7.6.12

Men = Dodos

=
The dodo (Raphus cucullatus) WAS a flightless bird endemic to the Indian Ocean island of Mauritius.  The feathers of the dodo were grey,black and white in colour and the large curved beak of the dodo is one of it's most distinctive features.

Naranasan mo na bang lokohin ng lalake? Gaguhin, paglaruan, gamitin? Karamihan sa mga babae, naranasan na yan. Sapak  ka sakin pag di mo pa naranasan yan. Baket ba to pinaguusapan natin? Madami kase kong kilalang lalake. Pero hindi ko alam kung lahat sila manloloko. Pero wala kong pakelam.

Nung minsan, may nabasa kong status tungkol sa mga lalake. Wag daw natin isisi sa buong male population ang mali ng isa. Pero panong hindi mo isisisi sa lahat e lahat naman talaga sila kahit minsan sa buhay nila, nang gago na ng babae, o kaya bakla, o kaya kapwa lalake. Kahit sino. Basta nagawa na nila yon. Ano ka dyos? Hindi pwedeng magkamali?

Hindi ko naman sinabe na hindi nanloloko mga babae. Ginagawa din namin yon. Mas talamak nga lang sainyo. Mas bulgar. Ewan ko.

E ano kinalaman ng mga dodo sa blog post ko? Malaki. Kung ise-search mo sya sa google, ayan yung lalabas sa karamihan sa mga site don. Sa mga hindi nakakaalam kung ano ba ang dodo, aba! Anong klaseng kabobohan yan?! Hindi ka ba nanunuod ng Phineas and Ferb? Kahit hindi ka nanunuod non, dapat alam mo kung ano ang dodo. Nagexist lang sya nung mga panahong hindi pa uso ang kotse ni batman. In short wala na sila. Kase kinaen na sila ng mga tao, ng mga kapwa nila hayop. Basta ganon. Parang lalake lang yan.

*ding, ding, ding* REALITY CHECK: "Men" doesn't exist anymore! 

Hindi ko na kelangan ng statistics report para sa bagay na to. Kase wala akong pakelam don. Kelan ka ba nakakita ng matinong lalake, hindi nagbigay ng pansin sa ibang babae, hindi lumandi kahit isang segundo lang, yung lalake na ni minsan sa isang relasyon e hindi nanloko. Wala! Minsan lang sila naging matino. Mga isang segundo lang. Karamihan sa mga matatawag na matinong lalake sa mga panahon ngayon, matanda na. Baket? Because they cannot produce enough testosterone to impregnate other woman. At konti na lang sila. May mga matatanda nga na nakakabuntis pa. May mga batang sampu ang panganay. Kung hindi man sila makabuo sa ibang butas, e dahil mautak sila. O kaya baog yung babae. Ang punto ko lang kase, mas hindi makontento ang mga lalake sa isang babae.

*HINDI KO NILALAHAT* Pero madami sila. Kung hindi man sila parang dodo na hindi na nageexist, para na silang monkey-eating eagle; endangered na. Malapit nang mag-extinct.

May mga babae naman na mahilig din kumalantari. Mga nymphomaniac siguro sila. Pero wala kong pake. Kase ang babae, pag matanda na, wala ng lakas ng loob manlalake. Yung mga tipong pag umiihi na lang basa. Pero karamihan sa mga matandang babae na kilala ko, wala ng pake sa sex life kahit hindi pa menopause. Pero ang lalake, kahit once a month na lang magising ang alaga, nagagamit pa din sa katarantaduhan. Pero syempre hindi lahat. Pero malay mo. Hindi mo naman bantay sarado yang asawa mo 24/7 diba?

Hindi ko alam kung baket eto ang naisip kong gawan ng blog. Basta alam ko bet ko to. LOLOL Osya. Madami ng lalakeng nagagalit sakin pag nabasa nila tong post ko. Pero wapakels. Kayo na yan e.

Open your mind not your legs ;) Ciao
--Le B<3

No comments:

Post a Comment