4.3.12

Ano nang nangyare kay Adan?

Nasubukan mo na bang tanungin lolo mo nung bata ka, kung ano si eba, at ano si adan nung mga panahon nila? Kase di ko natanong lolo ko. Deads na kase sya. Tapos si apoyong naman, nasa Pampanga. Ang layo. Saka pag dadalawin ko sya, lageng nasa bukid. O kaya mangungulit.

Pero base sa mga naririnig ko, mejo nung unang panahon, hindi pa ko uso. Ibig kong sabihin, hindi pa uso kameng mga beki, bakla, bading, third sex, babaeng may itlog, lalakeng may matres, tomboy, tibo, o kung ano pa gusto mong itawag sakin, go lang. Ano ba ang third sex?

Jusko! Ilang taong ka na?! Hindi mo pa alam kung ano ang third sex?! My gahd! Balik ka nga ng grade one!

Third sex. Yan yung ano, oo! De joke lang. Sila yung mga taong hindi tanggap kung anong klase toot tooot man yung binigay sa kanila. Gusto nila iba. Ayaw nila sa kung anong klaseng kasarian man meron sila. Naiinlababo sa kapwa lalake/ kapwa babae. Nagegetching mo na?

Akala ko dati (sorry sa mga kapederacion ko) nung bata pa ko ng onte, lahat ng bading cross dresser, yung mga nagdadamit pang babae, nagpapasex change. Kase pag pupunta kame ni mama sa parlor sa palengke, peyborit nyang magpagupit kay claudia. Syempre hindi ako tanga at alam ko na bading sya. Tapos yung mga kasama nya, ganun din. Pagandahan ng buhok. Iba iba pa nga minsan yung kulay. Tapos lageng naka-panty shorts. Tapos may fake boob, nagba-bra kahit hindi naman dapat, minsan makapal ang make up, minsan hindi. Basta ganon. Kala ko dati lahat sila ganon. Hindi pala.

Nung mejo tumatanda na ko ng onte, may mga nakikilala na ko na mga Non-cross dresser gays (kung ano man gusto mong itawag sa kanila). Ayon! Sila yung mga bading at heart pero hindi na kelangan palitan ang panglabas na anyo. Nagkakaboyfriend ng hindi sila pineperahan, yung mga tipong ang hanap din sa buhay, e bading din. Kase may mga baklang ang gusto ay papa. Sila naman, pareho din nila. Tapos inlab inlaban. As in inlababo talaga.

Naalala ko yung dati kong katrabaho. Bading sya. Gaylingo kung gay lingo. Pero gwapo pa din sya. May boyfriend yun. Teacher ata. Tapos alam mo yung feeling na parehong ang gwapo nila? Tapos binilan sya ng ipod, saka phone. Tapos two years na ata sila nung mga panahon na yun. Nagulat ako. Pwede pala yung ganun. Kase karaniwan sa mga baklang kilala ko, cross dresser. Nagboboyfriend sila ng papa na wala na ng pang tuition, mapuputulan na ng meralco, may nabuntisan at walang pang gatas. Mga ganun. Seryoso ganun yung iba kong kilala.

Tapos sabay, pwede din palang hindi ganun. Na parang normal na magsyota din sila. Lately, dumadami na yang ganyan na kilala ko. Isa isang naglalaglgan. Tapos poof! May jowa na sila. Minsan pa nga mas romantic pa sa mga straight. Mas seryoso pa. Yung tipong mas hindi nagloloko. Hindi dahil sa mahirap makahanap ng tatanggap sa kanila, pero kase alam mo yung, totoo silang magmahal.

Sa ibang bansa uso yan. Same sex marriage. Hindi ako tutol. Wapakels lang. Pampahaba lalo ng blog post ko.

E kase naman. Hindi ko alam kung baket. Naalala ko dati, sabi nila, pag nakakita ka ng gwapo, siguraduhin mong hindi manloloko, ngayon, pag nakakita ka ng gwapo, siguraduhin mong hindi syota mo ang gusto.

Ironic, pero, ayan na yan e. Karamihan sa mga gwapo nababading. Kung hindi bading, player. Yung iba lang yung matino. Yung tipong pag nakakita ka ng gwapo sa LRT, tapos masa-starstruck ka. Tapos biglang maririnig mo, nagkukwento sya about sa kanila ng boyfriend nya. Ouch diba? Sabe ko naman kase, hindi pwedeng lahat nasayo. Kaso bakit yung gwapo pa yung bakla?! Yun na lang hindi sobrang gwapo. Kase kelangan nating ikalat yung lahi nila e. Haha ang sama ng ugali ko.

Osya, dito na lang. Baka may magalit pa. Ciao friends. Spread the love not your legs.

Bxxxx

2 comments: