanga e. Pero seryoso badtrip ang selosong boyfriend. Minsan kase wala na sa katwiran pagseselos. Pero minsan din naman, hindi mo masisisi. May mga girlfriend din kaseng malandi. Yung tipong pag nag-hi sa iba, mamaya katext na. Alam mo yan! Nakakalungkot mang isipin, may mga babae din talagang ganyan. Minsan naman, natatakot lang yung lalake na baka wala nang pumatol sa kanya pag iniwan sya ng babae kaya grabe magselos. Baka pagtingin nya sa salamin e hindi sya natuwa kaya natakot. Hahaha you know what I mean? Basta. Ayoko manglait tapos.

Edi ayun na. Hindi ko alam kung mageenjoy ka sa past time ko, o hindi mo din naintindihan ang punto ko. Minsan kase nabubuang lang ata ako kaya ako nagbablog. Bahala na.

Pero hindi ko alam gagawin ko. Gusto ko talaga sya e. Mali ba? Bahala na si batman.

Maulang valentine's day sainyo. Punuan ngayon sa mga apartel at motel. Sa bahay na lang kayo. Maglagay ka ng mga scented candles. Hahaha uuuy nakaisip ng bago :P echos lang. Sabe nga ni liver lover Robin Padillla, BAGO UMAKSYON, PROTEKSYON! Ingat :)