2.4.12

Mapupunta pa kaya ako sa langit?

Madalas ko tong itanong sa sarili ko. Kase sa sobrang sama ng ugali ko, baka pati fashion ni San Pedro e may reaction pa din ako. Hindi ko kase mapigilan. Masama nga ata pagpapakaen ng nanay ko sakin ng pwet ng manok nung bata pa ko.

Minsan naisip ko, pano kaya kung ang bobo ko? Dahil blog ko to, ako lang ang matalino dito. Ganto talaga kasama ugali ko. Hindi ko na kase mapigilan. Yung tipong kala mo kagandahan ako kung makapagsabe ng panget sa iba. Minsan ako na yung natatakot sa mangyayare sakin. Baka may mang assassinate sakin.

Hindi naman sa inaasahan kong pupunta ko sa langit. Malay mo lang naman. Alam kong sa dame ng taong nabadtrip, umiyak, nagbigti sa panglalait ko, matagal tagal ipagse-stay ko sa purgatoryo. Hindi naman kase ko relihiyosong tao, bakla pa ko, ang yabang ko, mapanglait, panget ang kutis, pekeng tisay, feeling Mexican, yung mga ganung bagay? Ganun na talaga ko;

No comments:

Post a Comment