15.6.12

It's more fun in the Philippines nga ba?

What's up catsup?

Hindi ko talaga alam kung san kinuha yang line na yan e. More fun? Talaga? Di ko kase feel e. HAHAHA

Siguro nga nasobrahan na ko sa pagiging pessimist ko. Pero kase naman diba? *naamoy ko yung paa ko* Tss ano ba depinisyon nila ng fun?

Ang alam ko kaseng fun, yung alam mo yun? Enjoy. E parang di naman talaga ganun sa Pilipinas. Maganda lang. Pag turista ka, oo masaya. May ginagawa kayo e. Binayaran nyo yan kaya dapat lang talaga magenjoy ka. E pag pumunta ka sa kahit san dito sa Pinas, di ako nageenjoy. Mas enjoy ka sa mga tao sa paligid mo. Mali e.

Saka ang sakin lang, hindi ako enjoy sa makalat na lugar. Nabubwisit ako. Kase nung minsang asa MOA ako. Tapos nakatambay sa may seaside. E gabe na. So madilim. Alam mo yung parang may fish kill. Ang daming nakalutang. Kung ako yung turista, mababadtrip ako. Hindi nakakatuwa.

Lately lang naman kase lumilinis yung ibang lugar sa Pilipinas e. Wala kaseng disiplina mga tao. Wag ka ng magreact kase totoo naman. Nung isang araw sa cubao, yung babae nagyoyosi. Tapos yung sinasandalan nya yung papel na nakasulat "No Smoking". Pukyina, ano ba sya tanga? Alam kong narinig mo na kay bob ong yang ganyang shit. Pero imba kase pag ikaw nakakita. Sana di na lang sya dun sumandal. Ang malala pa, ang daming pulis na pakalat kalat, walang pakelam. Sila din nakikijamming.

Tapos nung isang isang isang araw naman, nanuod ako ng laro ng mga tropa ko. Tapos nung pauwi na kame, mejo gabe na. Alas dyes na ata non. Tapos sa kabilang side nung highway, madaming batang palaboy. Yung mga umaakyat sa jeep nanghihingi ng pangkaen pero may pang rugby. Tapos may rumorondang pulis. E wala naman silang ginawa. Tinaboy lang. E kung sa mataboy mo sila, titigil ba yang mga yan? Sabe ng nanay ko baka daw puno na sa kulungan. Anak ng tokwa, edi gumawa ng bagong kulungan. Kesa naman nakakalat sila don. Yung mga tao natatakot dumaan. Pag ba na-snatch-an ka ng gamit fun pa din sa Philippines? Tokwa! Mali.

Ewan ko. Di ako fan ng Pilipinas e. Ang korni kase. Buti na lang masarap yung burger kanina g__g Heaven ang feeling kahit mukang London Bridge yung patty. HAHA OOT na.

Ayun wala na kong masabe. Inaantok na ko. Basta alam ko It's not fun in the Philippines. Meeeeeeeeh pfft. Osya, open your mind not your legs.

xxxooo B<3

No comments:

Post a Comment