5.7.12

Stupid Filipino Movies are Stupid

Sorry ka, di ako fan ng Pinoy movies. Ewan ko kung baket. Pag kase pinanuod mo sa sine, parang sayang lang sa pera. Hindi ko sinasabeng dapat may pakelam ka, pero wala din akong pakelam kung wala kang pakelam. Wag na tayong magpakelamanan.

Sino ba naman kase matutuwa pag nagbayad ka ng kung magkano sa sinehan tapos walang kwenta mapapanuod mo. Kung hindi panget ng plot, sobrang panget ng plot. Ewan ko ba. Meron namang mga magagandang Pinoy movies. Madalas nga lang, sa Cinemalaya mo lang sya mapapanuod. Tapos pag humakot ng award yung indie, ipapalabas sa big screen. Non sense!

Pero eto seryoso na. Nahihiwagaan talaga ko kung baket pinagkakagastusan ng milyun milyon yung mga pelikulang wala namang kwenta. Wala naman matutunan yung mga manunuod, ang cheap pa ng pagkakagawa. E mukang maganda pa yung gawa ng mga studyante para sa school projects nila e. Madalas pa pag "fantasy" yung movie, wala lang. Ang korni ng storya, ang chaka ng special effects, parang di man lang napagisipan. Madalas pa adapted lang yung story galing sa mga foreign films. Ano ba yan?

Minsan naiisip ko wala talagang originality mga pinoy e. Kung sino pa yung mga kumikita na ng sobrang laki sa pag gawa ng pelikula, sila pa yung taken for granted lang ang gawa. E dapat nga mas bonggahan nila kase may pangalan na sila. E mukang maganda pa yung mga gawa ng direktor ng porn e.

Ang nakakainis pa madalas, nagbabayad sila ng malaki sa mga artistang muka lang ang pwedeng ilaban wala naman talagang talent. Ang sarap magsuicide pag nakakakita ko ng mga gantong klaseng pelikula. Pero madami din namang magagaling na artista. Kaso mas nabibigyan ng project yung mga kala mo napulot sa kanto ni mang kanor. Enebeyen. Wala na bang ibang mapili? E magaling pa kong umarte jan kapag ayokong pumasok sa school e! Edi pwede na din akong artista? --, Ulol ang korni ko.

Tama na nga. Sana mag-Cinemalaya na. Tapos makabili ko ng ticket. Shit kase nung last year e. Babasahin ko na lang sila :))

Osya? Pano ba yan? Ang dami ng galit sakin. HAHA see you later alligaTHOR. *korni ko talaga*

No comments:

Post a Comment