22.6.12

Maghubad ka na lang kaya?

Nung isang araw pa dapat to e. Pero dahil ngayon lang ako sinipag, ngayon ko lang sya iba-blog.

Nung tuesday kase, nasa McDo Gateway ako. Tapos wala, basa basa lang ng libro. Tanghali yun. Bago pumasok sa trabaho. E nakaharap ako sa may pinto tapos may pumasok na babae. Muka naman normal. Kaso pag tingin ko sa damit nya, mejo na-shock lang yung eyeballs ko. Aba si ate nagdamit pa! Itim yung long sleeves na suot nya. Ang problema nga lang, kita mo din yung loob. Hindi sya aksidenteng kita yung loob e. Kase see thru yung suot nya. Itim naman din yung bra nya. Kaso, nag long sleeves ka pa teh? Kita ko naman yung loob. Makapal pa yung sarong pag summer e. Tapos nung nasa may Starbuko na ko sa Araneta, nakita ko ulit sya. May kasama na syang babae, naka see thru din. Kaso peach naman.

Yung totoo? Ano trip ng mga tao ngayon?

Hindi naman sa nakekealam ako sa fashion statement nila. Kaso kase mejo masagwa. Lalo na nasa Cubao sila. Ang daming palaboy na mga gangster jejemon shit manyak saka bastos tapos ganun suot mo? Okay lang sana kung naka kotse sila. E hindi. Pagala gala lang sa Cubao tapos ganun suot nila.

Ewan ko kung ano ba trip ng mga tao ngayon. Kung ano anong klase ng damit mga pinapauso. Pati shorts na kasing ikli ng panty, ginagamit. Palagpasin nyo naman ng konti sa kuyukot nyo. Oom nagsusuot ako ng shorts. Pero mahaba naman sa isang dangkal mga sinusuot ko. Wala kase yan sa kinis at ganda ng binti. Nasa taong titingin yan.

Kaya ang daming nare-rape ngayon e. Kung ano ano kaseng klase ng damit yung sinusuot ng mga tao. Hindi lahat ng lugar na pupuntahan mo e maiintindihan yang style mo. Magiwan ka naman kahit konting mystery sa kung ano man yang nasa loob ng mga damit mo. Nakakainis lang lalo na pag nagrereklamo na nababastos na sila. E wala ka ng magagawa, nasa Pilipinas ka tapos ganyan isusuot mo?

Hindi naman sa sinasabe kong manyak ang mga pinoy. Pero syempre, sa lalakeng tigang, kahit siguro posteng may palda e gagalawin.

Wala ka sa beach ate, umayos ka. Juskong mga bata to. Bahala  nga kayo.

Osya, tapos na homily ng babaylan. Pano? Sa susunod na sermon ulit.
REMEMBER: SHOW SOME SKIN, NOT COVER SOME SKIN. *tama ba?*

Ciao!
--Le B

No comments:

Post a Comment