22.5.12

LGBT and Same Sex Marriage

Narinig ko lang to kay Tito Boy Abunda nung Sunday sa The Buzz dun sa issue about sa hindi pagsang-ayon ni Pacquiao sa Same Sex Marriage.

Hindi ko alam kung baket kelangan pag-usapan to. E hindi naman kase pwede sa Pilipinas. Kung sa ibang bansa, pwede, e wala na tayong magagawa.

Ano ba kase to? Tokwa naman o. Hindi ko alam kung kasale ako dito. Hindi pa kase ko sigurado sa gender preference ko.

Kung ang pag-uusapan ay ang LGBT, wala tayong magagawa sa kanila. Hindi ko maintindihan yung mga bansang nagbabawal sa existence nila. Ano ba magagawa nyo kung yan ang puso nila? Kung gusto nyo, magprovide kayo ng straight hearts na ipapalit sa mga unicorn. LOLOL

Baket nga ba UNICORN? Hindi ko din alam. Basta alam ko, rainbow colors dapat.

Madami akong hindi alam tungkol sa LGBT community. Pero kampi ako sa kanila. Madami akong gay, saka bisexual friends. Wala pa namang transgender at hindi ko alam kung bat wala akong lesbian friends. At hindi ako natutuwa sa mga taong nang-kokondena sa kanila. E sa dinami-dami ng straight na kilala ko, mas matino pa yung baklang kaibigan ko. Mas totoo sila. Kahit karamihan sa mga gay friends ko e maingay mag-kwento, okay lang. At least sila nagpapapaka-totoo.

Dapat naman kase ang pinagtutuunan ng pansin ng mga tao e yung mga kriminal, corruption, human trafficking. Ang daming problema ng mundo.

Hindi naman kase sila dapat sinasama sa pinoproblema ng mundo e. Mas may kwenta pa nga sila kesa sa mga straight nga, tambay naman.

Tungkol naman sa same sex marriage, ewan ko. Okay lang sakin. Ang importante nagmamahalan sila. Wala namang masama a? Baket, wala na ba silang karapatang maging masaya? E baket yung mga lalakeng nangbubugbog pinapayagan nilang magpakasal? Baket yung mga maraming asawa pinapayagan nila, e yung mga bisexual saka lesbians hindi pwede? E mas totoo pa nga sila kung magmahal e. Baket sila bawal?

Madaming mga walang kwentang bagay ang pinagtutuunan ng pansin ng mga tao. Yung mga hindi naman nila problema ang pinoproblema nila. E kung ipadala ko kaya kayo sa Mars?

Pffft -__- Osya. Sabe ng pinsan ko muka daw suicidal tong blog ko. Hindi ko alam kung baket.

Open your mind not your legs.
xxxxxx B

No comments:

Post a Comment