15.4.12

Boobies

Minsan nagtataka ko, baket ang hilig ng ibang lalake sa malalaking boobs. Ewan ko din. Pwede namang mag enjoy na lang sa maliit. Alam kong nagtataka ka kung baket eto gusto kong ikwento ngayon. May nakita kase kong mga picture ng babaeng malaki boobs.

Aminado ko, minsan natotomboy o kaya naiinggit ako sa babaeng malaki boobs. Kase yung akin hindi. Pero hindi din sya kasing liit kagaya sa iba. Basta tama lang. Pag nakakakita ko ng cleavage, para kong aso. Ewan. Pero hindi ako tomboy. Natutuwa lang ako sa nakikita ko.

Nung last week, may quiz kame (Pucha! Quiz na 80 items -_-) sa biology. Nagsa-summer kase ko. Dinrop ko yung subject na yon kase bobo professor ko. Edi quiz na, one seat apart. Tapos yung katabe kong chikas, packer! Ang lake ng future ni ate. Mejo kumopya pa ko ng sagot. Pero bukod sa sagot nya, mas madalas ang sulyap ko sa Mt. Everest. Nakakadistract.

Oo, nakakadistract talaga pag malake boobs ng isang babae. Minsan kase, hindi mo na nakikita yung paa mo. Minsan naman, mas tinitignan pa yan ng tao kesa sa muka mo, pati sa ugali mo.Pag malake boobs mo at may boyfriend ka, tanungin mo sya kung ikaw ba o boobs mo mahal nya.

May isa pa kong napapansin, sobrang unfair ng buhay pag dating sa boobs. Hindi ko alam kung baket. hindi yung size ng sayo ang tinutukoy ko. Baket kase pag wala kang boobs, kahit anong suot mo ng damit na may plunging neck line, e hindi malaswang tignan. Icocompliment pa yung damit mo. Pag naka-bikini sila, sila yung sexy. Kahit anong ikli ng damit nila, wala lang. Magandang tignan.

Pero pag naging cupB na yang suot mo, makita lang yung buto mo sa dibdib (Yung bago mag cleavage) sasabihan ka na ng maarte, nagpapakita ng laman, nagpapamanyak at kung ano ano pa. Pag naka bikini, sasabihan ng bitch. Pag maikli yung suot, pokpok.

Ang unfair. Baket, pinili ba namen ang size namin?

No comments:

Post a Comment