11.8.12

RH Bill

Wala naman akong masyadong alam dyan sa lintek na RH Bill na yan. Lage ko lang syang naririnig sa kung san san. E nung isang araw, napagusapan namin nung dalawa kong kaklase yung tungkol dito. At napag-alaman ko na eto palang RH Bill e hindi lintik. Katangahan ko lang. Anyway, ano ba silbi netong Bill na to? Kapakipakinabang ba? O bill-bill lang na walang kwenta?

Sabe nila, ang RH Bill daw e tungkol sa safe sex at lahat ng pwede mong idikit dito (sex ed, contraceptives etc.)

E baket pinag-aawayan pa to? Ano ba trip nila?

Church vs the state ang labanan dito sa debate ng RH Bill na umabot na sa *kung di ako nagkakamali* mahigit isang dekada.

Baket ba sa tingin ko e okay lang naipasa na tong RH Bill na to? Simple lang: MASYADO NANG MARAMING TAO SA PILIPINAS. Hindi lang sa Pilipinas, pati na sa buong mundo. E baket daw ba nag-uumepal ang simbahan? Kase daw anti-life daw.



Okay, game. 
Baket okay lang sakin ang RH Bill?
Why not? Hindi lahat ng tao sa Pilipinas, naiintindihan ang mga salitang "SAVED SEX". Maintindihan man nila, syempre uunahin nila ang tawag ng libog kesa ang kasal. Hindi lang sa bagong henerasyon, kahit dati pa, maagang nagsisi-buntisan ang mga tao. Ang kaibahan lang ng noon sa ngayon, noon, pag buntis, kasal agad. Ngayon, pag buntis, buntis ulit. Safe sex na lang.

Baket safe sex?
Kase safe. -___-

E baket sabe nila, ang pag gamit daw ng contraceptive is murder?
Then blowjob is cannibalism? Ganun? Unang una sa lahat, nagsisimula ang buhay sa pagstart ng fetrilization. Pag gumamit ka ng condom, hindi aabot yung sperm sa fertilized egg, nasan ang fertilization? Wala. Pag gumamit ka ng birth control pills, may magaganap bang fertilization? Wala. So anong pinatay mo? Yung sperm? May tao na bang namatay dun sa stage na yun? Wala naman diba? O anong problema mo? E kung mabuhay man yung bata, tapos wala kang ipapakain, edi pinatay mo lang sa gutom. Alin ang murder? 

Ano ba gusto kong palabasin?
Ang sakin lang naman e hindi naman sinasabi sa RH Bill na patayin yung mga baby diba? Pipigilan yung pagbuhay sa kanila para mas konti yung mga batang mahihirapan pagdating ng panahon. Saka hindi lahat ng pamilya, kayang bumuhay ng madaming bata.

Let's say na after marriage ka nga nakipagsex, e kaso tuloy tuloy naman; taon taon buntis yung babae. Wala ka ng ipapakaen, anak pa din ng anak. Sino mahihirapan? Yung mga bata. Wag mong ikatwiran sakin yang lintik na family planning na yan. Hindi lahat ng Pilipino naiintindihan at susundin yan.

E kung lahat ng mag-asawa, o lahat ng Pilipino, aware sa pag gamit ng contraceptives, edi mas konti yung mabubuntis ng maaga, mas konti yung mabubuntis ng madami. Sabe nga ng kuya kong magaling, "Syete lang condom, di pa makabili." Dati yun nung mejo bata pa ko. O ngayon, magkano na ba presyo ng condom?

Wag mong sabihin na hindi ka makabili ng condom? 9pesos, ipagdadamot mo pa?! Ano gusto mo? Anak naman ng tokwa. Nung isang beses, may kasama kong bumili ng pills. Magkano? 40+ lang. Good for one month. Hindi ka pa din makabili?

E mas gumagamit pa nyan yung mga mayayaman saka may kaya e. Pero sa tingin ko mas safe  ang condom. Di ka na nabuntis, di ka pa nagka STD. O diba, two in one?

