18.5.12

Try Harder. (Social Climbers)

Hey there, Teddy Bear! What's up?

What's a social climber? <Insert Petra Accent here>

Do they climb in the society? Or the tree? Or a building? Whatever. Enough of the English shit.

San mo ba mahahanap tong mga taong to? Isa sa pinaka-talamak na tambakan ng mga social climbers ay... Janjararan... INTERNET! Twitter, facebook, friendster (kung nag-eexist pa to), myspace, hi5, orkut, at kung ano ano pang social networking sites. Pano?

SITUATION #1 The Photo
Nagpunta si girlalooo sa Greenbelt. Syempre gala gala whatsoever. Edi kunyare naiihi na sya. Punta ng CR. Nakita ang maganda at malaking salamin *drumroll* PICTURE-PICTURE! Hindi nakontento sa isa, nakabuo ng isang album with 50 photos sa isang CR. Tag ang Greenbelt. Kawawang CR. Upload sa Facebook kung hindi maaccess ang twitter sa phone dahil naka-superFB lang at hindi afford magsupersurf. Syempre may magko-comment, "Uy, san yan? Gala ka na lang a?". Minsan jejemon pa. Replylaloo naman si ate, "Greenbelt lang, walang magawa e. Shopping lang muna." TSE! Yung pala keychain lang binili.

SITUATION #2 The Status
Wala masyadong pinagkaiba sa nauna. Napadaan ng Trinoma, nakakita ng starlet na kabog ang beauty nya. @Tweetitow! Tweet si ate, "Just passed by Justin Beiber, na kumakaen ng fries sa McDonald's. Ang poor?" TSE! Masarap naman ang McDo fries a?

Isa pang tambakan ng social climbers ang STARBUCKS, FIGARO, SEATTLE'S BEST, at kung ano-anong coffee shop na sikat.

SITUATION #3 The Coffee Photo
Madalas ko tong napapansin e. Bibili ng Frappe or Coffee or Pastry, minsan libre lang ni mayaman na friendlaloo, or cod.com (c/o daddy, c/o mommy), aaaand... PICTURE-PICTURE! Pipicturan si kape na may pangalan with matching nguso at the side, or Japan-Japan sa background Magpipicture habang iniinom si kape, and other shit like that. Meeh pfft.

Bukod sa mga coffee shops na talamak ang mga social climbers ay ang bars, clubs, at kung ano anong mahal na inuman. Hindi porque anjan ka, e elite, mayaman, sosyal ka na. Minsan, sinisiksik mo lang sarili mo sa Circle.

SITUATION #4 The Bar
Punta ng bar si girlet with the other social climbing friends. Mapapansin mo agad sila because of one thing, most of them are experiencing what I call "PHOTOHUNGER". Eto yung kala mo wala ng bukas sa pagpipicture na ultimo ang gwapong nakita e pinicturan. Yung tipong kala mo ang pinunta sa bar is magpicture magdamag? Pwede naman maraming picture e, kaso magparty ka! Kaya ka nasa party, para magparty, hindi magpicture. Isa pang napapansin ko sa kanila, pag sinabeng party, uso ang "TAAS KAMAY POSE". Yung kala mo sumusuko sa rape? Or kunyare sumasayaw, pero ang totoo, hindi naman talaga marunong. At minsan pa, naghihintay ng "SWEET" song sa dancefloor. Yung totoo? Prom ba to?

Pero sa lahat ng social climbers, dito ko sobrang napa-"Dafuq?" PHOTOGRAPHY at CHENELIN PHOTOGRAPHY para sa mga model kuno. Meeeh ang pathetic. Baket kelangan mong magpangalan ng photography studio sa pangalan mo kung di ka naman talaga photographer? Tandaan, HINDI PORQUE NAKA-DSLR, PHOTOGRAPHER NA.

SITUATION #5 The Photography
May nakilalang may DSLR si starlet ng mundo nya. Hiniram. PICTURE-PICTURE! Kasama ang kunyareng model. I-uupload sa facebook ang album na "STARLET PHOTOGRAPHY" Chikat! Syempre sa mga mangmang friends nya, "Uy photographer ka na!" O diba instant stardom?

SITUATION #6 The Mo-dull
O nakakarelate ka no? Syempre iba yung batikang model na naglalagay ng mga ganyang chuchu sa facebook nila. Kaso kase, may iba na nakuhang model ng minsan, tapos pa-extra extra sa mga TV shows nahindi ko naman talaga nakita yung exposure nya, e kung makapagupload e kala mo sikat na! At, take note, pagni-like si album, "Thanks sa like!" Ha! Ulel! Buti sana kung worth the like ang pose at ang picture, e minsan mas magaling pa yung three-year old pumose sayo. Maka-"Thanks sa like" ang drama mo. Wit! May fan page pa. HAHA imba talaga to e. E sa fanpage naman nya nasa lima lang ang album at pina-like pa ng sapilitan sa facebook friends.

Ay ewan ko sainyo. Lokohin nyo lelang nyo jan sa mga kalokohan nyo. Hindi ko nilalahat a? Alam mo naman kung belong ka sa elite circle o hindi e. HAHAHA may iba lang kase talaga na pinipilit lang isiksik ang sarili sa mundong konti lang ang kasya.

Osya, open your mind not your legs. Ciao!

No comments:

Post a Comment