14.2.12

Balemtime's Day

Ilang dekada na ba kong walang boyfriend? (ansabee?)

Matigas talaga ulo ko. Bawal pa kong magboyfriend. Pero nagkaron na ko dati. Tapos landi landi onte. Pero matino naman. Tama na nga tayo sa kin. Sa iba na lang.

Pano mo ba masasabeng mahal mo ang isang tao? Pag masaya ka pag kasama mo sya? Pag palage mo syang namimiss? Hindi ko din alam. Basta alam ko masaya magmahal. Sabe nga kanina ni mam paula, masarap ma-in love. Gano ba kasarap yon? Hindi ako sigurado.

Pano pag may mahal nang iba yung taong gusto mo? Mali ba pag patuloy mo pa din syang gugustuhin kahit may nagmamay ari na sa kanya? Sa tingin ko, hindi. As long as hindi mo sya inaagaw, okay lang. Pangarapin mo na lang. Baka sakaling isang araw, marealize nya na mas masaya pala pag ikaw na yung mahal nya.

Hindi mo naman kase pwedeng sabihin agad na mahal mo na sya kung ilang linggo pa lang syang gusto. Ang landi mo naman.

May ikukwento ako.  Magbasa ka muna. Intindihin mo.

Madame kong tropang may jowa na. Kaming mga bading lang ata ang walang lablayp sa GLAMORACS. Madami na din akong nagustuhan, hindi ko na sila mabilang. Malandi kase ko sabe ng ate ko. May mga panahon na yung taong gusto ko, e gusto din ako. Minsan naman hindi. Yung iba, gusto lang ng may malalandi kase wala din silang jowa. Yung iba naman, hindi ko maabot. Ambisyosa lang talaga ko. Gusto ko lang may gusto ko. Pero lahat yun, ang ending, wala. Sawi. Walang napala. Oo. Aminado ko jan. Wala ata akong nagustuhan na naging masaya ko ng matagal. Matagal na sakin ang isang bwan akong masaya. Maikli lang ang happiness meter ko. Mabilis magsawa. Hindi ko alam kung baket. Basta ganon.

Dun na tayo sa kwento ko. May lalake akong gusto. Sakto lang. Tropa kame. Pag nakatambay, para kong nasa alapaap. Masaya basta. Tapos nababadtrip ako pag hindi ko sya inaabutan sa VG. Pero syempre hindi pwede. Bukod sa bawal akong magboyfriend, may girlfriend na sya. Hindi ko maintindihan kung baket. Kase sabe ng mga katrabaho nya, hindi naman daw sya madikit sa mga babae. Pero pagdating sakin iba. Pero may girlfriend sya. Pero close kame. Close as in pag magkasama kame, magkadikit kame. Feeling ko tuloy minsan past time nya ko pag wala girlfriend nya. Pero syempre, pampalubag loob, sana hindi. Kunyare na lang hindi. Para every time na kasama ko sya, masaya pa din ako. Wala kong iisiping iba. Kunyare hindi nageexist ang girlfriend. Masisisi ko ba sarili ko? Siguro oo. Kase alam ko naman yun e. Tapos ganto pa din kame. E pano kung dito ko masaya? At least hindi kame? Tama bang katwiran yon? Syempre hindi. Alam kong mali ako. Hindi mo ko kelangan sermunan. Pero, ewan.

Minsan naiimagine ko, ano kaya magiging karma ko pag pinagpatuloy ko tong kalandian na to? Ewan ko. Pero alam ko kung pano tanggapin lahat, gano man kabigat. At least masaya ko ngayon, kahit bukas, baka bumalik si ondoy.

May tanong ako. Hanggang kelan ba dapat magselos ang isang jowa? Ibang kwento na to. Kase may mga tropa ko (hindi na ko magbabanggit ng pangalan) may mga jowa sila. Labing labing, sweet sweetan, kimper keri boom boom. Tapos si babae, syempre hindi lang si boyfriend ang lalake sa mundo, makikipagusap sa iba. Pag nakita/ nalaman/ narinig ni boyfriend, magagalit. Tama ba yon? Kase ang hirap ng nagsasakalan kayo sa isang relasyon. Ang hirap naman ng lahat ng ibang taong kakausapin at lalapitan mo, e pagseselosan ng boyfriend mo. Nako, kung ako yan, iiwan ko na yan. Pero syempre hindi lahat ng babae, kasing tatag ko. Matigas pa kase sa muka ko ang puso ko. Yung iba, ang drama, "Hindi ko kaya ng wala ka, wag mo kong iiwan." LETSE! Ilang taong kang nabuhay ng hindi mo kilala yang lalake na yan tapos sasabihin mo sakin ngayon yan?! Ulol! Dapat kalmado lang lage. Hindi pwedeng lageng selosan. Tapos magtetext ka sa tropa mo, "It's over na daw. Anong gagawin ko?" syempre ako naman si love doctor, "Ganto gawin mo, iwan mo!" Hindi ako kasing sentimental ng ibang tao. Hindi ko alam kung baket. Once na nasakal na ko, ayaw ko na. Pero pinaguusapan yang mga ganyan bagay. Hindi pwede ang disappearing act sa babae. Aasa yan. Pagusapan nyo. Para kayong mga tanga e. Pero seryoso badtrip ang selosong boyfriend. Minsan kase wala na sa katwiran pagseselos. Pero minsan din naman, hindi mo masisisi. May mga girlfriend din kaseng malandi. Yung tipong pag nag-hi sa iba, mamaya katext na. Alam mo yan! Nakakalungkot mang isipin, may mga babae din talagang ganyan. Minsan naman, natatakot lang yung lalake na baka wala nang pumatol sa kanya pag iniwan sya ng babae kaya grabe magselos. Baka pagtingin nya sa salamin e hindi sya natuwa kaya natakot. Hahaha you know what I mean? Basta. Ayoko manglait tapos.

Edi ayun na. Hindi ko alam kung mageenjoy ka sa past time ko, o hindi mo din naintindihan ang punto ko. Minsan kase nabubuang lang ata ako kaya ako nagbablog. Bahala na.

Pero hindi ko alam gagawin ko. Gusto ko talaga sya e. Mali ba? Bahala na si batman.

Maulang valentine's day sainyo. Punuan ngayon sa mga apartel at motel. Sa bahay na lang kayo. Maglagay ka ng mga scented candles. Hahaha uuuy nakaisip ng bago :P echos lang. Sabe nga ni liver lover Robin Padillla, BAGO UMAKSYON, PROTEKSYON! Ingat :)

No comments:

Post a Comment