 E pano naman yung tungkol sa Sex Education?
 Isa pa yan! Anak ng tokwa na naman. Kahit sa part ng reproductive system sa biology saka sa pag grade four or five ka, pahapyaw na tinuturo din yan. Kumbaga, segue lang ng sex ed dyan sa reproductive system. Baket kelangan mong ituro? Para aware. Baket sa bata? Mas maaga, mas okay. Once nagkaron na ng period ang bata, dapat alam na din nya kung ano ang sex, pano mabubuntis, baket di pwedeng magbuntis. Maraming tao ang hindi alam kung ano mangyayare pag maagang nakipagsex. Madaming tao ang hindi alam na kapag nakipagsex, mabubuntis. Pag nabuntis, mas mahirap. Tanungin mo sa bata kung kelan nabubuntis ang isang tao, hindi nyan alam ang isasagot. Yung iba alam pag nag-kiss lang. E kung alam nila yang mga ganyang bagay, edi mas alam nila kung pano mapipigilan ang pagbubuntis.

E baket tutol ang simbahan?
Hindi ko din alam. Baket, pag dumami ba ng dumami ang mga Pilipino, sino mamomroblema? Simabahan ba? Diba gobyerno? O ano pinuputok ng butsi ng mga tao sa simabahan? Pag dumami ng dumami ang populasyon sa Pilipinas, sino ba bukod sa mga Pilipino ang mamomroblema? Diba gobyerno? Pag sobrang dami na ng tao sa Pilipinas, may trabaho bang ibibigay ang simbahan? Wala. Gobyerno pa din ang magbibigay ng trabaho. Sino ba yung unang unang mahihirapan? Yung mga bata. Wala silang kaalam alam sila na pala yung pinoproblema ng mga tao sa Pilipinas. Ano magagawa ng simbahan? Wala. Baket, mapipigil mo ba libog ng tao pag nangati na? Diba hindi naman. E kung ang alam nila, pag nakipagsex, dapat may contraceptives, edi hindi mabubuntis.

Umiinit talaga ulo ko sa gantong usapin e. Hindi naman kase dapat pinagdedebatihan to. Wala na dapat kumokontra. Kung hindi ka boto sa RH Bill, edi wag. Hindi ka naman pinipilit ng RH Bill na makipagsex para gumamit ng contraceptives e. Ginagawa ka lang aware sa mga bagay na dapat alam mo tungkol sa sex. O ano ngayon pinuputok ng butsi mo?

Naku! Nagha-hyper ventilate ako sainyo! Pag ako namatay ngayon lagot kayo sa tatay ko >.<


Osya, see you later, alligator! Ciao!

8 comments:

  1. "E baket sabe nila, ang pag gamit daw ng contraceptive is murder?" gusot ko point mo rito. Halos parehas sa opinyon ni Maam Pola. tsk. tsk. Mas immoral kung marami ngang anak di naman mapakain at pakalat-kalat lang sa lansangan. brrrr.. -_____-

    ReplyDelete
  2. Sorry. Pero pansin ko medyo emotional yung arguments mo.
    Napaisip lang ako kung nabasa mo na ba yung mismong bill talaga?

    *Overpopulation issue
    Hindi yun totoo. Try checking and studying NSO and other data regarding population.
    It's an illusion na matagal ng pinag-uusapan pero wala naman kayang magpatunay.
    Ang problema mali yung pag-utilize ng mga resources ng bansa.
    Ang problema may mga taong corrupt. Ano sa palagay mo?

    *Safe Sex
    Nakakatawa pag-usapan 'to.
    So okay lang magsex basta walang baby ganun-ganun na lang?
    Haha. Parang aso lang ah.
    Pag ba nagkaRH Bill sure na mababawasan ang STD Cases?
    Pag napag-aralan mabuti hindi yan totoo.
    The best pa ring pang-iwas sa STD ang wag magsex.
    Alam naman nating lahat yan, walang contraceptive ang may 100% efficiency.
    Sex that is faithful and monogamous, is 100% sure that no STD's are transmitted.

