13.11.12

Benefits of Being Single

Pag tinatanong ako ng mga kaibigan ko kung masaya ako ng walang boyfriend, aba syempre. Ang saya kaya maging single. Lahat ng ginagawa mo, para lang sa sarili mo. Wala kang iisipin na tao sa mga desisyon mo sa buhay. Lahat ikaw. Syempre makinig ka sa magulang mo, fathers knows best. HAHAHA. Masaya yung feeling na wala kang iisipin na maapektuhan pag may ginawa kang isang bagay para sa sarili mo.

Sabe nila pag single ka, maiinggit ka daw sa may mga jowa. Ewan ko ako hindi e. Kalmado lang. Mas madalas yung hindi. Kase pag single ka, walang magsasabe sayo ng "Bawal yan!" bukod sa mga magulang mo. Ayaw mo ba nun? Walang pipigil sayo na magdiet pag feeling mo tumataba ka na. Walang magagalit pag may kumuha ng number mo. Walang maiinis pag lumabas ka kasama mga tropa mong from opposite sex. Walang magbabawal sayo pag may mga bagay kang gustong itry na alam mong delikado. (Pasensya na, trip ko kase disgrasya e.) Walang magagalit sayo pag trip mong magpuyat kase nagmomovie marathon ka. Walang maiinis sayo pag di ka agad nagrereply tapos kasama mo mga tropa mo. Wala magagalit pag di ka sumipot. Walang stress. Walang problema.

If you think of it, masaya talaga maging single. It's when and where you really grow. Masayang hanapin yung totoong trip mo ng di ka dumedepende sa feelings ng ibang tao. Wala kang ibang iisipin kundi sarili mo. Jan mo mahahanap yung tunay na sarili mo. Kung ano ka talaga, kung ano trip mo. Magagawa mo lahat ng gusto mo ng walang pipigil sayo.

Wag kang malungkot pag single ka, wag kang mainggit pag single ka. Isipin mo na lang, sila madaming bawal, ikaw, masaya ka. May mga kaibigan ka naman e. Di ka required ilibre sila. Pag tropa, madalas KKB sa gastos. E pag may girlfriend ka, papakainin mo na nga, reregaluhan mo pa. E pano pag nashort ka sa allowance mo. Paktay na? May mga jowa pa na naiinis pag di ka pwede umalis. E pag tropa, wapakels. Pwede ka pang malate ng bongga. Masaya lang buhay.

Kaya ikaw, kung single ka, magwala ka! Gawin mo lahat ng gusto mo. Magskateboard ka, kumarera ka, wag kang magload, lumabas ka, basta dapat alam mo kung ano yung dapat. Masaya yan.

2 comments: