23.2.12

Dreamboy :P


Minsan, naiisip ko, sino kaya mapapangasawa ko? Ano kaya ginagawa nya ngayon? Naiisip nya kaya na yung mga katangian ko yung gusto nya talagang mapangasawa? Mga ganung bagay. Sino kaya sya? Pilipino kaya? Kakilala ko na kaya sya? O bukas pa kame magkikita?

Lage ko kaseng iniimagine. Gusto kong mapangasawa, mabaet syempre. Ayoko ng lasinggero. Ayoko ng nangbubugbog. Tapos gusto ko half spanish, quarter filipino, quarter japanese. Ang gwapo nun siguro? Haha ewan ko. Basta ganun gusto ko. Pero kung hindi, okay lang din. Wag lang yung tipong pag hinarap ko sa tatay ko e magugulat sya. Yung tipong gulantang talaga. Ayoko nun. Di ko kelangan ng gwapo. Basta maayos. Mukang mabango. Malinis sa katawan. Walang putok. Walang tartar. Maputi yung ngipin. Ayoko ng kala mo kakatapos lang kumaen ng piatos na cheese. Basta maayos. Ayoko naman nung tipong pag katabe ko, e muka pang mas maganda sakin. Ayoko nun. Ayoko ng sobrang puti. Fair skinned lang. O kaya moreno :3 ayoko ng negro. Pero crush ko si Usher saka si Neyo. Gusto ko yung lalakeng hindi aware na gwapo sya. Yung humble. Pero may ipagmamalaki. Ayoko ng sobrang talino. Badtrip yun. Gusto ko pareho kame ng trip. O kaya, kayang sabayan yung trip ko. Ayoko ng masyadong mature. Ayoko din ng immature. Yung kahit papano naman e gumagana yung imagination. Tapos sabay kameng mantitrip. Tapos sweet ng konti. Pero ayoko ng cheesy. Gusto ko yung tipong kahit hindi sya dumikit ng kala mo linta, e sweet pa din kameng tignan. Pero ayoko talaga ng cheesy. Eww -___- Tapos dapat may sarili akong pera. Dapat pag magpapakasal na kame, yung hindi lang sya yung may pera. Dapat ako din. Ayoko ng papatigilin nya ko sa bahay. Kadiri. Boring pag sa bahay lang. O kaya yung trabaho ko, sa bahay lang. Pero ayoko maging housewife. Taga laba? Huh, nevermind.

Ano ba yung ideal husband? Kase iba trip ko e. May mga babaeng gusto mayaman yung mapapangasawa, tapos sya buhay prinsesa. Yung iba naman gusto yung mas matalino sya. Yung iba martir.

Naalala ko tuloy tita ko. Deads na silang mag-asawa. Anyway, ayun. Matanda na tita ko nung nag-asawa sya. E panganay yun. Tapos ang gusto nya, ang asawa nya, yung ikokontrol yung buhay nya. Tapos ayun. Napangasawa nya, sobrang kontrolado buhay nya. Tipong ultimo lola ko di makapasok sya bahay nya. Ganun ka-bossy tito ko. Half spanish sya. Tito sya ni Carmina Villaroel. Pero pang huling asawa na yung tita ko. Pero wala silang naging anak kase may cancer sya sa ovary. Tapos ang sweet kase dalawang chowchow yung anak nila :3 si jarod saka si george. Cute yun. Wala naman nakwento ko lang.

Ibang kwento naman. Yung nanay saka tatay ko? Hmmm ano ba? Ganto kase yun. Magkatrabaho daw sila. Nanay ko accountant. Tapos tatay ko, pahinante? Ano ba yun? Basta yun daw trabaho ni papa. Tapos ayaw ni mama kay papa kase ang itim daw tapos ang payat. Muka daw paniki. (ang sama ng nanay ko. Tsss :P pogi kaya tatay ko. Kamuka ko yun e) Tapos napanaginipan ni mama si papa, isang gabi. Tapos pagpasok nya sa trabaho, nakita nya si papa, napangiti sya. Tapos akala ata ng tatay ko, may gusto si mama kay papa. Tapos ayun dun na nagstart labsturi nila. Ewan.

Madame akong alam na love story ng kung sino sino. Ewan ko kung baket. Naririnig ko lang. Chinichismis ko lang sayo.

Teka, baket ba ganto pinagsasasabe ko? Tama na nga. Pasensya na ah? Ganto ata talaga siguro pag single at hindi pwedeng makipag-mingle? Haha. E kase lahat ng friends ko may jowa. Ako lang ata wala :P ang ganda ko daw e. Hahaha

Osya. Spread the love not your legs ;)
xoxo,
B

1 comment: