21.3.12

Aral Tuko

Dahil gagraduate na sila ate Sara, magpopost ako. HAHA

Sabe ng nanay ko sa halos araw araw na ginawa ni papa Lord, "your TOR/Grades is you passport to the future". Ayan yung exact words. Ang arte. Pero dahil hindi ako mabaet na anak, hindi yan ang paniniwala ko.

Hindi sa lahat ng oras, pagbabasehan ng mga tao sa paligid mo yung grades mo. Wala silang pakelam jan.Ang kelangan nila, e kung ano yung naiwan jan sa maliit mong kukote nung pinaghihirapan mo yang lintek na grades na yan. Naniniwala din ako na depende yan sa diskarte mo sa buhay, at syempre, kung ano gusto para sayo Niya.

Baket, kapag ba nasa trabaho ka na, tapos syempre minsan tanga ka ng konteng bongga e. Tapos nung college ka, e sobrang taas ng tingin mo sa sarili mo kase maganda records mo. Kapag ba sinabihan ka nila ng tanga, e makakatwiran mo na mataas naman grades mo? Diba hindi? Bobo mo.

Hindi ko naman sinabe na wag kang mag-aral, nasa effort yan.Di ka lang marunong. Bobo ka kase.

No comments:

Post a Comment