14.11.12

Amalayer? She's not a layer. Kwentong Lady Guard sa Santolan station.

Dahil mejo late ako sa balitang amalayer na lecheng amalayer na yan, ngayon ko lang sya isusulat.

Sa tingin ko kase e masyadong biased ang kwentong Amalayer na yan e. Apat na taon na kong halos araw araw sumasakay sa Santolan station kaya alam ko yan. May mga pagkakataon talaga na mabubwisit ka sa mga guard sa LRT2. Ilang beses ko ng nararanasan yang pambabastos ng mga guard na yan. Hindi ko naman nilalahat, pero syempre tao yan, may attitude problems din kagaya ko. Hindi naman kase nasimulan saka natapos yung video ni Amalayer na naging viral e. So biased talaga sya. Ang naabutan lang naman e yung part na naghi-hysterical na si ate e. Malay ba natin kung ano talaga naging problema nila. Kase hindi naman magrereklamo yan, kung walang mali na ginawa si Ateng Guard. Pero mali pa din na sigaw sigawan nya yung guard, so walang tama sa kanila. As a paying passenger of the train, na tama naman ang binabayad, e may karapatang magreklamo si Amalayer but she chose the wrong way of complaining. Maghysterical ka ba naman sa station diba? Mali. Pero, mali din si Ateng Guard. Alam ko mali sya. Ano magbabaliw baliwan na lang si Amalayer sa Santolan dahil trip nya? Halatang galit na galit yung nostrils ni ate kaya alam kong mali si Ateng Guard.

E ano naman ang punto ko? Kung sino man yung nagvideo, sana tinapos nya yung scene. At sana, hindi sobrang judgemental ng description nya sa video nya. Ang dating kase is sobrang one sided ng story. Ni walang nagtanong kung bat nagalit si Amalayer. Basta na lang. Unfair.

Nung monday, muntik na din akong magwala. Buti na lang late na ko sa school kaya iba ginawa ko. Kase, umaga, may PMS ako, at ang init init. Pag pasok ko ng Santolan station, ang grumpy ng ichura ko. Well, everyday naman e. Tapos edi ayun, nung ii-inspect na nung guard yung bag ko, pinabuksan nya yung isa pang bulsa. Kalmado lang. E dahil mainit ang ulo ko kase meron ako, padabog akong nagbukas ng bag. Ganun naman talaga ko, so wala na dapat pakealam yung guard. Sabihan ba naman ako ng "Kelangan magdabog?" E ate, kelangan makealam? Kala nya siguro di ko sya narinig kase naririnig na nya yung tunog galing sa headset ko. Pero kahit na. Narinig ko sya e. Ewan ko lang kung bingi sya at di nya narinig yung sinabe kong "Wala kang pakealam, leche!" E basta ayun. Wala kong pake kung narinig man nya o hindi. Sabay biglang hatak sa bag ko para tamaan sya sa kung san man tatama yung backpak ko. Wala akong pakealam kase mainit yung ulo.

So?

Kung ikaw guard, dapat sayo magsisimula ang masayang mood ng mga pasahero ng LRT. Ikaw ang una naming makikita pagpasok namin ng station e. So dapat may good morning man lang. E kaso wala. Minsan lang meron. Ano? Moody ka din? Mali. Dapat kahit anong init ng ulo ng mga guard, work is work. Be professional! Wag kang mambastos ng mga pasahero. Kung may angal ka, ayusin mo pagsasabe. Hindi yung mataas ka pa sa kausap mo. Kung mga call center agents nga hindi minumura yung mga costumer nilang minumura sila e. Ikaw pa kaya? E magkaharap kayo ng mga tao? Kasama sa work ethics yan. Ano? Di kasama sa training nyo? O tulog ka nung sinasabe yan? Dapat kayo yung mas unang ngumingiti kesa sa mga pasahero. Ano? Kame magpapangiti sainyo?

Hindi yan yung first time na nabastos ako ng guard sa LRT. Yan lang yung latest. Baka nga pareho pa kame ni Amalayer ng guard na nakaharap e. Wala kong kinakampihan sa kanila. Kase pareho silang mali. Mali din ako sa pagtama ng backpack sa guard. Pero kahit na. Hindi naman magwawala mga pasahero nyo kung wala kayong ginagawa e. Kaya sa susunod, bago kayo magreklamo, ayusin nyo muna mga trabaho nyo. Pinapasweldo kayo, nakakakaen pamilya nyo tapos hindi tama ginagawa nyo? Ano? Gaguhan? Tigilan nyo nga ko! Sa susunod lalagyan ko ng bago yung bag na ihahampas ko sa guard na mangiinis sakin para solid. Bwahahahaha!!!

Osya? See you later, velociraptor!

13.11.12

Benefits of Being Single

Pag tinatanong ako ng mga kaibigan ko kung masaya ako ng walang boyfriend, aba syempre. Ang saya kaya maging single. Lahat ng ginagawa mo, para lang sa sarili mo. Wala kang iisipin na tao sa mga desisyon mo sa buhay. Lahat ikaw. Syempre makinig ka sa magulang mo, fathers knows best. HAHAHA. Masaya yung feeling na wala kang iisipin na maapektuhan pag may ginawa kang isang bagay para sa sarili mo.

Sabe nila pag single ka, maiinggit ka daw sa may mga jowa. Ewan ko ako hindi e. Kalmado lang. Mas madalas yung hindi. Kase pag single ka, walang magsasabe sayo ng "Bawal yan!" bukod sa mga magulang mo. Ayaw mo ba nun? Walang pipigil sayo na magdiet pag feeling mo tumataba ka na. Walang magagalit pag may kumuha ng number mo. Walang maiinis pag lumabas ka kasama mga tropa mong from opposite sex. Walang magbabawal sayo pag may mga bagay kang gustong itry na alam mong delikado. (Pasensya na, trip ko kase disgrasya e.) Walang magagalit sayo pag trip mong magpuyat kase nagmomovie marathon ka. Walang maiinis sayo pag di ka agad nagrereply tapos kasama mo mga tropa mo. Wala magagalit pag di ka sumipot. Walang stress. Walang problema.

If you think of it, masaya talaga maging single. It's when and where you really grow. Masayang hanapin yung totoong trip mo ng di ka dumedepende sa feelings ng ibang tao. Wala kang ibang iisipin kundi sarili mo. Jan mo mahahanap yung tunay na sarili mo. Kung ano ka talaga, kung ano trip mo. Magagawa mo lahat ng gusto mo ng walang pipigil sayo.

Wag kang malungkot pag single ka, wag kang mainggit pag single ka. Isipin mo na lang, sila madaming bawal, ikaw, masaya ka. May mga kaibigan ka naman e. Di ka required ilibre sila. Pag tropa, madalas KKB sa gastos. E pag may girlfriend ka, papakainin mo na nga, reregaluhan mo pa. E pano pag nashort ka sa allowance mo. Paktay na? May mga jowa pa na naiinis pag di ka pwede umalis. E pag tropa, wapakels. Pwede ka pang malate ng bongga. Masaya lang buhay.

Kaya ikaw, kung single ka, magwala ka! Gawin mo lahat ng gusto mo. Magskateboard ka, kumarera ka, wag kang magload, lumabas ka, basta dapat alam mo kung ano yung dapat. Masaya yan.