29.2.12

Trending

Hindi lang sa twitter may trending. Pati sa mga bagay na makikita mo sa paligid mo. Hindi mo alam kung ano ibig kong sabihin? Basahin mo na lang.

Hindi naman sa madamot ako sa mga bagay na naririnig at nakikita ko. Minsan kase nakakabadtrip na yung tipong ultimo sa pangangampanya e makikita/ maririnig mo yung mga bagay na dati konte lang kayong may alam. O ano? Nagkaka-idea ka na sa sinasabe ko? Eto kase yun.

Naalala ko nung dating dati pa. Fan kase kapatid ko ng mga singkit na alien a.k.a "asians". Sorry po. Alien tawag ko sa kanila kase di ko maintindihan sinasabe nila. Wala kong inaaway. Basta yun yun. Pucha mukang madameng magrereact ah? O balik ulit. Edi ayun nga. Lage kong naririnig sa kanya yung "Nobody" ng SNSD. Tapos sakto lang. Napapasayaw ka. Tapos after ilang months ata yun, ginawan ng video ng mga preso sa cebu? Cebu ba yon? O basta edi don! Tapos hanggang sa tindahan ng yosi, kampanya ni mayor, ads sa kung sansan, e Nobody na ang tugtog. Diba nakakainis? Okay na sana e. Kaso pati sila mayor, congressman, brgy tanod, nakiki-nobody na. May napanuod akong vid sa korea ng about sa reaction nila sa pag-gamit ng Pilipinas sa Nobody as their campaign song. Hindi nakakatuwa yung reaction nila. Naiinis ako. Minsan sa buhay ko, nahiya ako kase Pilipino ako.
++++
Change topic. Kung naka-iphone ka, naalala mo pa ba yung mga panahon na ang angry birds ay app pa lang? Tapos sumikat, ultimo sa tsinelas ng barker sa teresa, e angry birds ang tatak. Okay lang sana yung mga laruan e. Kaso pati ballpen, panty, brief, medyas, pucha angry birds pa din? Nakakarindi. Dati maku-cute-an ka pa sa kanila, tapos pag sumikat/ naging trending/ ultimo batang himuhithit ng solvent, e naka-angry birds, hindi ka na matutuwa. Hindi sa madamot ako. Masyado kaseng nakaka-suffocate ang mga bagay sa pinas pag sumikat. Nagiging-oa. Mukang tanga.
++++
E eto, naalala mo pa ba nung nagta-tumblr ka pa. Na don mo lang makikita ang makakapal na baller at mustache rings? Tapos hindi mo alam kung sinong hayop ang nagkalat non sa mga bangketa at saka sya sumikat sa kung sansan? Ni hindi nga nila alam kung bat mustache, na-cute-an lang sila, ayan na naman. Dinaig pa ang tsunami sa bilis ng pagkalat. Parang epidemia.
+++
Pasensya sa mga taong "favorite" daw ang superman. Hindi ko maintindihan kung baket ngayon lang. E bata pa ko, may superman na. Na tipong suot mo ang 1000 peso-worth superman shirt mo, e lumingon ka lang sa kanan, makikita mo ang isang takatat boy, nakasuperman shirt din. Lumingon ka sa kanan kase maybbatang kumalabit sayo at nanghihingi ng piso, e nakasuperman shirt din. Gusto mo na tuloy itapon yung Tshirt mo. Biktima ko nyan. Nagustuhan ko lang si superman dahil sa lalake tapos ayun na. Kumalat na syang parang epidemia. Yung iba pa, gagawin, ibang superhero isusuot. Ganon din yon! Kasama ka na din sa superhero fever.
(May naisip akong bago pero di ko dito ilalagay, baka unahan mo pa kong gawin yon)
+++
Ano pa ba yung mga bagay na nagtrend? Ayoko nang gumawa ng listahan. Hahaba. Hahaha mainis ka na kung maiinis ka. Hindi ko alam kung baket pa ba ko nagsusulat. Wala naman akong talent e.
++
+
Osya, spread the love not your legs!
xoxo
B

No comments:

Post a Comment