6.5.12

Mga Bata Ngayon

Naisip ko lang gawan ng post. Kase syempre bakasyon ngayon, maraming mga bata ang nagbabakasyon sa maliit kong lungga. Hindi dahil mahilig ako sa bata, andun sila kase trip nila don. Bawas sila sa papakainin ng mga magulang nila, dagdag samin. Hindi naman ako madamot so okay lang. Wag lang silang iiyak kase maglalakad sila pauwi sa mga bahay nila kahit gano pa yan kalayo.

Hindi talaga ko masyadong mahilig sa bata. Pero pag cute ka, tapos hindi ka iyakin, sureball nang aampunin kita. Pag ayaw ng parents mo, kikidnapin kita. HAHA Ganto talaga kasama ugali ko. Alam ko.

Pero hindi naman talaga to yung iba-blog ko. May napansin lang kase ko sa mga bata ngayon. Hindi ko alam kung ako lang ba nakakapansin o halos lahat tayo ganto ang opinyon.

Kase nung bata ako, pagkatapos akong maturuan ng nanay kong magbasa nung two years old ako (oo, two years old pa lang ako nagbabasa na ko. Basta nung bago pa ko mag-three. Matalino kase ko.), e ako na bahala sa sarili ko. Hindi ko na nga maalala na tinuturuan ako ng nanay ko magbasa e. Basta alam ko marunong na ko. Tapos isang beses ko lang naalala na tinuruan ako ng nanay ko sa school, nung sa SiBiKa (hindi ko na alam kung ano na tawag dito). Tapos ewan ko. Basta madalas self study. Kase busy si mama saka si papa. Tapos si ate taga sulat pag may project. Ampanget kase ng sulat ko e. Turuan man ako ng nanay ko, saglit lang. Naiintindihan ko ng mabuti.

Baket ko ba kinwento to? Kase diba nga yung mga pinsan ko saka pamangkin nagbabakasyon samin, tapos puro lang sila laro. E nung minsan naisipan ng nanay ko na turuan sila, BOOM! Ewan ko. Yung pamangkin ko, hindi alam kung ilan taon na sya, hindi maayos magsulat. Hindi alam kung pano isulat yung pangalan nya. To think na four or five years old na sya. Nung ganon pa lang age ko, nasa school na ko. Sya hindi pa marunong magbasa. Pag pinagsusulat, sasabihin pagod sya. Ewan! Nakakastress.

Tapos yung pinsan kong isa, grade five na. Pero hindi sya mukang grade five. Muka syang grade one kase maliit. Lalake yun. Tapos hanggang table of three lang alam. Yung kapatid naman nya, Grade two ata or three, hindi alam spelling ng numbers.

Alam mo yung feeling na nafufrustrate na kameng mga nagtuturo kung pano namin isasaksak sa utak nila yung mga tinuturo namin?  O sa lahi lang namin uso to? Yung totoo?

Syempre hindi lang yan napapansin ko.  Kase diba nanunuod ako ng PBB, unang week pa lang badtrip na ko. Tama bang isang linggo pa lang kayo dun e nagmamahalan na kayo? Ganon na ba talaga kabilis maglandian ang mga bata? Ewan ko ba! Dati trip lang ang pagsasabe ng "I love you". Ngayon kala mo dun na nakadepende buhay nila. At maka-selos si ate kala mo syota.

Tapos yung isa ko namang pamangkin, may clan sya (eto dapat iba-blog ko) tapos sabe nya sa pinsan ko, nagmeet up shit na daw sila ng clan nila. Ewan ko kung ano nakaka-excite sa pakikipagtext sa taong hindi mo kilala. Kase para sakin, wala akong napapala. Mas okay nang maging suplada, hindi naman mapapahamak.

Yung totoo, anyare na?

No comments:

Post a Comment