10.3.12

Ang landi mo!

Noong bata pa ko, pag sinasabihan ako ng maarte ako, ang sama sama na ng loob ko. Tapos habang tumatagal, nare-realize ko na normal pala ang kaartehan. Tapos bandang grade three or grade four ako, nauso yung sabihan ng MALANDI. Ayan ang di ko matatanggap. Kung sa mga kaibigan ko manggagaling, okay lang. Di ko alam kung baket. Pero pag di naman tayo close, tapos sasabihan mo ko ng malandi, ay teka. Ate, alam mo ba sinasabe mo?

Let's define "Malandi". Ayon sa mga naririnig ko, sila yung mga taong makakati. Mahilig lumandi ng ibang tao. Iba yung harot. Iba din ang hindot. Back to basic, ang maarte, sila yung maraming kaartehan sa katawan, sa paniniwala, sa ugali-- maselan, kumbaga. Yung maharot, ayan yung masyadong magaslaw. Parang kiti-kiti, di mapakali. Yung hindot, hindi ko alam yan. Haha. Tapos yung malandi, yan yung di mapakali kung sino ang jojowain. Papalit-palit ng ka-table, ka-holding hands, kapatong. Hindi maintindihan kung sino ba ang gustong partner, boyfriend/ girlfriend, jowa, katipan, karelasyon-- in short, SYOTA. O diba ang ganda ng description ko?

O ano ba pinaglalaban ko? Wala naman. Kase minsan yang mga malalandi na yan, sila pa yung tatawag sayo ng malandi. Ate, have you seen yourself in the mirror? Oh my gahd! You must be poor and you can't afford to buy a mirror. O baka naman wala kang "friends" na nagsasabe sayo na malandi ka. Alam mo yung tipong, every month ata e iba ang nasa relationship status sa facebook. O kaya para safe, hindi na lang nagtatag ng kung sino. It's complicated na lang. Wala naman akong problema sa mga relasyon na tumatagal lang ng isang bwan, ang sakin lang, e wag naman bwan bwan iba ang syota mo. Mejo masagwa na kase.

Eto, magkukwento ako. Kase kanina, nakatambay lang ako after class. Tapos soundtrip, kwentuhan. Tapos pinatugtog yung "Walang Iba" ng Ezra Band ata? Ewan, basta yun yung title. Tapos may tropa kong mejo napapadalas magpalit ng girlfriend. Tapos sinasabayan nya yung kanta. Tapos bigla syang binara na, "Pre, baka naman "Iba-iba" title nyan! (end of story)

Ibang storya, may kakilala ako. Lalake. Malandi. Kahit may girlfriend sya nung mga panahon na yun, e sige pa din ang pangongolekta ng fuck-buddies. In fairness, ang tagal na nila ni legal girlfriend. Hmmm

Mukang blind item to ah. Osige, iba pang kwento

Eto may isa pa. May kilala ko. Asawa ng kamag-anak. Hulaan kung sino. Kasal sila ni kamag-anak. May anak. Pero may babae. May anak sa ibang babae. Tapos si kabet, nagka-jowang iba, teka. Heeep! Nagselos si tanga. Hindi ba nya naisip na yung asawa nya nagseselos din? Ang kapal ng fez.

Isa pa, Another kakilala. Hindi sya gwapo, walang appeal. May girlfriend na maganda. Tapos ang kapal ng fez na mambabae. At, madaming "contact" (fuck buddies).

Kwentong babae naman. Unfair e. Puro lalake bina-blind item ko.

Eto, syempre babae. Hindi din maganda. Tapos may boyfriend sya. Tapos may isa pang boyfriend. Tapos si lalake, naghanap ng panandaliang ligaya. Ayun si babae nagselos.

Isa pa, babae. May ichura. Mayaman. Hmmmmm tapos halos lahat na ata ng tropa nya na kilala ko, e nakachukchakan na nya. Sinetch itey?

May napansin lang ako sa mga malalanding to. Mahilig silang magselos. Baket kaya? Ewan ko lang  Kayo na bahalang humusga.

No comments:

Post a Comment