24.5.12

Pinoy Ako. E Ano?

Nakaabot kase si Jessica Sanchez sa AI Finals, boxing champion si Manny Pacquiao, Pinoy ang Azkals, at kung ano ano pa. Ang tanong ng taong bayan, E ANO?

Hindi naman sa hindi ako proud sa mga Pinoy na sumisikat sa ibang bansa. Pero sa gantong paraan din lumalabas ang mga impokrito at impokritang Pilipino. Pano?

Simulan natin sa maliit na sitwasyon. Si small town boy, nanalo sa game show sa TV, pag-uwi, may tarpaulin courtesy of Mayor de Pugo. Kahit hindi sya talaga nanuod nung show, basta kunyare may support. Kahit nabanggit lang nung secretaty nya. Buti sana kung courtesy of the town people at lahat ng nanuod at sumuporta. E ang kaso, pangalan lang ni Mayor de pugo.

Wag mo kong tanungin kung baket de pugo yung kasunod ng Mayor. Kase hindi ko din alam.

Hindi ko maintindihan kung sa Pilipinas lang lumalabas ang gantong sitwasyon. Naiinis ako sa mga gantong damubs ng mga pulitiko e. Hindi naman kelangan ang presensya nila sa mga gantong pagkakataon, pero lage silang anjan. Kapag may Pinoy na sumikat sa ibang bansa, magpapapress con si Pulitiko, imbis na problemahin nya yung mga problema ng Pilipinas, iintindihin pa muna nya ang panunuod ng mga game show kung san san. Napaghahalataan tuloy. Okay na sana e. Kelangan pa magsasalita sa press con. Kelangan sasalubungin si Super Starlet sa Airport o sa kung saan. Para san? "Si shitty person of the Government, present sa press con ni Super Starlet para ipakita ang pagsuporta, etc." ^)*&^)*&^*& <insert Confused Jackie Chan here>

Makikita din ang pagiging impokrita ng mga Pilipino sa ibang bagay, nung mga panahon na pagusbong ng Azkals sa TV, (hindi ko naman kase talaga sila kilala e) maraming tao ag nagkagulo,baket? Kase may gwapo. Hindi dahil sa fan sila ng football/soccer whatever, kundi dahil MAY GWAPO. Bago mo ba makilala si James Younghusband fan ka na talaga ng football? Hinde! Wag kang plastik ate. Kunyare lang yan. Magiging fan ka lang dahil sa may gwapong half Filipinong member. Kung ang mga member ba nyan e mga Pinoy talaga, sa tingin nyo susuportahan pa ng mga tao yan? Malamang hindi.Ang dami natin mga athlete na nagko-compete sa iba't-ibang bansa pero Azkals lang saka si Pacquiao ang kilala mo.

Naalala mo pa ba nung mga panahong natalo ni Sam Concepcion si Charice Pempengco sa Little Big Star? Nung mga panahon na si Sam Concepcion lang ang pinapansin ng mga Pilipino? Syempre hindi. Hindi ko alam kung inabutan mo pa yang palabas na yan. Pero ako, oo. Bilib ako sa kanya dati nung bata pa sya. Kalmado lang. Hindi sobra. Tapos nawala sya sa Philippine TV nung natalo sya ni Sam. Tapos nung nadiscover sya ni Ellen De Generes, Bigla syang nagkaron ng sandamakmak na fans na Pinoy. Oo, given na may fans na sya sa LBS pa lang, pero mas dumami pag nakilala ka sa ibang bansa.

Isa pa, ikaw ba fan na talaga ni Jessica Sanchez sa America's Got Talent? O nakilala mo lang talaga sya sa AI? Hm, napaisip ka no? Hindi ako masyadong mahilig manuod ng mga ganyan kaya hindi ko talaga sya kilala. Oo, HALF Filipina sya, e ano? Dapat jan ang tinitignan yung talent.Wala naman akong sinabeng wala syang talent. Pero kase kung makareact ang mga Pilipino sa pagkatalo nya, kala nyo kamag-anak kayo. Sabe nga ni Joyce, "Kung maka-proud kay Jessica akala mo naman kamag-anak!". Edi basag ka ngayon? Pwede naman kaseng maging fan, magpromote, pero wag OA na nung natalo si Jessica e kala mo ikaw yung natalo. Tapos yung isang senador nagcomment pa sa TV. E ano? Buti sana kung parents ni Jessica yung nainterview. Baka ni hindi ka kilala nung bata. Hindi naman yan lumaki dito.

Isa pa tong mga Showbiz reporter na to. Ultimo yung pagkakagusto ni Sara G na makaduet si Jessica, e irereport pa. Lahat ata ng singer gusto syang makaduet. Pero si Sara lang naglakas ng loob sabihin. Pake ko? Uunlad ba Pilipinas kung sabihin mo yan?

Gusto ko lang magreact. Wag na kayong magalit. Nakakainis kase yung ugali ng mga Pilipino na susuporta lang, pag iba na yung nakadiscover. Baket hindi nyo i-try na kayo maghanap ng mga Pilipinong madidiscover? Ano tayo, taga suporta na lang sa kung ano man ang madidiscover ng ibang bansa tungkol satin? Nakakainit ng ulo a?

Osya bahala na kayong magalit sa blog post ko. Naiinis din ako e. Kala mo ikaw lang?

No comments:

Post a Comment