2.8.12

Relationship 101: Men VS Women

Hello Big-o! Ngayon lang ulit ako sinipag magblog. Nadistract ng pagrereview ko ang 9gag pero mas nadistract and pagrereview ko ng fashion blogs. Kuha mo?

Anyway, ano ba pinagkaiba ng lalake at babae sa isang relasyon? WALA. Baket? Kase pareho lang naman silang tao. Walang lamangan, walang dayaan. Give and take ang peg ng dalawang taong nagmamahalan. Di pwedeng one sided, di pwedeng may lumalamang. Healthy realtionship ang tawag sa gantong relasyon. Pero hindi mo din to matatawag na "healthy" kung lage lang kayong masaya. Minsan kelangan din konting tampuhan para masubukan kung gano talaga kayo katibay.

Pero baket sa isang relasyon, mas mataas ang expectation sa mga lalake? Mas matindi din and sisi sa kanila pag may problema? Hindi ko din alam. Kase hindi ako pabor dyan.

Pag pinakilala ng babae ang jowa nya sa mga friends nya, lageng banat ng mga kaibigan ni girlet, "Pre, alagaan mo yang tropa namin ah? Wag mong papaiyakin yan!". Baket? Hindi ko talaga alam.

Hindi ko maintindihan kung baket lageng ganto ang eksena, na para bang nagsisimula pa lang kayo, negative agad sinasabe ng mga tao sayo. Buti sana kung batikang chickboy ka. E nagkataong hindi? Unfair talaga. Diba masayang pakinggan yung, "Pre, ingatan nyo isa't isa ah? Wag kayong magsasakitan." Medyo korni mang pakinggan pag dalawang tambay ang naguusap, pero pag seryosong usapan na, okay na yan. At least, ang expectation, hati sa inyong dalawa. Hindi tipong nasa lalake lang lahat. Kaya dalawa kayo sa relasyon e, kase maghahati kayo sa halos lahat. Hindi lalake lang ang andyan.

Sa ligawan stage, uso ang mga pakitang tae, este pakitang tao pala. *srry* Yan yung stage sa isang relasyon na gumagawa kayo ng paraan para yung mga magagandang characteristics nyo lang yung makikita. Baket? Para mas mapabilis at mas tumaas ang positive chance na magkatuluyan kayo. Pero mali yun. Ligawan stage ang tawag sa panahon na sinusuyo ng lalake ang babae. Dyan nila ipapakilala kung sino sila talaga, hindi kung  sino yung gusto mong maging ikaw. Puro pakita kung ano lang yung gusto mong makita ng mga tao sayo. Pero pag nasayo na, isa isa mong ilalabas lahat ng baho mo. Sya naman si tangang naniwala, magsisisi. San mauuwi? Sa hiwalayan. Maswerte kung ang syinota mo e parang batang malakas ang kapit at hindi madaan sa Cytotec. Dyan natin masusukat kung gano kayo katatag. Na kahit pag kayo na e masasamang ugali na ng isa't isa ang nakikita nyo, e matibay pa din ang pagsasamahan nyo. Wag naman yung tipong nagbubugbugan na.

REMINDER:  Pag ikaw sinaktan physically, mag-isip ka na. Pag naulit, hiwalayan mo na kase asahan mong may pangatlo pa. Pwera na lang kung gusto mong maging punching bag tulad ni Clottey.

Ang mga babae, kadalasan, physically weak lang. Madalas, sila yung mas nauunang bumigay pag may problema compared sa mga lalake na tigas tigasan ang peg. Kunyare kaya nya, kunyare kayang solusyunan ang problema, pero ang totoo, hindi na talaga kaya. Masyado na kaseng nakasanayan ng mga tao yung tipong kelangan mas matigas ang lalake sa babae kase sila yung sasandalan and shit. Mali! Dapat pareho kayo, parehong matatag. Hindi pwedeng lalake na lang ng lalake. Pano naman sila? E kung tutuusin, mas emotionally weak sila. Kase kadalasan tinatago lang nila sa mga sarili nila. E ang mga babae, ang daming girlfriends na mag-aadvice. Pansin mo, pag ang lalake may problema, sa kaibigang babae unang lumalapit? Kase nga, mas kaya ng babaeng solusyunan yung problema. Hindi ko naman nilalahat. Magkakaiba lahat ng tao. Eto lang yung mas madalas kong napapansin. Ang mga babae kaya lang lumalapit sa mga kaibigang lalake, para mas maintindihan kung ano ba talaga ugali ng mga lalake. At kayo namang mga kaibigan lang, advice lang ang hinihingi sainyo. Wag nyong ibigay pati puso nyo.

Mas madalas pag-awayan tong gantong issue. Kase yung mga kaibigan, lalo na pag may gusto sa taken rolling in deep inside their hearts, tume-take advantage of the moment. Lalandiin na! Dyan kayo magaling. Kaya walang naayos na problema. Dahil sa mga suluterang frog. Eto naman si tanga, mabilis bumigay. Hindi malakas kapit. HAHAHA Mahirap yan!

Ewan ko sainyo. Basta ako masaya ako. Nagblog lang :D Naisip ko tuloy gawing Love Doctor sarili ko. Wala naman akong ipapayong matino. Wag na lang. Blog pa din :D

O pano? Ciao, siopao!
xxx
Le B

No comments:

Post a Comment