22.2.12

Pag ako namatay... Hmmm

Pano kaya pag hanggang bukas na lang ang buhay ko?

Muka kaseng tanga. Ilang araw nang masakit ulo ko. Parang inuukit sa sentido ko yung noli me tangere. Masakit. Sobra. Muka talagang tanga. Tapos, edi ayun, gabi na. Nakahiga na ko sa kama. Matutulog na e. Tapos naalala ko nung isang araw na kinagat ako ni bubbles. Ewan ko. Baka kase me rabbies. Dumugo yung sugat. Pero di ko pinansin. Pano kung umakyat na sa ulo ko yung rabbies? Pano pag bukas na ko mamatay? Tokwa! Ayoko pa muna. Di ko pa ulit nakikita tatay ko.

E pano nga kaya kung ganun na yung mangyayare? Pano kung hindi na ko aabutin bukas kase pinasok na ng rabbies utak ko? Hmmmmmm

Madame pa kase kong balak gawin sa buhay ko. Gusto ko pang magracing. Mag gala kung san san. Pano ko gagawin yon ngayon kung wala nang bukas? Pano kung last na to? Na binigyan na lang ako ng isang araw para gawin lahat ng kaya kong gawin?

Teka, may naisip ako. Dahil namiss kong gumawa ng listahan, gagawa na ko ngayon ng mga bagay na gusto kong gawin bago ko mamatay :)

1. Kumaen ng madame. Pupunuin ko ng kape yung tyan ko para kung last na to, shit! Ang sarap ng kape e. Hahaha

2. Tatalon sa falls. Sabay swimming. Kelangan kong matuto bago mawala sa earth.

3. Magsha-shoplift. Kahit isang lollipop lang. Maranasan ko lang kahit isang beses lang sa buhay ko.

4. Kikissan ko yung pinaka gwapong makikita ko.

5. Magpapaturo magdrive.

6. Pag wala pa din tatay ko, tatawagan ko sya. Pero kung nandito sya, isasama ko sya sa lakad ko.

7. Kakainin lahat ng bawal sakin :3 wala nang allergy pag namatay na ko. Haha

8. Kukunan ng picture ang sunset. Last na e.

9. Manunuod ng movies. Mejo madame.

10. Magpapagupit. Maikli lang. Gusto ko matry bago ko mawala.

Okay na yan. Isang araw lang palugit ko. Baka madisappoint ako pag di ko magawa lahat kaya okay na ko sa sampu.

Ang lungkot talaga isipin pag mamamatay ka na. Ewan ko ba. Naabno lang ata ako ngayon kaya ko naisip.

1 comment:

  1. SRSLY? kulet mu tlga. :)) mka naman kc migraine lng yan?

    ReplyDelete