2.10.12

Cyber Crime Shit.

Madaming dahilan kung baket ayaw ko at ng madaming tao dito. Unang una sa lahat, ang daming problema ng Pilipinas na dapat unahin. E baket eto una nilang pinagtatalunan? Kase may na-argabyadong senador? Anak ng tokwa! Ang daming argabyado sa Pilipinas pero hindi sila nagrereklamo. Kung nasisira man pangalan nya, e kasalanan na nya yun. Baket kelangan idamay ang mga netizen? Saka hindi naman samin nagsisimula kasiraan nyo ah? Sa mga kabalbalan nyo nagsimula yun. Kumbaga gumawa ka ng apoy, trip lang namin lagyan ng sandamakmak na tuyong dahon. Kung di ka gumawa ng apoy, walang mangyayare diba? Enebe? Stupid lungs?

Yung mga ordinaryong tao na sinisiraan wala na ngang pakealam e. Kanya kanyang diskarte lang yan ng paglinis ng pangalan mo. Pero mas maganda kung hindi ka gagawa ng katangahan para di ka masira?

Nakakainit ng ulo.

Isa pa, bukod sa social networking sites, san pa ba kame napapakinggan ng mga tao sa taas? Wala naman diba? E pano kung ang gusto naming sabihin e may masasagasaan talagang tao? Edi wala na kulong na kame? Sino ba naman kaming ordinaryong tao para pakinggan nyo diba? Nakakabwisit talaga. E pano kung may mali na talaga tapos gusto kong i-share dito sa blog ko, wala na, kulong na pag di nyo nagustuhan? E pag di ko kaya nagustuhan yang mga pagmumuka nyo, ikulong ko din kaya kayo? Kala nyo nakakatuwa?

Kaya nakakawalang gana tumira sa Pilipinas e, ang daming mga walang kwentang katangahan na pinapatupad. Yung mga bagay na dapat pinapansin, hindi pinapansin. Yung mga walang kwentang hindi mahalaga yung inuuna.

Para kayong mga nanay na mas uunahin bilhin yung luho nya kesa sa pagkain ng mga anak nya. Ano ba? Ang sarap paguuntugin ng mga utak nyo! Ang tatalinong naturingan di nagiisip ng tama. Hay nako.

Tapos 12 years akong makukulong pag di kayo natuwa sa isusulat ko? Anak ng tokwa. Sana pumatay na lang ako. At least katanggap tanggap yung magiging sentence sakin. magsusulat lang ako, 12 years na makukulong? Anong katangahan yan? Yung rape 5 years lang? Bat di nyo na lang pagbaliktarin? Masyadong hindi napagisipan. Tsk.

Wala naman akong masyadong pakealam at alam sa pagpapatupad ng mga batas, pero common sense meron ako. Sana kayo din. Nakakaimbyerna. Hindi na ko magtataka kung bigla na lang may humuli sakin. Wag na kayong magtaka kung 12 years akong mawawala ah? NAKAKABWISIT! NAKAKAIRITA! PARA KONG NAKIPAGUSAP SA TANGA!

No comments:

Post a Comment