19.2.13

Urban Faggots.

Sa dinami dami ng mga taong nakakasalamuha ko araw araw, hindi pwedeng mawalan kahit sa isang araw lang, ng mga taong sisira at bubwisit sa magandang araw ko. Sila ang mga tinatawag kong "Urban Faggots". Baket? Kase para silang mga taga bundok na walang manners na binagsak sa cuidad. Ano ba problema ko sa kanila? MADAMI!

Sa isang tindahan sa may Pureza, araw araw akong tumitigil dahil sa murang bilihin nila *compared to other stores, oo mas mura sa kanila*. Pero does that mean na pwede na silang maginarte sa mga customers nila? HINDE! Sa araw araw na ginawa ng Diyos na bumibili ako sa tindahan nila, araw araw din akong sinusungitan dalawang babaeng tindera dun. Kada bibili ako, ang bagal bagal na nga nilang kumilos, hindi pa marunong gumalang sa mga customer nila. Kahit wag na ko, kahit yung matatanda na lang ang igalang nila. May isang araw, may lola na nagbebenta ng yosi, dun sya bumibili kase mura pa din sa kanila ang yosi. Edi bumibili si lola ng tig-dadalawang kaha per yosi. Syempre madami na syang nabili. Si tinderang matangkad, basta na lang inabot kay lola yung madaming yosi, minsan nilalagay lang sa may bigas na tinitinda nila. Pano hahawakan ni lola yung mga binili nya? Edi si lola, nanghingi ng plastic sa tindera. Kunyare bingi si ate. Nung pangatlong tawag nung lola, saka lang nya pinansin kase nagtaas na ng boses yung matanda at nakuha na nya yung attention ng boss nila. Tama ba yun?!

Common sense, syempre hindi. Pfft -_______-

Last year, lumipat kame ng bahay pero dito din sa subdivision na kinalakihan ko. Bahay to ng tita ko na nadeads na matagal na. Edi dito kame lumipat. Tapos may katapat yung bahay namin *syempre* na may manukan. Nagtataka lang talaga ako kung baket may manukan sa subdivision? Sa pagkakaalam ko bawal ang manukan sa subdivision e. Wala naman sanang problema, kaso nga lang ang iingay ng mga manok nila. Wala ng piniling oras ang pagtilaok. Tapos may malaki silang aso na kada tilaok na sabay sabay ng mga manok, tumatahol din sya ng sobrang lakas at tagal. Edi sobrang ingay na ng buong street namin. Tapos kada-hapon pa, nagsasabong sila ng anak niya. Tapos kada-hapon maririnig mo yung boses nyang parang itik na ang lakas lakas. Parang taga bundok na first time sa city? Tama ba yun?!

Hindi lang sya ang problema ko bago naming bahay. May bahay sa kabilang block na kada umaga, nagpapatugtog ng malakas. Taga kabilang block sila pero hanggang sa kwarto ko nagba-vibrate pa din. Buti sana kung music ang pinapatugtog nila, e kaso hindi. Nung may trabaho pa ko, palaging umaga na uwi ko. Syempre kelangan kong matulog, at madalas hanggang tanghali tulog ako. Sunday nun, alas syete ng umaga. Mga karaniwang tao, gising na ng ganung oras. Pero hindi kaming mga nocturnal. Alam mo yung feeling na pagod na pagod utak at katawan mo sa trabaho, tapos magigising ka ng sobrang aga sa kanta ni Justin Bieber. Tapos nung minsang sinita ko yung nakatira dun, siya pa nagalit! Tama ba yun?! Kung ikaw ba napuyat dahil sa kanta ni Bieber, magagawa mo pang ngumiti?! Kung kame buryong buryo na, ano pa yung bahay sa tapat nila na puno ng boarders na nagtatrabaho? Edi mas lalo na sila.

Hindi lang sa Pureza at samin maraming urban faggots. Mas madaming ganyan sa LRT. Naisip kong gawin tong post na to nung araw na nabwisit ako sa mga kasabay ko sa train. Sa Santolan station pa lang, madami ng tao. Madaming middle aged women na nakatayo at halos lahat ng lalake nakaupo. Well, sa side na nakaharap ako, puro lalake ang nakaupo. Walang may balak tumayo. Si kuyang Bedista, nagkunyari pang tulog. Pero every now and then nagtetext. Pero wala syang balak tumayo. Pag dating ng Cubao station, may isang lalaking tumayo para lumabas. Akala ko makakaupo na yung mga babae sa tabi ko. Pero si kuyang taga FEU, siniksik lahat ng tao para sya ang umupo. Nainis pa sya nung may sumubok na agawin yung pwestong uupuan nya. Tama ba yun?!

Tapos pag nauubos na yung laman ng stored value card ko, syempre bibili ko ng bago. Diba masaya pag may pinurchase kang kahit ano, yung magaabot sayo ng sukli at card mo e nakangiti. E kaso sa LRT hindi. Ihahagis lang nila sa butas yung card mo pati sukli mo. Tama ba yun?! Ang sarap magreklamo minsan kaso wala na kong time kase lage akong late pumasok. Matyempuhan ko lang talaga na badtrip ako tapos hinagisan nila ko. Nakuuu! Masisira lang ang umaga mo sa lahat ng tao sa paligid mo.

Pwede naman nilang ayusin mga trabaho at ugali nila pero mas pinili nilang maging Urban Faggot at salot sa lipunan. Tapos pag may isang nagreklamo, ikakalat nyo yung video. Naiisip nyo ba kung baket nila ginagawa yun?