    *Sabi ng mga Pro-RH "RH Bill do not promote abortion-contaceptive lang."
    Contraception involves the use of drugs. And drugs are never absolute.
    Parang antibiotic lang yun na minsan hindi mo naman ineexpect, di umeepekto.
    Tulad ng antibiotics, if these drugs fail, and accidentally nafertilize ung egg, the living embryo will try
    to implant to the uterus for nutrition; what the drug will do is prevent the living child from implanting, thus death (abortion).

    *Bakit tutol ang Simbahan?
    Simple lang. Bilang isa sa pinakamalaking institution sa lipunan, hindi puwedeng manahimik lang 'to
    pag may nakikitang mali.
    Problema kasi sa mga RH advocates, puro endorse ng good effects wala man lang nung mga bad effects.
    Sa ganitong pagkakataon, tignan natin kung lahat ba ng nandun tama.
    Pano kasi buo yang ipapasa, hinde parte-parte.
    Hinde pwedeng turo-turo; Gusto ko nito, hinde ko gusto niyan.
    Ask yourself, Do I agree to ALL the provisions of the RH Bill? Edi pag hindi. Object yung buo. Hindi keme-keme lang. :)

    *SEX EDUCATION
    Reality check: Kung ngayon nga hindi maituro ng maayos ang SCIENCE, MATH, ENGLISH at iba pang Basic subjects.
    Asa pa ba tayong yung SEX ED, magiging maayos? Think about it.
    Konting kibot nga lang, dami ng react.
    Tsaka di talaga malinaw dun sa bill kung paano 'to isasagawa. Kaya pakicheck din sana mabuti. :)

    *Other Things
    Bad trip na nakakatawa. Isipin mo magbabayad ako, ikaw, sila ng tax para sa LIBOG at Kati ng ibang tao.
    Sila nangati-ngati't gumawa-gawa ikaw magbabayad ng condom, pills etcetera.
    Kesa ipambayad ng contraceptives, sana mapaayos na lang ang mga drainages at ibang infrastructures.
    Tulad niyang nakaraang linggo, daming nabahaan, daming nabiktima. PagkanaRH Bill, di na tayo mababaha?
    Di na ba magkakabasura? Dami pang dapat problemahin kesa sa RH Bill na yan.


    Ako naman di nagha-hyper ventilate. Chill lang.:p Biro lang! pero seryoso, ANTI-RH BILL ako.

    P.S. Di pa ba tayo matututo sa ibang bansa na nagkaroon nito?

    Haha. Dati neutral ako pero nung inaral ko naging Anti-RH ako. Sana ganun din yung ikaw at sila. Ako aminado pinag-aralan ko talaga. Yung ganitong usapan kasi di pwedeng chill lang.
    Ganun din sana yung iba, mahirap kasi yung arguments na puro satsat lang at makasawsaw lang sa issue. God bless!

    ReplyDelete
  3. Ang haba ng comment mo ate. Hindi ko alam kung san ko sisimulan yung reaction ko. Mehe. Hindi man lumalaki population, sa mayayaman siguro hindi. sa mahihirap oo. ewan ko. Basta ang dame kong gsto pang sabihin.

    ReplyDelete
  4. Haha, ngayon ko nga lang din napansin. Ang haba ng comment ko. :D

    ReplyDelete
  5. Mejo butas man tong blog na to. PRO RH BILL pa rin ako.

    Hindi ko alam kung bakit nangingielam ang simbahan sa paggawa ng batas gaya ng pakikielam nila sa pagconcert ni lady gaga dito sa pinas.

    Ang mga mambabatas naman hindi pinapakielamanan ang simbahan.

    Imagine mo nga kung makielam ang senado sa mga luma at bagong tipan sa bibliya. tangina lang di ba?

    ReplyDelete
  6. SERIN FTW!!! Tama naman. Hindi man tayo over populated kagaya ng sinabe mo, sobrang dami na ng mahirap na ang daming anak na hindi na halos mapakain tapos gobyerno ang sinisisi hindi ang simbahan >.<

    ReplyDelete