13.7.12

Girlfriend 101

Natural na saming mga babae ang pagiging maarte. May mga bagay na sobrang hirap intindihin sa ugali namin. Pero syempre hindi lahat ng babae pare pareho.

May tatlong klase ng girlfriend: Pa-chick, Underbisaya, at Paminta. Kung may idadagdag ka pa sa tatlong yan, gumawa ka ng sarili mong blog. Wag mong guluhin yung akin.

Unahin natin yung PA-CHICK. Sila yung mga girlfriend na pa-girl. Madalas pang babae mga suot. Kawawa ka pag lage pang pink. Madalas shoulder bag ang dala o kaya naman hand bag, at kung ikaw ang boyfriend, required kang maging alalay ng chick mong girlfriend. May mga pa-chick na makapal ang fez at iaabot agad sayo ang bag kahit pasan mo na ang buong mundo. Wala syang pake basta bibitbitin mo yung bag nya at kelangan holding hands pa din kayo. Pero minsan kelangan automatic yun pag magkasama kayo. Unahin mo munang ikiss sya, tapos puriin mo, sabay bitbit sa bag. Required din na may sweet na tawagan tulad ng lollipop, sweet cake, tart, heart, angel, atbp. Malas mo pag nakaisip sya ng matching names tulad ng puto't dinuguan, hubby at wifey, buko't pandan, sago't gulaman, bilog at haba, atbp. Hindi mo pwedeng baguhin yang tawagan na yan kase siguradong iisipan ka nyan ng masama. Special para sa kanya ang monthsary, birthday, anniversary, pasko at valentine's. Kelangan may regalo ka. Mas unique, mas sweet. Pero mas gusto nila yung mga gamit pero mas matutuwa sya pag pareho kayo o kaya pair. Gusto nilang ina-announce sa mga social networking sites kung gano ka nya kamahal. Pag nag-online sya, asahan mo nang may i love you sa wall mo o naka-tag sayo. *take note: kelangan mag-i love you too ka o magaaway kayo. Matagal din silang magalit. Kelangan ng masinsinang suyuan at ligawan bago kayo maging okay ulit. Kelangan ng suhol pag malas ka pa, yung tipong luluhod ka sa harap ng madameng tao, o kaya gagawa ka ng eksena sa mall. Bawal kang gumawa ng nakakahiyang bagay habang kayo pa. Siguradong magbebreak kayo.

UNDERBISAYA naman ang tawag ko sa mga babaeng nagpapa-under sa boyfriend. Hindi ko maintindihan ang trip nila. Minsan kase kahit muka na silang tanga, gora pa din basta sinabi ni boyfriend. Hindiko naman sinabeng wag tayong sumunod sa mga jowa. Pero kase may mga boyfriend na grabe magdemand. At dahil head over heels ang peg ni ateng underbisaya, kahit muka na syang tuta, inlababo pa din. Sila yun tipong kayang iwan lahat ng tropa nya para sa boyfriend. Kadalasang katwiran nila pag pinapagalitan ng mga tunay na kaybigan e, "Mahal namin isa't isa. Di ako nun iiwan", o kaya naman, "Mahal ko sya e. Ngayon ko lang naramdaman tong ganto". Madalas silang tawaging martyr, tanga, at boba. Pag may kalokohan ang boyfriend, palageng pinapatawad. Sila yung mga taong dapat tinatanggalan ng mata saka utak. Hindi kase ginagamit sa tama.

Last but not the least, ang mga girlfriend na kala mo lalake a.k.a PAMINTA o pa-men. Sila yung mga girlfriend na parang hindi girlfriend. Applicable lang to sa mga boyish na may boyfriend. Hindi ko madalas pang lalake pormahan nila. Mukang hippie na chick. Minsan hot silang tignan, minsan dugyot. Normal resident ng closet nila ang loose shirt, loose pants, at sneakers pero minsan tsinelas lang. May mga pang babae din silang damit *in case of emergency*. Karaniwang mataas ang pride, madaming tinatagong sama ng loob. Pero hindi sila emo. Ayaw lang nila ng drama kaya madalas isang bagsakan lang nila nilalabas. Wala silang masyadong arte sa buhay. TNL ang peg nila. Poker face sila lagi. Mataas pa sa Eiffel Tower ang pride nila. Karaniwang kasama sa mga paminta yung mga babaeng matalino. Dahil ayaw nila ng drama, hindi sila lage nagagalit. Reasonable naman. Pero syempre di pa din natin maiiwasan na may mahalong tanga.

Minsan pwede mong paghaluhaluin yang mga ugali nila. Minsan may nadadagdag pa. Kaso baka tamarin ka na magbasa pag dinugtong ko pa.

O pano, hanggang sa susunod na kabanata, paalam! LOL

No comments:

Post a Comment