31.3.12

Ispitsless (Hindi ko alam kung baket ako naglagay ng mga litrato sa post na to :P)

Kunyare speechless. Graduation kase ng ate ko kanina. Pero puro muka ko yung nasa cellphone nya. Isa lana-upload ko kase di naman nya blog to.

Ano ba sasabihin ko? Hmm Congrats? Ewan. Kase yung last na blog post ko tungkol sa mga pesteng maka-asta e kala mo kung sino porque may diploma na. Susundan ko na lang.

Edi diba graduate na ate ko. Tapos saming tatlo, ako na lang nag-aaral talaga. Nagrereview na lang kase sya para sa board exam sa July. E wala naman, nabanggit ko lang.

Naalala ko dati, kase dati in demand pa nursing. Tapos ang dameng kumukuha ng nursing. Tambak na nga sila e. Tapos yun din kinuha ng ate ko. Di ko alam kung baket. Basta alam ko gusto nya mag med. Tapos pinakuha na lang muna ng nanay ko ng nursing. *Hindi ko alam kung baket ko sinasabe to*.

Ano ba meron sa course na to? Kase karamihan sa nakikilala ko, pagka-graduate ng nursing, sa call center nagtatrabaho. Hindi ko alam kung baket. Baket kelangan mong mag-tyaga ng apat na taon sa college, tapos ang daming gastos, tapos sa call center magtatrabaho.  At hindi ko maintindihan kung baket lageng call center.

Baket ba? Kase madaling kumita ng mejo malaking pera? Kase di mo kaylangan ng diploma para makapagrabaho sa call center? Meron naman training ang call center, baket kelangan mong sayangin yung apat na taon na gastos para sa trabahong pwedeng kunin kahit ng high school graduate? Nasabe ko lang naman. Kase totoo naman e.

Balak kong magtrabaho jan, pero hindi pang matagal. Ayoko. Hindi ko hilig ang magsalita. Magsulat oo, kaya wala akong interes sa pagdaldal sa mga taong mumurahin ka lang sa problema nila. Mas gusto kong murahin yung nagbabasa sa blog ko. HAHA putanginamo! O diba walang TL na magagalit. Mas gusto kong gamitin lang yan na pangtustos sa pag-aaral at luho ko, kesa pambuhay sa magiging pamilya ko. Di ako yayaman dito.

Ano ba tong sinasabe ko? Wala naman. Naisip ko lang naman kase talaga kanina, makakapagtrabaho ba agad ate ko? Kung oo, san? Kelan? Yan lang gusto kong itanong. Sa dame ng gumraduate ng nursing, ilan sa kanila magiging nurse talaga? Kasama kaya si batse? Ate ko yun. Di na ko sanay tawagin syang ate e. Dito lang sa post ko. O tapos? Ikaw na bahala magdugtong ng iniisip ko. Malawak ang mundo.

 









No comments:

Post a Comment