15.1.14

lighter=relationship

Just a quick post.


Naisip mo na ba minsan sa buhay ng isang taong nagyoyosi kung anong pinakamahirap na kalaban? Yung magkaron ng lighter na tatagal mg buwan.

Pero hindi sya ganun kahirap. Wag mo lang ipahiram at, voila! Tatagal amg lighter mo Ng ilang buwan. Pag medyo mayaman ka, pwede mo refill-an ng gas o kung ano man tawag dun sa punyetang yun.

Kanina sa trabaho, habang nagsisindi ng yosi si Luis, bigla nyang nabanggit yung tungkol sa dati nyang lighter na tumagal ng ilang buwan. At dahil medyp bitter ako sa mga dati kong karelasyon, "BUTI PA YUNG LIGHTER TUMATAGAL, YUNG MGA RELASYON HINDI." Minsan mas matagal pa yung buhay ng lighter kesa sa relasyon ng dalawang tao.

Naalala ko dati, nasabi ng ex ko na ang Pagibig ay parang yosi. Dahil sa usapan kanina,napatunayan kong mali yun. Ang Pagibi. Ay hindi parang yosi, kundi parang lighter. Tatagal yan ng buwan kung magaling ka magingat, o "KEEPER" kumbaga. Pero walang lighter na tatagal sayo kung pabaya ka at mawawala mo lang to o aagawin ng tropa mo. Ang yosi, pag naubos, ubos na. Hindi mo na hihithitin yung filter kasi mamatay ka lang. Kung papalitan mo naman pag naubos, hindi ba parang jerk? Pag ubos na ang init, hanap bago. Sindi ng panibago. Siguro nga. May chance! Iykwim --,

Kung magaling kang ipagtanggol ang lighter mo, ipilitin mo tong agawin pabalik sayo pag dinekwat mg yosi buddy mo or ng estranghero sa smoking area. Ipiilit mong saiyo yung lighter at makikipagaway ka para lang mabawi to kung naisip mong importante to sayo. Dadating pa sa point na ipagdudikdukan mo sa umagaw ng lighter mo na sayo yan at may palatandaan ka pa. Alam mo kung nasan yung gasgas sa gilid. Alam mong sayo talaga yun.

Pag nawala mo yung lighter mo,minsan mamomroblema ka pa ng very light kasi ayaw mong bumili agad ng bago. Minsan hopia ka pa na mahahanap mo ulit yung luma mong lighter. Pero kadalasan, parang wala lang sayo at bibili ka nv bago.

Kung nahanap mo na yung lighter na pinakagusto mo o yung lighter na napamahal ka na, gagawa ka ng paraan para di mo na sya papalitan. Bibili ka ng pang refill na gas o kung ano man yun para lang masiguro mong hindi sya mawawalan ng apoy at patuloy nyong patayin sa sarap ang sarili mo.

Hindi mo ba naisip na ganto din ang mga relasyon? Hindi ko din alam. Ganto talaga siguro pag single. Kayaikaw, kaibigan, wag na wag mong iwawalaang lighter mo. Baka dumating ang araw na May yosi ka nga, wala ka naman pansindi.



xx,
B

No comments:

Post a Comment